XIV: Huli

250 13 0
                                    

(Ariella's POV)

"Hindi mo naman ako tinuturuan eh. Puro ka na lang cellphone." Wika ko kay Jossa. Dahil nga nagustuhan ko yung pinanood namin nung isang araw, mas ginanahan akong mag-aral upang matutunan ko na kung paano magbasa ng subtitle. Gusto ko nang malaman ang buong storya nito.

Pero simula nang makatext ni Jossa ang manliligaw niya, hindi na niya ako tinuruan pa. Binibigyan niya lang ako ng panoorin sa laptop pero hindi ko naman ito maintindihan. Dapat siya ang nagtuturo sa akin dahil hindi ko naman nakakausap ang taong nagsasalita sa loob ng laptop niya.

"Jossa hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Turuan mo na kasi ako." Wika ko sa kanya pero parang wala siyang narinig. Nakahiga lang siya sa sofa habang pumipindot sa cellphone niya. Nakaupo naman ako sa sahig habang nanonood sa laptop na nakapatong sa maliit na center table.

"Hoy Jossa! Hindi mo naman ako pinapansin eh. Paano ako matututo nito?" Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya at hindi ako pinapansin. Bigla na lang siyang tatawa at manginginig. Anong nangyayari sa babaeng ito?

"Jossa hoy. Hanapan mo ako ng tagalog. Hindi ko naman ito maintindihan eh." Hindi pa rin niya ako pinapansin.

"Hoy wala ka bang naririnig?"

"JOSSA!" sigaw ko na.

"Ay p*pe mo!" Bigla siyang napabangon. "Putragis ka naman nakakagulat ka! Bakit ka ba naninigaw?" Sigaw niya.

"Kanina pa kasi kita tinatawag hindi mo ako pinapansin. Pwede bang ikaw na lang magturo sa akin? Di ko maintindihan pinagsasasabi nito eh."

"Shuta naman Ariella addition na lang hindi mo pa makuha? Paano pa kaya kapag nag-algebra ka na?" Bakit parang ang init na naman ng ulo niya? Nagtatanong lang naman ako.

"Paano ako matututo eh english naman ang sinasalita ng lalaking 'yan? Alam mo namang hindi pa ako marunong mag-english yan pa ang pinapanood mo sa akin. At tsaka sabi ko di'ba english nga ang gusto kong pag-aralan, bakit ito ang binigay mo sa akin?" Reklamo ko.

"Eh hindi rin naman kasi ako ganun kagaling mag-english kaya sa math ka muna. Tutal hanggang sampu pa lang ang kaya mong bilangin. At tsaka importante rin ang math kapag lumabas ka no. Halimbawa may bibilihin ka, oh paano mo malalaman yung presyo kung di ka marunong tumingin ng numero at magbilang? Kaya sa math muna tayo okay?" Wika pa niya. napakamot na lang ako ng ulo.

"Eh hindi ko nga maintindihan dahil english ang salita. Kaya dapat turuan mo muna ako ng english."

"Eh hindi nga ako magaling mag-english ang kulit mo naman! Sinabi nang math muna eh."

"Edi turuan mo ako!" Ang kulit niya rin eh. Sinabi ngang hindi ko maintindihan dahil english!

"Oh sige-sige mamaya tuturuan kita. Pero pagkatapos na lang namin mag-usap okay?" Humiga siyang muli at nagpipindot na naman sa cellphone niya. Napahilamos na lang ako ng mukha.

Iniligpit ko na lang ang mga gamit ko at tsaka sumilip sa bintana. Haaay ang sarap ng hangin. Pumikit ako at dinama ito.

Unti-unti kong iminulat ang mata ko at agad na umagaw ng aking pansin ang isang lalaking nakatago sa tindahan. Parang kinukunan niya ako ng litrato gamit ang cellphone niya. Sino 'yun? Agad itong umalis nang mahalata niyang nakatingin ako sa kanya. Ipinagkibit balikat ko na lang ito.

Dahil sa kumalat na balita tungkol sa mga bampira, wala nang gaanong makikitang tao sa labas. Alas 6 na kasi ng gabi at ganitong oras, lumalabas na ang mga bampira dahil lumubog na ang araw. Isinara ko na ang bintana at lumapit kay Jossa. Nakahiga siya sa sofa kaya ipinatong ko ang binti niya sa hita ko upang makaupo ako nang maayos.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now