XXXVII: Parang

79 7 1
                                    

(Ariella's POV)

Isang malakas na pagsabog ang aming narinig at kasunod niyon ay ang pagliwanag ng buong gusali. Sa sobrang liwanag nito ay nasilaw si Vlad at nalapnos ang kanyang balat kaya agad ko siyang pinapasok sa loob ng sasakyan.

"NANA AZOOOON!" Sigaw naman ni inay at mas lalo siyang humagulhol. Ano bang nangyari? Ano ang sumabog na iyon? Maging ako ay labis na nag-alala.

"Sumabog na ang mahiwagang crystal sa tungkod ni nana Azon. Ginawa niya iyon upang masunog ang mga bampira. At maaaring wala na rin siya.." lumuluhang wika ng babae. Tila alam na niya ang mangyayari.

Nang mawala na ang liwanag, kasabay niyon ay ang unti-unting pagsilip ng araw sa silangan. Tila hudyat na ng isang bagong panimula.

"Paalam, Nana Azon." Wika ng babae na tinatawag nilang Ivanang Inda. Tumutulo ang mga luha nito.

Wala na ba talaga ang matandang nagligtas sa amin? Kawawa naman siya.

Yakap-yakap ko lang si inay na walang tigil sa pagtangis.

"Anak, hindi ko kayang mawala si Nana Azon.." wika niya. Hinagod ko ang kanyang likuran.

"Sige lang ho, iiyak niyo lang ho iyan." Biglang napaluhod sa lupa si Ivanang Inda. Nakayuko ito at nagsimula na ring magtangis. Lumapit sa kanya si inay at niyakap niya ito. Parehas na sila ngayong nagtatangis. Pati ako'y naluluha. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa matandang iyon.

"ah.." Napalingon ako sa loob ng sasakyan kung saan naroon si Papa. Dahan-dahan siyang bumabangon habang hawak-hawak ang kanyang noo. Nagkamalay na siya. Agad akong lumapit sa kanya.

"Papa, ayos ka na ba? M-may masakit ba sayo? wag ka muna hong bumangon baka mapano ka pa--" wika ko at bigla akong natigilan nang makita ang balat ni Papa.

"N-nasaan ho ang mga sugat mo? Napakabilis naman nitong maglaho."

"Wala nang masakit sa akin, anak. N-normal na ang pakiramdam ko. Pero nakakaramdam ako ng matinding uhaw."

"A-ang ibig niyo ho bang sabihin sa dugo?" Bampira si papa kaya imposibleng mauhaw siya sa tubig.

"Hindi.. Gusto ko ng malamig na malamig na tubig." tubig? ngunit ang sabi ni Vlad, hindi umiinom ng tubig ang mga bampira.

"Hindi naman ho umiinom ng tubig ang mga bampira ah. Bakit gusto niyo hong uminom ng tubig?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, basta pakiramdam ko uhaw na uhaw ako."

"Ayun ho, may bote ng tubig." May nakita ako sa gilid ng sasakyan at agad naman iyong kinuha ni papa at nilagok ng nilagok.

"Ahh sarap!" Wika niya nang maubos ito.

"Kailangan na nating umuwi sa templo. Wakas na ang paghahari ng mga bampira. Nangyari na ang gustong mangyari ni Nana Azon." Wika ni Ivanang Inda. Napalingon ako sa kanila ni inay. Templo? Saan iyon?

Nakatayo na sila inay mula sa pagkakaluhod habang pinagmamasdan ng malungkot ang sumabog na gusali. Ngunit mas nagawi ang paningin ko sa mga taong nagsisilakad palabas ng gusali. Tila nagtataka sila kung anong mga nangyari sa kanila. Tila sila ang mga taong ginawang bampira ni Lazarus at ngayo'y nagsilabalikan na sa normal.

"Papa, tao ka na ba ulit? Nararamdaman mo pa ba ang iyong pagkabampira?" Agad kong tanong sa kanya.

Napahawak sa dibdib si papa.
"Tumitibok na muli ang puso ko anak." Tila nagulat niyang wika.

"S-sa tubig na ako nauuhaw at hindi sa dugo. Normal na rin ang pandinig at pang amoy ko." Dagdag pa niya. Hinawakan ko ang kanyang mukha at kamay.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now