XXI: Drunk Conversations

219 12 0
                                    

(Jossa's POV)

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay ko.

Una, nakakilala ako ng sirena at bampira sa isang syudad. Like what the pak di'ba? Akala ko kwentong probinsya lang ang mga tulad nila pero hindi ko akalain na dito pa ako sa syudad makaka-encounter ng tulad nila. I literally can't believe it.

Having them in my life is like living in a fairytale story. Para akong nananaginip ng gising. I never thought in my life that I would meet creatures like them. Bakit kaya ako lapitin ng mga kakaibang nilalang? Siguro dahil mukha akong maligno? Shuta ang unfair nga eh, ako yung totoong tao pero ako yung mukhang halimaw. Bwisit.

Pero nagpapasalamat ako na nakilala ko sila, lalo na si Ariella. Nagkaroon ako ng instant kapatid dahil sa kanya. Akala ko habang buhay na akong mag-iisa pero nung dumating siya, she changed everything.

Pero bago ko siya nakilala, matinding hirap muna ang pinagdaanan ko. Ilang dagok, pagod, luha at pawis muna ang tiniis ko bago nagkrus ang landas namin. Actually kung hindi ko siya na-meet, siguro bumalik na ako sa probinsya namin.

After I graduated college, nagdesisyon agad akong manirahan at lumipat sa syudad. Ginamit ko ang perang naiwan sa akin ng magulang ko upang makapagsimula ng bagong buhay malayo sa probinsya. Naging kampante ako na madali akong makakahanap ng trabaho dito dahil nakapagtapos naman ako ng kolehiyo. Pero nagkamali ako.

Tatlong buwan na akong naghahanap ng trabaho pero shuta kahit isa walang tumatanggap sa akin. Hanggang dumating na nga sa punto na gusto ko nang sumuko. Hirap na hirap na ako. Paubos na ang natitirang pera sa pitaka ko dahil kailangan kong magbayad ng upa sa bahay, tubig, kureyente at pangkain pa araw-araw.

Wala akong magawa kundi ang umiyak at pagsisihan ang naging desisyon ko sa buhay. Dapat pala ginamit ko na lang yung pera sa pagsisimula ng negosyo. Dapat pala inisip ko muna ang mangyayari bago ako lumipat dito. Dapat naisip ko na rin na walang company na tatanggap sa akin dahil pangit ako. Shutang ina.

My life is a mess.

But my lucky star saved me. Nagningning ang isang kristal dahilan upang umahon akong muli sa pagkakalubog.

Naglalakad ako nun pauwi galing sa bigong interview nang makakita ako ng isang babaeng natisod. Natawa pa nga ako kasi ang tanga-tanga niya. Pero nang lapitan ko siya nakita kong may sugat ang paa niya at may bubog ito. Alam niyo ba kung sino ang babaeng yun? Si Cynthia Villar. Char. Si Ariella.

At doon na nga nagsimulang magbago ang buhay ko. Nung una natakot ako nang malaman kong sirena siya, pero mas nangibabaw ang tuwa ko nang nalaman kong lumuluha siya ng kristal. Ang swerte-swerte ko dahil may mapagkukunan na ako ng pera kahit hindi na ako magtrabaho. I just see her value as a money maker before.

Pero dahil sa mga pinagdaanan namin, dahil sa malasakit niya sa akin, nagbago ang tingin ko sa kanya. Nakita ko ang totoong value niya sa buhay ko more than a money. She has a golden heart at doon ako swerte. It's more precious than the crystals she tears.

She's my sister now and I'll love her for the rest of my life. Ayaw ko na siyang mawala dahil hindi ko ito kakayanin. I don't want to loose another family.

**********

Tonight is the night! ngayon kasi ang dinner namin with our new housemate and new neighbor. Matapos kong maluto at maihanda ang lahat ng pagkain ay agad ko na silang tinawag sa lamesa. Pinaganda ko talaga ang dining table dahil ito ang unang pagkakataon na marami akong makakasama sa hapag-kainan.

"Naku napakasarap naman nitong mga hinanda mo Jossa." Wika ng manliligaw ni Ariella na si Franco.

"Aba syempre naman, espesyal ang araw na ito dahil may mga bago akong kaibigan." Wika ko naman.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now