XX: Alaga

215 11 0
                                    

(Ariella's POV)

Time: 5:45 pm

"Anong niluluto mo Jossa?" Tanong ko habang abala siya sa pagluluto ng mga pagkain. Ngayong araw na kasi magaganap ang hapunan namin kasama si Vlad at Franco. Isang munting selebrasyon bilang may bago na kaming kasama sa bahay at kapitbahay.

"Well I cooked sphagetti, adobong manok sa gata, bread rolls and ang aking paborito, adobong pusit. Ito namang last dish na niluluto ko ngayon ay leche flan. Para ito sa dessert mamaya." Sagot naman niya. Napakadami niyang niluto pero ni isa wala akong nagustuhan. Sigurado akong hilaw na hipon na naman ang magiging hapunan ko.

Agad kong inagaw ang cellphone niya dahil kahit habang nagluluto siya'y tingin siya ng tingin dito. Gusto na naman ba niyang mangisay? Napakapasaway talaga ng babaeng ito.

"Uy ano baaa. Baka magreply na si Honey bunch!" Sigaw niya.

"Kanina ko pa napapansing hawak-hawak mo ang cellphone habang nagluluto, hindi ka pa ba nadadala? Ano ba ang sabi sayo ng doctor?" Bilang kanyang kapatid, kailangan kong maging istrikta upang hindi na maulit muli ang sakit niya. Iyon ang payo sa akin ng doctor.

"Okay-okay sige titigil na ako. Pero last na talaga, itetext ko lang siya para magpaalam." Wika pa niya.

"Sigurado ka?"

"Opo please."

Ibinalik ko sa kanya ang telepono niya at agad naman niya itong kinuha.

"Kaya lang naman ako tingin ng tingin sa cellphone dahil 6 na oras na siyang hindi nagrereply. Naka-ilang text na ako pero wala pa rin siyang reply. Alam mo napapansin ko parang nagbago siya. Dati-rati naman ang bilis niya magreply pero ngayon argh nevermind." Wika niya at nagpatuloy na lang sa pagluluto. Hindi ba siya kinakausap ni Franco?

"Magandang gabi." Nagulat na lang ako nang may magsalita sa likod ko, si Vlad pala na kagigising lang.

Siya na ang gumagamit ng kwarto dahil kailangan niya ng tahimik at madilim na lugar upang makatulog siya ng matiwasay. Naglalatag na lang kami ni Jossa sa sala at doon natutulog. Kami na ang nagpaubaya dahil iniligtas naman ni Vlad ang buhay namin.

"Oh magandang gabi naman sayo insan. Masarap ba ang tulog mo?" Wika sa kanya ni Jossa. Napag-usapan nila na insan na lang ang tawagan nila upang hindi magtaka si Franco.

"Medyo naninibago lang ako. Simula kasi nang maging bampira ako, baliktad na ang tulog ko. Tulog sa umaga, gising sa gabi." Sagot naman niya. Hindi ako makatingin sa kanya. Ewan ko ba, parang nahihiya ako na ewan. Sa tuwing nagkakatitigan kami may kakaiba akong nararamdaman. Ito na nga siguro ang sinasabi ni Jossa, ang pakiramdam ng mayroong crush.

"Siya nga pala insan, may surpresa ako para sayo.." tumungo sa may bodega si Jossa at nagulat na lang ako nang may ilabas siyang malaking kuneho. Anong gagawin niya jan?!

"Para sa iyong hapunan!" Wika pa niya habang hawak-hawak ang kawawang kuneho sa dalawa nitong tainga. Napatingin naman ako kay Vlad at tila natatakam na ito't nais nang lapain ang kuneho.

"P-para sa akin yan?" Tanong pa niya.

"Yes naman. Nung namalengke kasi ako napadaan ako sa petshop. Eh naisip ko hindi ka rin naman kakain ng mga lulutuin ko kaya bumili na ako ng rabbit. Oh kulay puti yan, malinis yan."

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now