IX: Birhen

321 18 3
                                    

(Ariella's POV)

"Mamaaa! Huhuhu! Mama kooo!" Paghahagulhol ng batang kasama namin.

"Bakit niyo ba kami kinuha?! Mahirap lang kami! Wala kayong mapapala sa akin!" Hiyaw naman ng isa pang babae.

"Pakawalan niyo na kami! Parang awa niyo naaa." Hiyaw pa ng isa.

Walo kaming babaeng kinuha ng mga di pangkaraniwang lalaki. Lahat sila nag-iiyakan dahil sa takot. Gustuhin ko mang umiyak, hindi ko ito magawa dahil baka matuluan lang ng luha ang mga paa ko't maging sirena ako dito sa loob.

Ngunit labis talaga akong natatakot. Ito na siguro ang sinasabi ni tita Noreen, ang mas malulupit at masasamang tao. Apat silang nakabantay sa amin kasama na ang nagmamaneho ng sasakyan. Lahat sila balot na balot ng itim na kasuotan. Paano kung malaman nilang sirena ako at lumuluha ng krystal? Baka bugbugin din nila ako tulad ng ginawa sa akin ni tita Noreen noon. Kailangan kong mag-ingat sa tubig. Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa akin.

"Ate, saan nila tayo dadalahin? Natatakot po ako. Baka kunin nila ang dugo ko tapos ibubuhos nila sa tulay." Takot na takot at nakayakap sa akin ang pinakabata sa amin. Siya yung batang nakita kong nakikipaglaro kanina ng habulan. Hinimas ko ang ulo niya at niyakap siya. Naaalala ko sa kanya si Catherine.

"Wag kang mag-alala. Hindi ko 'yun hahayaang mangyari sayo. Tahan na.. baka magalit sila kapag gumawa tayo ng ingay." Nakabaon ang mukha niya sa dibdib ko at nakayakap sa akin. Hinahagod ko ang likod niya upang madama niyang hindi siya nag-iisa. Ayaw kong matulad siya kay Catherine. Ngayon, sisiguraduhin kong mabubuhay siya.

"Rerapin niyo ba kami?! Maawa kayo please. Virgin pa ako! Ang gusto kong makauna sa akin yung taong mahal ko. Huhuhu." Sigaw ni Jossa. Iyak siya ng iyak at napakaingay.

"Tumahimik ka! Sinong gagahasa sa'yo sa pangit mong 'yan?" Napatigil siya sa pag-iyak.

"Tangina mo ah. Mangrirape ka na lang choosy ka pa. Kung pangit ako at hindi karape-rape, bakit mo ako kinidnap?! Hindi rin naman kami mukhang mayaman ah! Ano bang kailangan mo sa amin? Pakawalan niyo na lang kami!"

"Tumahimik ka sinabi eh!" Sigaw ng lalaki at akmang sasapakin si Jossa pero hinila ko siya at niyakap ng kaliwang braso ko. Dalawa na silang yakap ko ngayon.

"Wag ho! Titigil na ho kami. Wag niyo lang kaming sasaktan." Pakiusap ko.

"Subukan niyong gumawa ng ingay, makakatikim kayo sa akin!"

"Tatahimik na po kami, tatahimik na po kami." Wika ko.

"Jossa, wag ka na lang makipagtalo sa kanila. Baka kung ano pang gawin nila sa atin kapag nagalit sila." Bulong ko sa kanya.

"Pasensya na. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko. natatakot ako." Mahigpit ko siyang niyakap.

"Wag kang mag-alala, nandito lang ako." Wika ko naman. Natahimik na rin siya sa wakas.

"Mga totoy, mga totoy," Napalingon kaming lahat kay lola na bigla na lang nagsalita. Siya 'yung matandang nakatira sa baba ng apartment ni Jossa.

"Anong tinatawa-tawa mo jan?!" Sigaw ng lalaki sa kanya.

"I think you'll request ransom to our families that's why you kidnapped us, am I right?" Ayan na naman ang lenggwaheng hindi ko maintindihan.

"Tumahimik ka d'yan kung ayaw mong makatikim ng suntok!" -lalaki.

"Do you think I'm afraid to die? Kill me if you want, I'm ready. Gusto ko lang malaman niyo na kung hihingi kayo ng ransom sa pamilya ko, walang tutubos sa akin." Tatawa-tawa lang ang matanda habang hinihimas ang tungkod niya.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now