VII: Sekreto

316 16 0
                                    

(Ariella's POV)

"S-sirena.. sire--" *blag* biglang nahimatay si Jossa.

"Jossa!" Bumaba ako sa sahig at dumausdos papalapit sa kanya.

Bakit 'ba kasi ako nagkabuntot?! P-paano nangyari ito?!

Inilagay ko sa buntot ko ang ulo niya at tinapik-tapik ko ang pisngi niya.

"Jossa gising! O-okay ka lang 'ba?" Maya-maya ay nagising na siya. Bigla siyang bumangon at lumayo sa akin.

"Halimaw! Isa kang halimaw!"

"Jossa hindi! Hindi ako halimaw. wag kang matakot. Mabait ako, hindi ako nananakit ng tao, pangako." Pakiusap ko sa kanya.

"H-hindi ka totoo di'ba? Baka nananaginip lang ako, gising self! Gising!" Sinampal-sampal niya ang sarili at kinusut-kusot ang kanyang mga mata. Dumilat siyang muli at tumingin sa akin.

"Waaah nandyan ka pa! Diyos kong mahabagin kung nananaginip man ako, gusto ko na hong magising!" Sigaw pa niya.

"Jossa, totoo ang nakikita mo. Gising na gising ka. I-ito ang dahilan kung bakit itinago ako ni tita Noreen sa mundo."

Huminga ako ng malalim. Tutal nakita na niya, wala nang dahilan para maglihim pa ako.

"S-sirena ka. Waaah hindi ko alam pero natatakot talaga ako."

"Jossa, sirena ako pero hindi ako halimaw. Hindi kita sasaktan, wala akong dahilan para gawin 'yun sa iyo. Sana huwag mo akong kamuhian. Ito ang pinakatatago kong sekreto at s-sana, manitili lang ito sa pagitan nating dalawa."

"H-hindi ko alam ang mararamdaman ko kasi— I just — bakit— basta! ngayon lang ako nakakita ng tulad mo. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Kapag tinitingnan kita parang nananaginip ako, alam mo 'yun? Basta hindi talaga ako makapaniwala. Pilit kong sinasabi sa isip ko na hindi ka totoo pero shuta nakita ko eh! nakita ng dalawa kong eyeballs kung paano ka nagkabuntot. T-totoo ka nga talaga. Naninindig ang balahibo ko sa'yo." Kita ko ang gulat niya sa nasaksihan.

"Huwag kang matakot sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit bumalik ako sa pagiging sirena, a-ang akala ko tuluyan na akong naging tao. Siguro may kinalaman dito ang inay ko. Kailangan ko siyang mahanap. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkapaa kaya siya rin ang makakasagot kung bakit nagkabuntot akong muli. Nakikiusap ako sayo, sana manatili itong sekreto. Kung ipagkakalat mo ang tungkol sa akin, baka pagkaguluhan ako ng mga tao't hindi ko na muli makita ang nanay ko. Nagmamakaawa ako sayo, Jossa. Wag mo akong isusumbong sa mga tao." Bigla akong naluha nang maisip ko iyon. Paano na ang inay? Paano ko siya mahahanap kung nagkabuntot muli ako? Paano kung ipagkanuno ako ni Jossa sa mga tao dahil sa takot niya? Paano na?

Narinig kong may mga nagsilaglagang  mga kristal sa sahig. Lumuluha na naman ako ng kristal. Napatingin ako sa kanya.

"B-bakit tumigas ang luha mo?" Tanong niya. Isa-isa kong pinulot ang nagsilaglagang kristal.

"Nagiging kristal ang mga luha ko. Ito ang dahilan kung bakit yumaman ang tita Noreen ko." Napatakip siya ng bibig.

"T-talaga?" Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at kumuha ng isang butil ng kristal. Tinitigan niya ito nang maigi.

"T-totoo nga. Kristal nga ito!" Wika niya.

"Bibigyan kita ng maraming kristal basta wag na wag mo akong isusumbong kahit kanino." Napatingin siya sa akin.

"Pasensya na Ariella ha kung natakot ako. Eh kasi first time ko talaga makakita ng sirena. Kung inaalok mo naman ako ng yaman mo kapalit ng tulong ko," huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now