XII: Kdrama

312 16 2
                                    

(Ariella's POV)

Unti-unti kong iminulat ang aking mata.

"Ariella? Diyos ko salamat at gising ka na! Akala ko hindi ka na magigising." Agad na lumapit sa akin si Jossa at hinawakan ang kamay ko. Inikot ko ang aking paningin sa paligid, nasa kwarto na niya ako.

"A-anong nangyari?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung bakit dito ako nagising sa kwarto niya. Dito ba ako natulog? Wala naman akong maalala na dito ako inabot ng antok eh. Paano ako napunta dito?

"Oh my.. nakikilala mo ba ako? Natatandaan mo ba kung sino ako?" Bakit 'ba niya tinatanong? Hindi ko makakalimutan ang mukha niya dahil marami akong palatandaan. 'Yung mga pimples niya.

"Oo naman, ikaw si Jossa. Bakit mo 'ba tinatanong??" Kumikirot pa ng kaunti ang ulo ko. Ano ba talagang nangyari?

"Oh thanks God! Akala ko kasi nagka-amnesia ka na. Shuta ka! hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa'yo. Diyos ko, gustong-gusto na kitang i-CPR dahil isa't kalahating araw ka na d'yang hindi nagigising at kumikibo! akala ko mamamatay ka na. Pero salamat naman at nagising ka na."

"Ganun ako katagal natulog?"

"Oo as in! Gusto na rin kitang dalahin sa ospital pero natatakot naman ako dahil baka kung ano ang madiskubre sayo ng mga doktor. Baka malaman nilang sirena ka."

"Wala akong maalala.. paano ba ako napunta dito sa kwarto mo?" Wala pa talagang pumapasok sa isip ko.

"Shocks may amnesia ka ngaaa. Wala ka bang naaalala sa nangyari? Sa pagkidnap sa atin? Sa mga bampira?" Nang marinig ko 'yun ay unti-unti nang bumalik sa alaala ko ang lahat. Bahagya ko siguro itong nakalimutan dahil sa tagal kong natutulog.

"N-naaalala ko na. Iniligtas tayo ng prinsipe ng mga bampira."

Naalala ko bigla ang lahat ng nangyari bago ako mawalan ng malay.

Matapos makipaglaban ni Prinsipe sa mga nais pumatay sa akin, nag-aalala siyang lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Nag-aalala pa niyang tanong sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay. Tinitigan ko ang asul niyang mga mata, tila may kakaiba akong naramdaman sa sarili ko. Ngayon lang ako nakipagtitigan ng ganito sa isang lalaki. Napakagwapo niya.

"N-nahihilo lang ako. Salamat nga pala, salamat sa pagligtas mo sa amin." Wika ko. Nang makatayo ako'y naramdaman ko ang labis na pagkahilo. Ngunit kailangan kong magpalakas. Hindi pwedeng mangyari sa akin ang nangyari sa matanda kanina. Ayaw ko pang mamatay nang hindi nakikita si Inay at Itay.

"Ako ang dapat na magpasalamat sa iyo. Dahil sa dugo mo, lumakas ako." Wika niya. Binigyan ko siya ng pilit na ngiti at pagkatapos niyon bigla na lamang dumilim ang lahat.

At pagkagising ko, narito na ako sa kwarto ni Jossa.

"Nasaan na ang prinsipe? Gusto kong lubos na magpasalamat sa kanya." Tanong ko kay Jossa.

"Hinatid tayo ni prinsipe dito sa bahay tapos nagpaalam na siya. Kailangan pa raw niyang hanapin ang nanay niya. Pero nangako siya na babalik muli para magpasalamat sayo. Utang niya daw sayo ang lakas niya." Hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa sinabi ni Jossa. Babalikan niya ako? Nakaramdam ako ng pananabik.

"Ganun ba? Sige hihintayin ko ang pagbabalik niya. Utang din natin sa kanya ang buhay natin dahil iniligtas niya tayo." Sagot ko naman. Sobra akong humahanga sa kanya dahil sa taglay niyang katapangan. Tinalikuran niya ang kanyang lahi upang iligtas kami. Napakabuti ng kanyang puso.

"Hmm bakit parang kinikilig ka jan? Crush mo si blue-eyed vampire ano? Ayiieee." Bigla niyang sinundot-sundot ang tagiliran ko. Hindi ko naman alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now