LVII: Ang Pagkikitang Muli

75 3 1
                                    

(Ariella's POV)

"Ahhhhh! What the fck!" Hiyaw ni Dexter nang mabuksan ang pintuan.

Hindi ako maaaring magkamali, kilala ko ang halimaw na ito, alam kong siya si Vlad.

"Let's go Ariella! We need to run!" Hinila ako ni Dexter ngunit hindi ako nagpadala sa paghila niya.

"What are you doing?! Tara na!" Hiyaw pa niya.

Unti-unting lumalapit sa amin ang nakapiring na halimaw. Bakit may piring ang kanyang mga mata?

"Aaaaahhh! Ayan na siya! Tara na! Ariella ano ba?!" Sa takot ni Dexter ay bigla niya akong binuhat at tumakbo palayo.

"Bitawan mo ako!" Hiyaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakabuhat niya sa akin. Alam kong si Vlad yun! Alam kong hindi niya ako sasaktan.

Malapit na sana kami sa pinto upang lumabas ngunit isang malakas at mabilis na hangin ang humarang sa aming harapan.

"Aaaaahhhhh!!! Ang bilis niya! Anong klaseng nilalang ba siya?!" Hiyaw pa Dexter.

"Ibaba mo na ako." Wika ko sa kanya. Ibinaba naman niya ako.

"Stay at my back. I won't let that monster hurt you." Itinago niya ako sa kanyang likod.

"Hindi mo ako kailangang protektahan sa kanya." Hinawi ko siya at ako ang humarang sa harapan niya.

"Ariella nababaliw ka na ba?!"

"Kilala ko siya."

"K-kilala mo ang halimaw na 'yan?"

"Magtiwala ka lang. Kailangan mong kumalma."

"How can I calm in this fcking situation huh?!"

Lumunok ako nang malalim. Unti-unti kong inihakbang ang kaliwa kong paa upang lumapit sa kanya.

"Lalapit ka sa kanya?!! Nababaliw ka na 'ba talaga?!"

"Dexter pwede bang tumahimik ka?!" Kanina pa siya sigaw nang sigaw eh.

Isang hakbang.

Pangalawang hakbang.

Pangatlong hakbang.

Pang-apat na hakbang.

Panglimang hakbang.

Nang humakbang na ako sa ika-anim pagkakataon ay magkatapat na kami. Malapit na ako sa kanya.

Huminga akong muli ng malalim.

"Vlad.."

Isang mahigpit na yakap ang bigla niyang ibinigay sa akin. Doon, naramdaman ko muli ang init ng yakap na matagal kong hinintay. Naiyak ako sa saya. Gumanti rin ako ng mahigpit na yakap sa kanya.

"Aaaaaaahhhh!" Hiyaw bigla ni Dexter. "Ayy akala ko kasi sinakmal ka niya." Dagdag pa niya. Inakala niyang sinakmal ako ni Vlad.

"Ariella Mahal ko.." nagulat ako sa lalim ng kanyang boses ngunit balewala na sa akin iyon. Tumulo ang aking mga luha. Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at nakangiting sinabi,

"Namiss kita Vlad. Akala ko hindi na kita makikita. Akala ko tuluyan mo na akong iiwan. Sobrang namiss kita." Idinampi ko ang aking bibig sa kanyang bibig at niyakap ko siyang muli nang mahigpit.

"W-w-wait, s-siya yung sinasabi mong hinihintay mo? Is that your boyfriend?" Singit naman ni Dexter. Lumingon ako sa kanya at tumango.

"Oh my God." Napatakip siya ng bibig. Alam kong iniisip niya kung paano ako nahulog sa isang halimaw.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Jul 22, 2022 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

 Blood and WaterOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz