XVII: Ang Pagbabalik

242 13 0
                                    

(Ariella's POV)

"T-talaga? Pwede akong manligaw sayo?" Nabalot ng ngiti ang mukha niya. Tumango na lang ako. Ginagawa ko ito para kay Jossa.

"Promise gagawin ko ang lahat magustuhan mo lang ako." Wika pa niya. Pinunasan niya ang palad niya at inilahad ito sa akin.

"Bilang isang manliligaw, dapat muna akong magpakilala, ako si Franco Gonzales. 20 taong gulang. Handa akong patunayan sa'yo na mamahalin kita ng buong-buo." Tiningnan ko ang palad niya. Kailangan ko ba itong hawakan? Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko..

"Kayo po ba ang kasama ni Jossa Pinagpala? Nailipat na po siya sa room 24, gising na rin ho siya." Napalingon kami sa babaeng biglang sumilip sa pinto. Nurse din ata siya. Agad akong tumayo.

"T-talaga ho? Saan ho yung room 24?" Tanong ko.

"Sa taas po. Second floor."

"Salamat ate!" Agad akong tumakbo at hinanap ang hagdanan. Sumunod naman sa akin si Franco.

Tama si Franco, nakakatulong nga ang pagdarasal. Salamat po Hesus!

"Ariella, dito ang room 24." Tumakbo ako pabalik, hindi ko namalayan na nalampasan ko pala ang silid ni Jossa. Lumapit ako sa pinto na itinuro ni Franco at binuksan ito.

Nakita ko si Jossa na nakahiga sa kama, may oxygen sa kanyang ilong at kausap niya ang doctor.

"Jossa!" Tumakbo ako sa kanya at yumakap. Umiyak na ako.

"Tinakot mo ako alam mo ba 'yun? Wag mo na 'yun uulitin ahh." Wika ko. Nakuha pa niyang tumawa at hinawakan ang pisngi ko.

"Naku iniiyakan ako ng kapatid ko, nakakatouch naman. Wag ka nang mag-alala, maayos na ako. Sorry kung nag-alala ka sa akin. Tumigil ka nga sa pag-iyak, naiiyak din tuloy ako!" Wika niya at naluha nga siya.

"Okay ka na ba? Wala bang masakit sayo?" Tanong ko.

"Pinaliwanag na sa akin ni Doc kung bakit ako nag-seizure. Hindi ko nga alam na nagseizure ako eh." Sagot naman niya.

"Nasabi sa akin ng pasyente na madalas siyang malipasan ng pagkain at laging napupuyat dahil sa paggamit ng cellphone. Nasabi rin niya na nagkaroon siya ng stress dahil sa pagkakidnap sa kanya. It's possible na dahil doon kaya nagkaroon siya ng seizures at dumagdag pa ang mataas niyang lagnat. Kaya ang payo ko, bawasan ang paggamit ng gadiets, kumain sa tamang oras, iwasan ang stress at matulog ng maaga para hindi na ito maulit. Maliwanag ba?" Wika ng doctor.

"Ikaw ang kapatid niya kaya kapag nakita mo siyang gumagamit ng cellphone or any kind of gadiets, sawayin mo ha? Pakainin at patulugin mo rin siya sa tamang oras. Naku naaddict na yata itong kapatid mo sa cellphone eh. Haha." Wika nito sa akin. Nginitian ko siya.

"Opo Doc salamat po. Narinig mo yun Jossa ha? Bawal na ang cellphone." Wika ko naman kay jossa. Palihim kong tiningnan ng masama si Franco. Nang dahil sa kanya kaya nagpupuyat at hindi nakakakain ng tama si Jossa.

"Oh sige, maiwan ko na kayo ha. I have to check other patients pa. Ipapadala ko na lang mamaya sa nurse yung inireseta kong gamot." Pagpapaalam ng doctor.

"Sige po doc. Salamat po." Wika ni Jossa.

"Salamat po." Wika ko naman at tuluyan na itong lumabas ng silid.

"Teka sino ka?" Tiningnan ni Jossa si Franco.

"Oo nga pala Jossa, S-siya ang tumulong sa akin na dalahin ka dito sa ospital." Wika ko. Hinila niya ang ulo ko at may binulong sa akin.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now