Ikadalawampu't-dalawa

387 20 1
                                    

Ikadalawampu't-dalawa

"Ano kamo, lilipat na kayo sa kabilang bayan?"

"Iyon ang napagdesisyunan naming magkapatid, Binibining Olivia. At narito kami upang muling magpasalamat sa inyo bago kami umalis" Inilapag ko sa mesa ang maiinit na tsaa at tinapay para sa magkapatid na Dante at Diego. Gumuhit ang malungkot ngunit masayang ngiti sa aking labi.

"Maraming ng masasakit at hindi magandang pangyayari ang naranasan naming magkapatid sa lugar na ito at sa kamay ni Ginoong Jose. At ngayong lubos na kaming nakawala sa kaniya ay gusto namin muling mag-umpisa ng matiwasay na buhay" Paliwanag ni Diego.

"Ibig sabihin ay hindi na kayo babalik rito kailanman?" Bakas ang kalungkutan sa tinig ni Antonio. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Minsan lang siya magkaroon ng kaibigan na kalapit niya ng gulang at kapareho niya ng mga hilig kaya mahirap sa kaniyang pakawalan nito.

"Huwag kang mag-alala Antonio, madalas kitang bibisitahin sa inyong paaralan! Pupunta pa rin tayo sa kakahuyan at mamimingwit ng isda! O kaya naman ay maglalaban ng mga gagamba o mananatakot ng mga ibon! Hehe siguro naman ay hindi na muli kita mapagkakamalang si Prisepe Ismaya" Tumatawang saad naman ni Dante. Totoo nga, habang tinititigan ko siyang mabuti ay nakikita ko rin ang ilang ugali na mayroon si Antonio at isa pa ay mabait na bata ito.

At may pagkamakulit din hahaha.

"Huwag ka nang malungkot, Antonio. Sigurado naman akong tutupad sa kaniyang pangako si Dante, hindi ba Dante?" Pinalalakas ni Francisco ang loob ni Antonio sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-asa rito. Alam ko rin na tutuparin ni Dante ang kaniyang pangako, ang determinasyon sa kaniyang boses ay hindi makakaila.

"Tch! Sino ba ang nagsabing nalulungkot ako?---Pero kung ganoon ay hihintayin kita!"

Maluwag sa puso kaming nagpaalam kina Dante at Diego na ngayon ang alis patungong kabilang bayan. Ang mga ngiti sa kanilang mukha ay napakagaan sa damdamin at kitang-kita ang ginhawa sa kanilang mga mukha.

Isa iyong Linggo ng umaga at nagsisimula pa lamang ang araw sa pagsikat. Sa amin na nagpalipas ng gabi ang magkapatid dahil sa wala silang kamag-anak na maaaring tuluyan kagabi. At kaninang madaling araw din ay nakaalis na ng bansa ang prinsepe ng Indonesia na si Prinsepe Ismaya.

Lubos ang pasasalamat nito sa amin pati natin na rin si Ginoong Cael dahil sa mahusay na pagganap ni Antonio bilang prinsepe. Para sa amin ay isang iyong hindi malilimutang karanasan.

"Binibining Olivia, nakahanda ka na ba?"

Hinigpitan ko ang pagkakatali ng aking buhok at saka nagmamadaling nagtungo sa labas kung saan naghihintay si Francisco. Ni hindi na ako nag-abalang tignan pa ang aking sarili sa salamin, hindi ko naman na kailangang iyon.

"Pasensya na kung pinaghintay kita" Dispensa ko na nangingiti. Kinuha ko ang isang bayong na dala ni Francisco at sabay na kaming naglakad palabas ng bahay.

"Naku, ayos lang iyon Binibining Olivia"

"Olyang, Francisco! Magandang umaga!---Teka saan naman kayo pupunta?" Puno ng sigla na bati ni Antonio na tumatakbo palapit sa amin. Kasunod niya ang kaniyang lola na si Ginang Ana.

"Ginang Ana magandang umaga po!" Magiliw naming bati ni Francisco at nagmano sa kaniya.

"Kaawaan nawa kayo ng Panginoon, kay gagalang na bata. Naku! Nakakatuwa talaga kayo"

"Teka nga, huwag niyo akong balewalain dito! Nagtatanong akooo" Bigyan ko siya ng isang mahinang hampas sa kaniyang ulo.

"Matuto ka ngang maghintay"

1876Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang