LIII: Betrayed

52 2 1
                                    

(Ariella's POV)

"A-anong ibig mong sabihin? Bakit mo ako kinikindatan?" Tanong ko. Napaiwas siya ng tingin sa akin pero tila nakangiti siya.

"Bakit ka ngumingiti?" Tanong ko pa.

"Inlove ka kay Ariella?" Singit naman ni Empie. Tumayo si Dexter at nagpagpag ng dumi sa kanyang damit at puwitan.

"Alam kong wala kayong mapupuntahan ngayong gabi. Kahit pinasok niyo ang bahay ko, kahit hinampas mo ako ng dos por dos, kahit pinagtangkaan mo akong lunurin at patayin, I am still willing to help you. Bukas ang aking tahanan para may matuluyan kayo pansamantala. Huwag kayong mag-alala, wala akong gagawing masama sa inyo. Hinding-hindi ako hihingi ng crystal niyo dahil marami naman kaming pera. I just want to make sure you guys are safe." -Dexter

"Hindi mo sinagot ang tanong ko. May gusto ka 'ba kay Ariella?" -Empie

"Yes." M-may gusto siya sa akin? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Nakakahiya tuloy. "But I know my limitations. She's a mermaid, I'm a human. Alam kong hanggang pagkagusto lang ako." Dagdag pa niya. Hindi siya makatingin sa akin.

"Mabuti alam mo. Hinding-hindi pwedeng magkatuluyan ang sirena at tao dahil mga gahaman at mapaglinlang kayo!" -Empie

"Not all humans are like that. Anyway, I am offering you this for one last time. Makikituloy 'ba kayo sa bahay o iiwan ko na kayo dito? Hindi ko naman kayo pipilitin kung ayaw niyo." -Dexter

"Edi iwan mo! Go! Sinong tinakot mo?" -Empie

"Sasama kami Dexter. Wala kaming ibang malalapitan at matutuluyan kaya tinatanggap ko ang alok mo." Wika ko. Wala na kaming ibang pagpipilian pa. Walang mga paa si Empie, magdidilim na rin, saan kami pupulutin nito? Kaya mas maiging sumama na lang kami kay Dexter.

"Ariella! Nahihibang ka na 'ba?!" -Empie

"Hindi ako nahihibang Empie. Gusto ko lang maging ligtas tayo. Simula't sa pul, ikaw na ang nagdedesisyon kahit mas bata ka sa akin. Naging sunud-sunuran ako sa'yo kahit minsan napapahamak tayo sa mga desisyon mo. Pumayag akong sumama tayo doon sa baklang pangit kahit pa sinabi ko sa'yong hindi dapat tayo nagtitiwala sa kahit kanino. Lagi kitang pinagbibigyan pero ngayon, AKO NAMAN. Ate ako, kaya simula ngayon, ako na ang masusunod. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama tayo sa kanya."

"Hindi mo pa rin 'ba naiintindihan ha? Ikaw na nga ang nagsabi, hindi dapat tayo nagtitiwala sa kahit kanino and that includes him! May masamang balak ang taong 'yan sa atin! Katulad din siya ng baklang 'yun!"

"Hoy hindi ako bakla ah!" -Dexter

"Hindi kita kinakausap!" -Empie

"Kung may masama man siyang binabalak, wag kang mag-alala, ako mismo ang papatay sa kanya. Pangako 'yan." Nagulat din ako sa nasabi ko pero okay na siguro 'yun para sumama na sa amin si Empie.

"And how many times do I have to tell you wala akong masamang balak sa inyo? I am—"

"Hindi sabi kita kinakausap kaya tumahimik ka!" Pinutol niyang muli ang sasabihin ni Dexter.

"EMPIE!" Napasigaw na tuloy ako.

"Sasama ka 'ba o hindi? Mamili ka!" Naiinis na ako sa katigasan ng ulo niya.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now