XLIX: Dilim

42 5 0
                                    

(Ariella's POV)

"N-naaalala mo na ako?"

"Ariella, mahal ko!" Isang mainit na yakap ang ibinigay sa akin ni Vlad at doon na ako humagulhol. Hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa labis na tuwa! Bumalik na ang Vlad ko.

"Akala ko iniwan na ako ng lahat. Buti na lang bumalik ka na! Huhuhu!"

"Bumalik? Bakit? A-ano bang nangyari? P-pakiramdam ko ang tagal kong natulog." Wika niya.

"Noong pinainom ka ni Sarina ng dugo na may dinurog na tabletang nakakapagpawala ng alaala, tinablan ka. Ang sabi mo sa akin hindi eepekto sa'yo ang tableta? Bakit ka tinablan? Bakit mo ako kinalimutan? Bakit ka nakipaghalikan kay Sarina? Nakakainis ka!"

"T-tinablan ako? H-hindi ko alam. Akala ko hindi ito eepekto sa akin dahil bampira ako. Kahit uminom nga ako ng asido, hindi naman ako namamatay eh. Hindi ko akalaing tatalab sa akin ang tableta ni Sarina. Teka speaking of Sarina, anong nangyari? Sinaktan ka ba niya?! Nasaan si Franco at Jossa?" Napatingin siya kay Sarina.

"Ikaw!! Anong ginawa mo sa mga kaibigan ko?!" Susugurin niya sana si Sarina pero hinawakan ko siya.

"Vlad sandali. Hindi mo na siya kailangang awayin. Napainom din siya ng tableta ni Jossa at ngayo'y sunud-sunuran na siya sa akin."

"T-talaga? Mabuti naman kung ganun. Pasalamat siya wala siya sa sarili niya dahil kung hindi, kakalimutan ko talagang babae siya." Masama pa rin siyang nakatingin kay Sarina.

"Sarina, maglinis ka muna sa kwarto." Utos ko na lamang upang mawala muna siya sa aming paningin. Tumango naman si Sarina at agad na tumungo sa kwarto.

"Si Franco at Jossa, nasaan? Hindi ba't nanganak na si Jossa? Nasaan ang bata?"

"Wala na sila."

Nabigla siya at tila nagulat.

"A-anong ibig mong sabihin? Patay na sila?"

"Hindi. Basahin mo 'to." Ibinigay ko sa kanya ang liham ni Jossa at binasa naman niya ito.

"O-okay ka lang 'ba?" Tanong niya matapos niyang basahin ang liham. Bakit nakakaiyak 'yung tanong niya? Nagsitulo na naman ang mga luha ko.

"Hmm syempre nakakalungkot.. pero naisip ko, hindi ko naman sila mapapabalik kung iiyak ako ng iiyak." Wika ko pero may mga tumutulong luha sa mga mata ko. Pinunasan niya ito at niyakap ako.

"Iwan ka na ng lahat, pero ako, pangako, hinding-hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita Ariella."

"Pakiusap ayaw ko nang makarinig ng mga pangako. Sinabi rin 'yan sa akin ni Jossa pero nasaan sila ngayon? Iniwan pa rin nila ako.. Ang sakit kapag napapako ang pangako." Totoo naman eh. Lahat ng nangangakong hindi ako iiwan, iniwan ako.

"Pwes maniwala ka sa pangako ko. Hinding-hindi kita iiwan. Itaga mo 'yan sa bato."

"Sus. Eh ikaw nga itong unang nang-iwan nang inumin mo ang tableta ni Sarina. 'Yung paglimot mo sa akin, pakiramdam ko iniwan mo ako 'nun."

"Ah eh.. hehe. Sorry na. Pero pangako, iyon na ang huling beses na iiwan kita. Heto na nga ako di'ba? Nagbabalik ako upang protektahan ka. Oo nga pala, paano mo napabalik ang alaala ko?" Wika pa niya.

"Dahil kailangan mong sundin ang lahat ng inuutos ko, inutos ko sa'yo na ibalik ang alaala mo. Tapos ayun, bumalik ka na."

"Ibig sabihin pwede natin 'yun gawin kay Sarina?"

"Yan ang hinding-hindi natin gagawin! Gagamitin natin siya sa pagpasok sa templo."

Ikwenento ko na sa kanya ang lahat ng nangyari. Pati na rin ang nalaman ko kanina nang tumawag si Inda sa telepono ni Sarina.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now