LI: Dexter

36 3 0
                                    

(Ariella's POV)

Isang araw. Isang araw na kaming nakakulong sa kwartong ito at malapit nang maging dalawa.

"Naririnig ko 'yang tiyan mo, nagugutom ka na?" Tanong ni Empie sa akin.

"A-ayos lang ako. Ikaw, nagugutom ka na 'ba?" Gutom na gutom na talaga ako sa totoo lang pero kailangan kong ipakita sa kanya na hindi niya ako dapat problemahin.

"Hindi pa naman gaano. Pasensya na, hindi ako makapuslit sa labas dahil bantay sarado ni Dexter ang buong bahay. Nilagyan niya kasi ng mga camera ang paligid. Sinisimulan na niyang imbestigahan si mama Mary." Wika niya. Gustuhin man naming lumabas, hindi namin magawa dahil may grills ang mga bintana.

"Bakit ka naman humihingi ng pasensya? Ayos lang ako. Pero sa tingin ko, kailangan na nating umalis dito. Hindi na tayo ligtas dito." Wika ko.

"Hindi tayo maaaring umalis dito. Kung pagkain ang iniisip mo, huwag kang mag-alala, gagawan ko ng paraan. Pinag-iisipan ko muna kung paano makakaiwas sa mga inilagay na camera ni Dexter. Hindi tayo pwedeng makita sa monitor dahil malalaman niyang may ibang tao dito. Siguradong papalayasin o ipapakulong nila tayo. Sa ngayon, walang ibang ligtas na lugar kundi ang bahay na ito. Manatili muna tayo dito."

"Ligtas? Paano ito naging ligtas kung tinataguan natin ang may-ari at anumang oras ay pwede niya tayong mahuli? May alam akong lugar na pwede nating pagtaguan, sa apartment. Pwede tayong tumira doon. Hindi natin kailangang magtago dito. Mas lalong hindi tayo ligtas dito." Wika ko.

"Sa tingin mo ba hindi alam ni Inda kung saan ang apartment na 'yun? Alam niyang doon ka nakatira kaya mas lalong hindi ligtas doon. Siguradong hinahanap ka niya dahil ikaw na lang ang natitirang sirena na may dugong Dolatrah. Sa ngayon, wala tayong choice kundi ang mag-stay dito. Konting tiis muna, okay?"

"Paano kung mahuli tayo dito? Paano tayo mabubuhay dito kung walang pagkain?"

"Basta ako na nga ang bahala. Nag-iisip na ako ng paraan. Ang kulit mo naman eh." Ipagpipilitan talaga niyang dito kami manatili. Ang batang 'to talaga!

"Empie, isang araw na tayo dito. Isang araw ka nang nag-iisip." Nang sabihin ko iyon ay tila may bigla na siyang naisip. Pumunta siya sa banyo at tiningnan ang maliit na bintana doon. "Bingo." Wika pa niya.

"May naisip ka na 'ba?" Kinuha niya lang ang maliit niyang sling bag at bumalik muli sa banyo. Sinundan ko naman siya at nakita kong tumuntong siya sa bowl at binuksan ang maliit na bintana.

"Hoy anong ginagawa mo? saan ka pupunta?"

"Maghahanap ako ng makakakain natin. Dito ka lang."

"Teka sasama ako!"

"Hindi na!"

"P-pero—"

"Dagdag ka lang sa iisipin ko eh. Maraming kawal na sireno sa labas na nagpapanggap bilang tao para hanapin ka. Kaya manatili ka na lang dito. Promise, mabilis lang ako, babalik din ako agad."

"Mag-ingat k-ka." Hindi pa man lang niya naririnig ang sasabihin ko ay tuluyan na siyang lumundag sa bintana. Napakamot na lang ako sa ulo. Siya na ang nagdedesisyon para sa akin. Bakit parang sunud-sunuran na lang ako sa isang bata? Parang ang pangit tingnan
di'ba? Ako ang ate eh. Ako dapat ang naghahanap ng pagkain. Nakakainis! Ang batang 'yon, parang matanda talaga kung mag-isip.

Ibinagsak ko na lang ang katawan ko sa kama. Haaay tila nakakulong na naman ako sa apat na kwadradong silid. Bumabalik sa alaala ko ang pagkulong sa akin ni tita Noreen noon. Palagi na lang 'ba akong makukulong? Kainis.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now