LVI: Ang paghahanap ng perlas ni Empie

81 5 4
                                    

(Ariella's POV)

Maayos naman kaming nakapagpalipas ng gabi dito sa bahay ni Dexter. Mahimbing at napahaba pa nga ang tulog ko. Wala ring ginawang masama sa amin si Dexter tulad ng laging iniisip ni Empie. Siguro naman totoo talaga ang intensyon ni Dexter na tumulong.

Napatingin ako sa orasan sa dingding, alas 8 na pala ng umaga. Agad akong tumungo sa cr upang tingnan si Empie. Pagsilip ko sa kanya'y mahimbing pa rin siyang natutulog habang nakalubog sa tubig. Mas gusto kasi niyang matulog sa banyo habang nakababad sa inflatable pool na ibinigay ni Dexter kagabi. Hindi ko muna siya iistorbohin.

*kriiing*

Biglang tumunog ang telepono, agad ko itong pinuntahan at sinagot.

"Hello, magandang umaga." Pagbati ko.

"Ariella? Gising na 'ba kayo?" Si Dexter pala.

"Ako, oo na, nakakausap na nga kita eh. Pero si Empie nahihimbing pa rin sa tubig."

"Ganun 'ba? nakahanda na kasi ang almusal. Gusto mo 'bang sumabay na sa akin na kumain dito sa baba? Pwede naman nating dalahan d'yan si Empie ng pagkain kapag nagising na siya." Biglang kumulo ang tiyan ko nang sabihin niya iyon. Tamang-tama nagugutom na talaga ako.

"Ah sige sige. Bababa na ako. Salamat Dexter." Wika ko na lang.

"You're always welcome my dear."

Agad akong bumaba dahil hindi ko na mapigilan ang gutom ko. Pababa pa lang ako ng hagdan ay amoy na amoy ko na ang halimuyak ng mga pagkain. Ano kaya ang mga niluto nila? Sana nakakain ko ito.

Sinalubong ako ng mga ngiti ni Dexter, maganda siguro ang gising niya. Halata ring bagong ligo siya dahil basa pa ang buhok niya. Siya ang humila at nag ayos ng upuang uupuan ko.

"S-salamat. Napakadami namang pagkain nito." Wika ko nang makaupo na ako.

"Kain na, ako lahat ang nagluto n'yan. Hehe." Hindi talaga natatanggal ang ngiti sa mga labi niya.

"Nasaan si Nanay Pacing? Pwede na siyang sumabay sa atin." Tanong ko.

"Nauna na siyang kumain eh. Maaga kasi siyang umalis kanina para mamalengke."

"Ganun 'ba? Sige. Pero ang dami naman ng mga pagkaing ito. Sigurado ka 'bang mauubos natin ito?"

"Ganito talaga kami kapag may bisita. We spoil visitors with foods. Anyway anong gusto mong kainin?" Pinagmasdan ko naman isa-isa ang mga nakahaing pagkain.

"Ano 'to?" Itinuro ko ang isang putahe na kulay dilaw.

"Ah masarap yan! Chicken curry 'yan. Gusto mo?" Chicken? Manok 'yun di'ba?

"Di'ba manok 'yan?" Tanong ko.

"Oo. Bakit? Allergy ka 'ba sa manok?"

"Ayaw ko n'yan. Kawawa naman kasi 'yung manok." Ayaw ko kasing kumain ng mga pagkaing gawa sa mga hayop. Naaawa ako. Naaalala ko lagi si Kentot, yung alaga kong kuneho.

"Ha? s-sige. Pili ka na lang ng iba. Hehehe."

"Ano naman ito?" Itinuro ko naman ang mamula-mulang putahe na may mga bilog-bilog.

"Ah 'yan, meat balls 'yan. Masarap 'yan! try mo."

"Anong hayop naman ang ginamit niyo d'yan?"

"Ahh giniling na karne ng baboy. Tapos minold siya pabilog kaya naging meat balls. Hehe."

"Grabe kayo. Kawawa naman 'yung baboy. Ayaw ko 'yan."

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now