VIII: Kidnap

323 19 3
                                    

(Ariella's POV)

(Unang araw sa bahay ni Jossa.)

"So syempre bawal tayong kumilos habang bopols ka pa, dapat mo munang alamin ang lahat ng tungkol sa outside world bago ka makipagsalamuha sa labas. For example, the traffic rules, push and pull, don't pick the flowers, beware of dogs, no ID no Entry, basta dapat lahat ng simpleng dos and don'ts alam mo. Para hindi ka masabihan ng bobo kapag lumabas ka."

Nakaupo ako ngayon sa malambot na sofa habang nasa harap ko si Jossa at tinuturuan ako kung paano maging isang ganap na tao. Itinuturo niya sa akin ang mga dapat at hindi dapat gawin sa labas. Sabi kasi niya, totoong mapanganib sa labas lalo na kung wala akong alam. Sabi pa niya, ligtas ang may alam!

"Marami ba akong dapat matutunan?" Tanong ko. Pakiramdam ko kasi'y nasasayang lang ang oras sa pag-aaral namin ng kung anu-ano, na dapat ay iginugugol na namin sa paghahanap kay inay at itay.

"Sobrang dami mong dapat matutunan as in. Eh ako nga na graduate ng college marami pang hindi alam, ikaw pa kaya na never nag-aral? Kung pwede lang kita eenroll sa nursery ginawa ko na. Dito kasi sa mundo ng mga tao, kapag tatanga-tanga ka, maraming judgemental. Kapag wala kang alam, sasabihan ka ng bobo. Kapag napansin nilang uto-uto ka, bubudulin ka nila, sasamantalahin ang kahinaan mo. At ayaw kong mangyari sa'yo yun besh." Napasimangot na lang ako. Parehas sila ng sinasabi ni tita Noreen. Marami ngang masasama ang loob dito sa mundo. Bakit kasi mas pinipili nilang maging masama? Nakamamatay 'ba kung gagawa sila ng mabuti?

"Kailangan ko talagang matutunan lahat? Eh kasama naman kita eh. Nandyan ka para alalayan ako sa lahat." Gustong-gusto ko nang lumabas at lasapin ang kalayaan. Gustong-gusto ko na ring makapunta sa garden. Sabi ni Ate Jollina madaming bulaklak 'dun. Gusto ko nang makakain ng bulaklak.

"Shuta naman mamang. Hindi 24/7 masasamahan kita no. Paano kung dumating yung oras na kailanganin mong mag-isa? Paano ka? Maigi nang pinaghahandaan natin ang maaaring mangyari." Wika niya sabay sipsip sa inumin na binili niya na ang tawag ay "milktea". Bakit gustong-gusto niya ang lasa nun? Lasang kalawang naman.

"Ha? kailangan kong mag-isa? Bakit iiwan mo ba ako?"

"Hindi sa ganon. Paano kung dumating yung time na mawala ako? For example mamatay ako, oh paano ka? Shushunga-shunga ka na lang forever? My point is, we must be ready for what might happen. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap kaya dapat natin itong paghandaan." Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya. Minsan nagtatagalog siya, tapos biglang may isisingit na lenggwaheng ingles.

"Pwede bang tagalog lang ang salitain mo? Hindi kasi kita maintindihan."

"Shuta isa pa 'yan, mamang. Kailangan mong matutong mag-english. Kahit slight lang. Minsan kasi ang mga pinoy, mas naiintindihan ang isang salita kung taglish ito. May mga tao kasing hindi nakakapagsalita ng pure, I mean purong tagalog o purong english. Lalo na sa panahon ngayon. Kahit mga batang gusgusin natututo nang mag-english."

"Kung ganun, hindi english ang dapat kong matutunan kundi taglish. Kasi hindi rin naman sila nakakaintindi ng purong english at tagalog."

"Walang subject na Taglish huy. Anyway, hindi pa naman natin kailangan pag-aralan 'yan ngayon. Magsimula muna tayo sa madadaling bagay. Una, kailangan mo munang matutong magbasa."

"Ha? Madali lang naman 'yun eh. Kailangan mo lang ng tubig." Bakit ba yun ang una niyang ituturo? eh alam naman niyang nagkakabuntot ako kapag nababasa ang paa ko.

"Hindi kasi magbasa as in kailangan ng tubig, ang ibig kong sabihin ay magbasa, ahm.. as in mag-read? Alam mo yung read? Shuta ang hirap!"

"Aahh. Ibig mong sabihin mga kulay? Naituro na yan sa akin ni ate Jollina. Ang read ay Pula. Tapos ang yellow naman ay dilaw, asul naman ang blue. Tapos ano pa nga yung iba..ahm.."

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now