XLII: Ang Plano

55 4 0
                                    

(Inda's POV)

Inay,

Huwag mo na akong ipahanap, tatakas kami. Hindi ko tinatalikuran ang pagiging prinsesa, may kailangan lang akong gawin. Ituloy niyo ang plano, burahin ninyo ang alaala ng buong sangkasirenahan. Ako muna ang bahala sa mga bihag. Hindi muna pwedeng painumin ng tableta si Jossa dahil malalaglag ang bata sa sinapupunan niya. Alam mo namang malambot ang puso ko sa mga bata, ayaw ko silang nadadamay. Kaya itatakas ko na lang sila at hihintayin siyang manganak. May plano ako sa kanilang lahat. Gusto ko lang maglaro. Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong may maiiwang Dolatrah dito sa templo at si Filapia iyon. Kapag nalaman niyang may masama kang balak sa templo, sigurado akong magpapaiwan siya. Kaya gagawa ako ng kwento upang magpaiwan siya. Kakailanganin mo ang dugo niya sa pagbukas ng mahiwagang pinto para makapiling na natin si Ama.

-Sarina

Nakuha ko ang isang sulat sa kwarto ni Sarina na nadadaganan ng kanyang korona. Binasa ko ito at napailing na lamang. Nagplano na naman siya nang hindi nagsasabi sa akin. Sige, magtitiwala ako sa kanya. Kung anuman ang pinaplano niya, alam kong magtatagumpay siya. Sigurado akong magagalit ang sangkasirenahan kapag nalaman nilang nakatakas ang mga

Huwag lang lumambot ang puso niya sa mga pinatakas niya. Hindi ako nagpalaki ng isang inutil. Mahaba-haba rin ang panahong makikisama siya sa mga ito. Siyam na buwan pa bago manganak si Jossa.

Siguro'y hindi niyo pa ako kilala. Ako si Inda, kilala bilang masipag na alalay ni Nana Azon. May paninindigan, mapagkakatiwalaan at mabuti ang puso. 'Yan ang pagkakakilala sa akin ng sangkasirenahan. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, may tinatago akong dilim sa aking pagkatao.

Ilang beses ko na noong pinagtangkaang patayin si Nana Azon. Iyon ang aking misyon sa pag-ahon dito sa lupa. Ngunit palagi akong nabibigo. Laging naiiwasan ni Nana Azon si kamatayan. Siguro dahil magaling talaga siya. Alam niya kung may lason ang pagkain niya, alam niya kung may susugod sa kanya, at kaya rin niyang iwasan kahit pa ang bala ng baril. Bakit nga ba siya magiging pinuno kung tatanga-tanga siya? Isa rin sa nagpoprotekta sa kanya ay ang crystal sa kanyang tungkod.

Simula nang malaman ng lahat na may gustong pumatay kay Nana Azon, naging doble o triple ang pagbabantay sa kanya. Nagkaroon ng matinding imbestigasyon kaya mas nahirapan akong patayin siya. Kailangan kong mag-ingat at maging matalino sa aking bawat galaw. Kaya binago ko ang aking plano. Kung hindi ko makukuha ang buhay niya, kukunin ko na lamang ang loob niya.

Imbes na kitilin ang kanyang buhay, pinabango ko na lamang ang aking pangalan sa buong sangkasirenahan. Ipinakita ko sa kanila na mapagkakatiwalaan ako, na may mabuti akong puso at higit sa lahat, kaya kong maging pinuno. Pinadala ni Matambao si Vina at Tarin upang tulungan ako sa aking magiging misyon dito sa lupa. Sila ang ginamit ko upang gumanda ang aking imahe sa buong sangkasirenahan.

Sinimulan ko ito kay Vina. Nagkunwari siyang nahimatay noon at ako ang nagligtas sa kanya. Pinalabas kong mamamatay na sana siya ngunit agad ko itong naagapan. Pinalakpakan ako ng sangkasirenahan.

Pumatay naman kami ng tigre ni Tarin sa kagubatan upang palabasin na kinalaban ko ito upang iligtas si Tarin. Sinugatan ko ang aking sarili upang maging makatotohanan ang aming pagpapanggap. Bumilib muli sa akin ang sangkasirenahan at dahil doon, itinuring na nila akong bayani.

Eksaktong naghahanap noon ng kanang-kamay si Nana Azon. Dahil sa pagiging malinis at matapang ko sa paningin ng sangkasirenahan, ako ang napili niya. Pinagkatiwalaan niya ako na lingid sa kanyang kaalaman, anumang oras ay maaari ko siyang saksakin patalikod. Ngunit hindi iyon ang aking plano. Ang patayin siya ay makakagulo lang sa lahat, protektado siya ng crystal kaya alam kong hindi ko iyon magagawa. Hihintayin ko na lamang na bumaba siya sa kanyang pwesto. Matanda na siya at alam kong anumang oras ay bibigay na rin siya. Habang hinihintay ang araw na 'yun, ipinakita ko na lang sa kanya na karapat-dapat akong putungan ng kanyang korona. Nangako akong magiging tapat sa kanya. Ginawa ko ang lahat upang maging mabuti sa paningin niya.

 Blood and WaterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin