XL: Traydor

61 5 0
                                    

(Sarina's POV)

"Nagtagumpay ang ating plano." Wika ko habang umiinom kami ni inay ng red wine na gawa sa halamang dagat kasama sina Ivanang Vina at Tarin. Hinihimas-himas ni Inay ang kanyang korona habang nakapatong ito sa ulo niya.

"Hindi mangyayari iyon kung hindi dahil sa inyo, Tarin at Vina. Nakumbinsi natin ang sangkasirenahan dahil sa mga pinagsasasabi ninyo." Wika naman ni Inay.

"Sinunod lang namin ang iyong plano, Reynang Inda. Maswerte tayo dahil ito ay nagtagumpay. Akala ko nga'y hindi sasama sa akin ang mga sirena. Mabuti na lamang at sinundan agad ako ni Ivanang Vina." Wika naman ni Tarin.

"Pumanig sa atin ang sangkasirenahan dahil totoo ang ating mga sinabi. Hindi iyon pandaraya, iyon ay katotohanan. Hindi talaga nararapat si Filapia na maging reyna." Wika naman ni Ivanang Vina.

"Hahaha kung nakita niyo lang ang itsura ni Filapia kanina, bakas ang takot at kaba sa kanyang mukha. Kawawang Filapia. Hahaha." Tuwang-tuwa namang wika ni Inay.

"Walang mapagsidlan ang aking saya, reyna Inda. Noon pa ma'y naiinis na talaga ako sa Filapia na iyon. Siya na lang palagi ang pinapanigan ni Nana Azon." -Ivanang Vina

"Huwag ka nang magpaka-stress sa babaeng iyon, Vina. Wala na siyang posisyon dito sa templo, isa na lamang siyang hamak na  bilanggo. Magdiwang ka dahil mas mataas na ang iyong posisyon ngayon." -inay

"Salamat sa pagpili sa akin bilang kanang-kamay mo, Reyna Inda." wika pa ni Ivanang Vina.

"At salamat naman sa'yo Prinsesa Sarina dahil pinili mo ako bilang iyong kanang-kamay." Wika naman sa akin ni Tarin.

"Malaki ang ambag ninyo sa pagiging reyna ko at pagiging prinsesa ng anak ko. Kaya nararapat lamang na bigyan kayo ng mataas na posisyon." Wika naman ni Inay.

Uminom ako ng wine at tumayo sa kanilang harapan.

"Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyong ikulong sina Ivanang Filapia, Ariella, Vlad at mga kasama nilang tao. Wala iyon sa plano. Ang plano ay ang pabalikin sila sa mundo ng mga tao at burahin ang kanilang mga alaala." Wika ko.

"Kailangan nilang makulong dahil iyon ang kabayaran sa apat na batas na sinuway ni Nana Azon. Iyon ang nasa libro ng batas anak. Ang sinumang nilalang na pumasok sa templo ay ikukulong ng pang habang-buhay. Hindi sila kaaawaan."

"Ngunit wala silang ginagawang masama, Inay. At tsaka wala iyon sa libro, ang nakasulat doon ay palalabasin lamang sila sa templo at buburahin ang kanilang alaala."

"Bilang reyna, dinagdagan ko ang nakasulat sa libro. Hindi na palalabasin ang sino mang magtangkang pumasok dito sa templo. Sila ay magiging bilanggo habang buhay."

"Ngunit hindi sila nagtangka o nagpumilit pumasok dito Inay. Ako ang nagpapasok sa kanila dito. May basbas iyon ni Nana Azon."

"Iyon na nga ang pagkakamali ni Nana Azon. Sinuway niya ang nakasulat sa libro ng batas, pinahintulutan niyang makapasok ang mga nilalang na iyon dito. Kung ako man ay ayaw ko rin silang makulong, ngunit iyon ang hiling ng sangkasirenahan. Nalaman nila ang pagsuway ni Nana Azon sa libro ng batas, kung hindi ko ipakukulong ang mga bihag, magkakagulo lamang. Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ng sangkasirenahan kapag nagsama-sama sila. Masisira ang templo na pinaka-iingat-ingatan pa ng mga kauna-unahang pinuno. Hindi mo ba alam na may batas sa libro na nagbibigay pahintulot sa sangkasirenahan na patayin ang sinumang nilalang na malaki ang pagkakasala sa templo? Pasalamat ka na lang at pagkabilanggo ang pinili ng sangkasirenahan at hindi kamatayan."

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now