X: Kagat

306 17 0
                                    

(Jossa's POV)

Pumasok kami sa isang kweba. Napakalaking kweba. Napakalawak nito na maging sa loob ay may mga tumubong puno't mga halaman. Tila isa itong maliit na mundo sa loob ng kweba. Anong klaseng lugar ito? Ngayon lamang ako nakapasok sa ganitong lugar.

Madilim ang paligid ngunit makikita mo ang mga kulay pulang mata na nagsisiilaw. Mga mata ng bampira. Pagdudukatin ko yan eh! Hindi na ako natatakot sa kanila. Sila ang pumatay sa mama at papa ko at hindi ko 'yun mapapalampas. Gusto kong makapatay ng kahit isa sa kanila nang sa gayon ay maipaghiganti ko ang mga magulang ko. Nanggigigil ako.

Nagkamali sila sa pag-kidnap sa akin. Kahit buhay ko pa ang kapalit makapatay lang talaga ako ng isang bampira satisfied na ako. Pwede na akong sunduin ni mama, papa at ni Lord.

"Jossa, saan nila tayo dadalahin?" Tanong ni Ariella habang naglalakad kami papasok sa loob ng kweba.

"Bakit mo ba ako tinatanong? Alam ko? Alam ko?" Minsan talaga may mga tanong siyang obvious naman na hindi ko alam.

"Anong gagawin nila sa atin?" Tanong pa niya. Napapikit na lang ako at nagpipigil ng inis.

"Ariella parehas lang tayong kinidnap di'ba? Hindi ako nakakabasa ng mangyayari sa future okay?" Wika ko na lang. Mainit lang talaga ang ulo ko lalo na ngayong nalaman ko na dinukot ako ng mga pumatay sa magulang ko.

Maya-maya pa biglang lumiwanag. Biglang nagsindihan ang mga torch at kandila na nakadikit sa dingding ng kweba. Nagulat na lang kami na napapalibutan pala kami ng napakaraming bampira.

Lahat sila nakangiti at nakalabas ang pangil, tila takam na takam sa amin. Buti na lang may pimples ako sa leeg, bago pa man nila masipsip ang dugo ko, masisipsip muna nila ang nana ng pimples ko. Little revenge atleast.

"Narito na ho ang mga nahuli namin, pinunong Lazarus." Wika nung hayup na dumukot sa amin.

Doon sa parang trono, nakaupo ang tinatawag nilang pinuno katabi ang poging lalaking medyo crush ko. Shet ang pogi niya. Tumigil ka Jossa! Wag ka munang lumandi. Sila ang pumatay sa magulang mo kaya wag kang magkakagusto sa kanila. Pigilan mo ang iyong makating pechay.

Teka sa wari ko'y hindi naman bampira ang poging iyon. Hindi kasi namumula ang mga mata nito at wala rin siyang pangil. Seryoso lang siya at tila malalim ang iniisip. Tao ba siya?

Napansin ko ang isang kulungan sa gilid. Marahil doon nila kami ikukulong. May iba pang nakakulong  doon na nagsisitangis. Pinagtutulak nila kami doon at pinapasok sa loob. Sa wari ko'y nasa 20 kaming nagsisiksikan sa kulungang ito. Humawak ako sa rehas at tiningnan ang kilos ng mga bampira. Ang papangit nila.

"Ngayon na ang pinakahihintay nating lahat. Ang ika-18 kaarawan ng aking anak na si Vlademo at ang araw ng kanyang pagiging bampira." Tumayo yung pinuno at naglakad-lakad sa gitna. Totoo nga, tao ang binatang iyon at ngayon lamang siya bibinyagan upang maging isang ganap na bampira.

Patuloy naman sa pagsigaw at pagtangis itong mga babaeng kasama ko sa kulungan.

"Magsitahimik kayo!" Sigaw ng pinuno. "Mga kawal maglabas ng isang babae at dalahin sa aking harapan." Utos pa nito.

Binuksan ng mga kawal ang kulungan at lahat kami ay nagsiksikan sa gilid sa takot na mapili. Ngunit hindi umiwas si aling Danna, ang masungit kong kapitbahay. Lumapit pa ito sa mga kawal at ngingisi-ngisi.

"Iho ako na lamang ang kunin mo. Kung kakagatin man ako ng inyong pinuno, it's a great honor to be bitten by a royal king..ina." wika niya. Naaawa ako sa kanya. Isinasangkalan niya ang buhay niya para sa amin dahil siya ang pinakamatanda. Kawawa naman si aling Danna. Sorry Aling Danna, dahil sa inis ko sa'yo noon, binasag ko yung paso ng halaman mo.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now