XXXVI: Bagong simula

170 8 4
                                    

(Jossa's POV)

"Uy bakit ka ba umiiyak?"

"Can I ask you a favor?"

"Ano?"

"Please don't fall for him."

"Luh."

"If mahulog man sayo si Franco, I'm begging you, please don't fall back."

Ngayon lang ako natanong ng ganung favor. Huwag daw akong mainlove kay Franco if ever mainlove siya sa akin. Okay lang ba siya? Shuta minsan na nga lang may mainlove sa akin, pipigilan ko pa? What a selfish favor. Pero alam ko namang never mangyayari ang iniisip niya. Diyos ko saksi ako kung paano nadisappoint si Franco 'nung malaman niyang ako ang nililigawan niya at hindi si Ariella. I saw how he ignored my messages and calls.

"Hala beh, never naman sigurong mangyayari 'yun kaloka ka. Ang pangit-pangit ko para magustuhan niya noh." wika ko.

"Don't say that! Bakit naman hindi siya maiinlove sa iyo? You are beautiful."

"Tigil-tigilan mo nga akong sirena ka. Asan ang ganda dito? Nasa pimples?" Pangongontra ko sa kanya. "Kaliskisan kita d'yan eh." dagdag ko pa.

"Maniwala ka sa akin, maaaring mahulog sa'yo si Franco. I can see it in his eyes. Maybe he's just confuse." Hindi ko alam kung bakit ako kinilig sa sinabi niya. Shuta kasing babaeng 'to kung anu-ano ang pinagsasasabi.

"Paano mo naman nakita sa mata niya 'yun? Muta niya lang yun! Akala mo siguro ako yung muta kasi ang pangit ko."

"The way he looks at you, I can sense something. Basta.. Maybe he has a small feelings for you pero tinatago niya lang." Sarina wag kang ganyan! shuta.

"Tumigil ka nga! Wag mo ko paasahin dahil hindi ako umaasa."

"Pero what if gusto ka na nga niya?" She asked again and again. Tinawanan ko na lang siya ng malakas.

"Alam mo, kanina ka pa. Bakit mo ba pinipilit na magkakagusto sa akin ang jutay na 'yun?"

"Just answer my question. Would you also fall for him?"

"I already fell for him. But I just need to stop. Hindi ako ang mahal niya."

"What if nga, na nahuhulog na rin siya sa'yo, would you continue it?"

"Okay sige, para matapos na sasagutan na kita ng prangkahan. If ever mang mangyari 'yun, actually, hindi ko alam. Pero naisip ko rin, bakit ako tatanggi? Buong buhay ko hiniling ko sa Diyos na sana makatagpo ako ng tamang tao para sa akin at kung si Franco man iyon, why would I refuse? if he is the one that God has sent for me, itatapon ko ba siya just for you? Just to save your feelings? You should not force people to do something if it will only benefits you. It's unfair. So if that happens, I'll let him love me. I'll let destiny to decide. Aaminin ko, sobra akong nahulog kay Franco 'nung ligawan niya ako. So hindi na rin mahirap sa akin ang mahulog muli sa kanya. We can be a happy couple, we can be a happy family lalo na't buntis ako." She's crying.

"Sorry ah, naging selfish ako sa favor na 'yon. Hindi ako nag-iisip. Thank you for saying that. Naliwanagan ako. T-tama ka, dapat hindi ko pinipigilan ang magiging feelings mo. It just that, I love him so much. Sorry talaga. If ever mang ma-inlove kayo sa isa't isa, kahit masakit, I'll be happy na lang for the both of you." She wiped her tears. "Uy wag mo itong sabihin kay Franco ah. Ayaw kong malaman niya na inlove ako sa kanya, baka ma-awkward siya sa'kin. Secret lang natin ito." wika pa niya. Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luha niya. Naaawa ako sa kanya. Ang hirap kayang itago kapag may lihim kang pagmamahal sa isang tao. Masasaktan ka ng walang karapatan, magseselos ka ng walang karapatan, palaging may wall kasi bestfriend ka lang. Ang sakit nun.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now