VI: Takbo

360 21 1
                                    

(Ariella's POV)

"T-tita Noreen?"

*pak!*

Halos mabingi ako sa lakas ng sampal niya sa akin. Napatumba ako sa sahig.

"Pinatay mo ang anak ko! Hayup ka magbabayad ka!"

"Miss! Anong nangyayari dito? Bakit niyo ho siya sinampal?!" Agad na lumapit sa akin si Ms. Ivy at inalalayan ako sa pagtayo.

"She killed my daughter!" Sigaw ni tita.

"Ikaw ho ba ang tita Noreen na sinasabi niya? Tama nga siya. Bakit niyo ho ba siya sinisisi sa pagkamatay ng anak mo? eh hindi naman niya kasalanan ang nangyaring lindol."

"Wala kang alam! Ilang beses ko siyang pinagsabihan na wag hahawakan ang anak ko pero nahukay silang magkadikit! Pinatay niya ang anak ko!"

"Magkadikit lang, pinatay na agad? Anyway, please calm yourself miss. This is not the right place to make a scene. Nasa loob tayo ng emergency room." Wika pa ni Ms. Ivy ngunit hindi na siya pinansin ni tita Noreen at muling ibinaling ang galit sa akin.

"INAGAW MO ANG BUHAY NIYA ARIELLA ALAM MO BA YUN?! SINABI KO SAYO DI'BA? SINABI KO SAYO NA WAG NA WAG MO SIYANG HAHAWAKAN!" Nakita ko ang mga luha sa mga mata niya. Nakikita ko ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng nag-iisa niyang anak. Sinugod niya akong muli at pinaghahampas, sinabunutan at kung anu-ano pa maipadama lang sa akin ang sakit na nararamdaman niya.

"Tita tama na po! Wala po akong kasalanan maniwala ka'yo sa akin! Iniligtas ko lang ho si Catherine!"

"Kasalanan mo! Wag ka nang tumanggi pa! Sana ikaw na lang ang namatay! Kung hindi mo siya hinawakan buhay pa sana ang anak ko ngayon! Hayup ka!" Lumapit na ang ibang mga lalaki sa amin at inilayo kami sa isa't isa.

May paa na ako. Noong bata pa ako pinangarap ko na makatakbo kapag pinagmamalupitan niya ako. Ngayon may kakayahan na akong gawin ito. Kaya ko na siyang takasan.

"Tita Noreen. Huling beses ko na itong sasabihin sa iyo, hindi ko pinatay si Catherine. Paumanhin kung hindi ko man nailigtas ang buhay niya dahil nahimatay ako, pero HINDI KO SIYA PINATAY. Parehas nanganib ang mga buhay namin at sa kasamaang palad, ako lang ang nakaligtas."

"WALA KANG ALAM! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT BUMALIK ANG SAKIT NIYA SA PUSO!"

"Miss naman. Una, ibinibintang mo sa kanya ang pagkamatay ng anak mo kahit aksidente ang nangyari, tapos ngayon pati sakit sa puso ng anak mo, sa kanya mo rin isisisi? Kahit saang korte ka lumaban, walang saysay ang mga ibinibintang mo. Alam kong masakit ang pinagdadaanan mo bilang ina, pero lalong hindi makakatulong kung maghahanap ka ng masisisi." Pagtatanggol sa akin ni Ms. Ivy.

"WAG KANG MANGIALAM DITONG BABAE KA! HINDI MO ALAM KUNG ANONG HIWAGA ANG MERON SA BABAENG 'YAN! WALA SA INYO ANG MAKAKAINTINDI DAHIL WALA KAYONG ALAM!"

"Miss saan ka pupunta?!" Sigaw ni Ms. Ivy nang bigla akong tumakbo. Akala ko hindi ko kakayanin. Pero eto, mabilis akong tumatakbo. Ganito pala ang pakiramdam ng tumatakas. Ang sarap sa pakiramdam!

Napalingon ako sa likod, hinahabol ako ni tita Noreen. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang mahanap ko ang lagusan palabas ng gusaling ito. Ngunit napatigil ako sandali nang makalabas na ako. Ako'y namangha. Marami akong nakikitang bagay na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.

Napakaraming kristal sa malawak at madilim na kalangitan. Ito siguro ang kwinekwento sa akin ni ate Jollina na mga bituin. Ngayon ko lang sila nakita. Napakaganda. Nagniningning sila sa kalangitan na tila mga luhang kristal. Hinanap ko naman ang buwan. Ayun! Nakita ko na. Napakaganda. Sa wakas nakita ko na ito sa personal at hindi na sa litrato na pinakita sa akin ni ate Jollina noon. Pakiramdam ko nginingitian din ako ng buwan kaya napapangiti ako.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now