XXXII: Ang Nakaraan (1)

175 12 12
                                    

(Third person's POV)

Bata pa lang noon si Paulo at Noreen ay matalik na silang magkaibigan. Minana nila ito sa kanilang mga ina na sina Leni at Leila na matalik ring magkaibigan. Sabay pa nga silang ipinagbuntis at ipinanganak ng mga ito sa parehong buwan.

Madalas maglaro si Paulo at Noreen sa gilid ng dalampasigan. Masaya silang nanghuhuli ng maliliit na alimango upang gawing alaga, o kaya nama'y nangongolekta sila ng iba't ibang uri ng kabibe upang gawing palamuti at kanila itong ibinebenta sa bayan.

"Tara pumunta tayo doon sa dulong buhanginan, baka mas maraming shell doon." Pagyaya ni Noreen kay Paulo habang namumulot sila ng iba't ibang uri ng kabibe.

"Hindi ba't ipinagbabawal nila nanay ang tumungo roon? marami na raw nawala roon at hindi na nakabalik dahil kinukuha daw ng mga sirena." wika naman ni Paulo.

"Sus naniwala ka naman? Kwento lang ng matatanda 'yun. Narinig ko si tatay, hindi naman daw totoo ang mga sirena eh."

"Pero baka pagalitan tayo."

"Hindi 'yan! Tara na! hindi naman natin sasabihin sa kanila na pumunta tayo doon eh."

Hinila ni Noreen si Paulo na wala ng nagawa kung hindi ang sumama. Alam niyang hindi niya mapipigilan si Noreen dahil simula't sapul, gusto nitong nasusunod lagi ang lahat ng nais niya.

Nang makarating sila roon ay hindi nga nagkamali si Noreen dahil napakaraming kabibe doon. Halos mapuno agad ang garapon na kanilang sisidlan sa dami ng kanilang nakuha.

"Oh di'ba tama ako! andaming kabibe dito!" wika pa ni Noreen habang hinuhugasan sa tubig ang mga nakuha niyang kabibe.

Napalingon naman si Paulo sa may batuhan, natanaw niya ang isang ulo na nakasilip mula sa isang malaking bato roon. Tahimik itong nagmamasid sa kanila at sa wari niya'y isa itong bata na ka-edad lang din nila.

"Noreen tingnan mo, bata 'yun diba?" Itinuro ni Paulo ang batang nakasilip sa bato, ngunit ng mapansin ng bata na itinuro siya ni Paulo ay agad itong tumago.

"Saan? Wala naman eh." Wika naman ni Noreen na hindi na nakita ang itinuro ni Paulo.

"Hindi! Meron talagang bata roon. Tara puntahan natin!" Agad na tumakbo ang dalawa patungo sa batong iyon upang kumpirmahin kung may bata ba talaga doon.

"bata, alam kong nanjan ka sa likod ng bato, wag ka nang mahiya, nais lang naming makipag-kaibigan sa iyo." Wika ni Paulo nang makalapit na sila sa harap ng malaking bato.

"Wala naman eh. Baka namalik-mata ka lang Paulo." wika naman ni Noreen.

"Hindi, nakita ko talaga yung bata. Maputi siya at may mahabang buhok. Baka nahihiya lang. Bata sige na, hindi ka naman namin aawayin. Halika samahan mo kaming mamulot ng mga kabibe." pakiusap pa ni Paulo.

Maya-maya pa, dahil sa pamimilit ni Paulo, dahan-dahang nang nagpakita ang batang babae. Ngunit nagulat sila dahil wala itong kahit anumang saplot.

"Hahaha kita ang pekpek!" tukso naman ni Noreen.

"Noreen tumigil ka nga." Suway ni Paulo sa kanya. Agad na naghanap ng malaking dahon si Paulo at itinakip ito sa katawan ng batang babae.

"Nasaan ang mga magulang mo? Mag-isa ka lang ba? Bakit wala kang saplot?" Tanong ni Paulo habang itinatakip ang dahon sa katawan ng bata.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now