Ikaapatnapu't-apat

318 25 0
                                    

Ikaapatnapu't-apat

Hindi hindi hindi hindi hindi!

Nanghihina akong bumaba sa aming sinasakyang kabayo at halos gapangin na ang dulo ng bangin habang patuloy ang panaghoy.

"OLIVIAA!" Tila nawalan na ako ng tinig sa paghagulgol habang gimbal na pinagmamasdan ang dagat na kinahulugan ni Olyang. Para akong sinaksak at pinapatay dahil sa wala akong magawa kung hindi titigan ang katubigan na unti-unting nakukulayan ng dugo.

"OLYAANG!!"

"MANAHIMIK KA!" Hinila ako ng lalaki at binigyan ng isang malakas na sampal. Hindi ako tumigil at pinagbabayo ang kaniyang dibdib at sinampal ang kaniyang pisngi.

"PINATAY MO SI OLYANG! WALA KANG PUSO! DEMONYO KA!.... demonyo ka... p-pinatay mo si Olyang..." Muli ay sumadlak ako sa lupa at nagluksa. Ano bang nagawa ni Olyang upang ganito ang iganti sa kaniya? Napakabuti niyang tao ngunit... ngunit...

"Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas ko nang hilahin ako patayo ng lalaki na nagngangalang Nikolas. Pabalya niya akong itinapon sa lalaking tinatawag na Condrad at nagsalita.

"Dalhin mo ang babaeng iyan. Kung ayaw mong tuluyang mamaalam sa mundo, sundin mo si Panginoong Leandro" Sumakay siya sa kaniyang kabayo at lumisan.

Humarap ako kay Condrad at niyugyog ang kaniyang balikat.

"Tulungan natin si Olivia, kailangan natin siyang makuha pakiusap!" Ngunit iniwas lamang niya ang kaniyang paningin.

"Sa mga oras na ito malaki ang posibilidad na nasa kaibuturan na ng dagat ang kaniyang katawan. Kahit makuha natin siya... imposibleng mabuhay pa ang babaeng iyon. Nilamon na ng kaniyang dugo ang katubigan"

"Hindi! Hindi ako aalis dito! Tutulungan ko siya---"

"Patawarin mo ako" Isang malakas na daing ang namutawi sa aking bibig nang umakyat ang sakit sa aking batok. Unti-unting lumalabo ang paligid at bago pa man tuluyang dumilim ay wala akong ibang nakikita kung hindi ang dagat na puno ng dugo ni Olyang.

Francisco...

=====

"OLIVIA!" Sigaw ko nang magising sa isang masamang panaginip. Agad akong napaupo at nasapo ang aking ulo habang tuloy-tuloy ang paghingal at tumutulo ang malalamig na pawis sa aking noo.

Ako'y nasa aking silid ngunit para bang isang ilusyon lamang ito. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang katakot-takot na pakiramdam sa aking puso.

Sa panginip ko'y may masamang nangyari kay Olivia. Pinahirapan siya at pinaslang.

"Kamahalan!" Hangos ni Macario sa aking silid. Kaagad akong tumayo at inayos ang aking sarili.

"Ayos lang ako" Buntong hininga ko at pinagmasdan ang aking nanginginig na mga kamay. Isa lamang iyong masamang panaginip, hindi iyon magkakatotoo.

"Iba ang simoy ng hangin ngayon sa kanluran" May pakiramdam ako na mayroong hindi magandang mangyayari. "Siguraduhing mahigpit ang pagbabantay sa loob at labas ng bayan!" Pag-uutos ko ngunit nang balingan ko si Macario ay tila hindi ito panatag at nababalisa.

"Anong nangyayari?" Maawtoridad kong tanong. Nang hindi siya sumagot ay nilapitan ko siya.

"Macario, ano ang nangyayari?!"

"Kamahalan, kailangan ninyong tumakas! Laganap sa buong Ail Veronia ang balitang tinanggap mo sa kaharian si Isagani na siyang maalamat na mamamaslang kaya naman nagkaisa ang mga tao upang magsagawa ng pag-aalsa sa inyong pamamahala!" Napamaang ako at tila nawalan ng dugo sa aking narinig. Ano? At sino ang nagpakalat ng balitang iyon?!

1876Where stories live. Discover now