XXXIX: Koronasyon

76 7 0
                                    

Matapos na sabihin ni Nana Azon ang pangalan ni inay ay unti-unti nang naglaho ang repleksyon niya sa perlas.

Lahat ay natahimik.

Lahat ay hindi makapaniwala.

Ang napiling reyna ni nana Azon ay walang iba kundi ang nanay ko. Ang sinasabi nilang walang katungkulan dito sa templo.

Natuwa ako at agad na niyakap si Inay. Siya ang pinili ibig sabihin may dugo siyang Dolatrah, may lahi kaming Dolatrah.

"H-hindi ako makapaniwala.." wika ni Ivanang Vina.

"Bakit siya pa ang napili gayong wala siyang karanasanan sa pamumuno dito sa templo?" Hindi ko alam ngunit naiinis ako sa tila pangliliit nila kay inay.

"Pwede ba, magsitigil nga kayo. Wala kayong karapatang kwestiyonin ang desisyon ni Nana Azon. Maaaring may nakita siyang kakayahan kay Filapia na wala sa atin. At isa pa, ibig sabihin niyon, may dugo siyang Dolatrah. Alam kong may itinatago siyang lakas." Wika ni Az Razil.

"Kung taglay niya ang dugo ng mga Dolatrah, bakit hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili noong dukutin siya ni Lazarus? Bakit kailangan pang mamatay ni Nana Azon para lamang iligtas siya?" Kontra naman ni Ivanang Vina.

"Tumigil ka na sa pangingwestiyon Ivanang Vina. Wala ka nang magagawa sa desisyon ni Nana Azon. At tandaan mo, si Ivanang Filapia na ang bago mong reyna. Matuto kang gumalang. Kung patuloy niyong kwekwestiyonin ang desisyon ni Nana Azon, tila nilalapastangan niyo rin ang huli niyang habilin. Sa ating batas, malaking kasalanan ang pagkuwestyon o hindi pag-sang-ayon sa huling habilin ng reyna. Kaya magsitigil na kayo. Ivanang Inda, ano ang susunod na mangyayari, kailan ang koronasyon ng ating bagong reyna?" Tanong ni Az Razil. Tila hindi naman napansin ni Ivanang Inda ang pagbanggit ng pangalan niya ni Az Razil. Nakatulala lang siya at tulad nila, tila hindi rin siya makapaniwala.

"Ivanang Inda?" Natauhan lamang siya nang tawagin siya muli ni Az Razil.

"U-uhm.. t-tama si Az Razil. Walang sinuman ang dapat kumwestyon sa huling habilin ng yumaong reyna. Maaari kayong maparusahan. Pagluluksaan lang natin ng dalawang araw si nana Azon, at pagkatapos niyon, kokoranahan na natin si Ivanang Filapia bilang ating bagong reyna. Magsitayo tayong lahat at palakpakan ang ating bagong pinuno!"

******************

Dahil ganap nang reyna si inay, automatikong magiging importanteng pamilya raw kami. Hindi lang si inay ang makokoronahan kundi pati ako bilang isang prinsesa.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko akalain na sa paglabas ko sa silid na pinagkulungan sa akin ni tita Noreen, ay magiging prinsesa pala ako. Ang lupit at pasakit na naranasan ko noon ay tila napapalitan na ng magagandang pangyayari. Buo na ang pamilya ko, nagkaroon na rin ng kasagutan ang mga katanungan sa buhay ko. Ngunit kumpleto na ba talaga ako?

Ewan ko ba pero hindi ko maramdaman. Malungkot pa rin ako. Lalo na noong malaman kong kailangan kong mahiwalay sa itinuring ko nang pamilya na sina Jossa, Franco at Vlad. Hindi sila maaaring manatili sa templo at kinakailangan nilang bumalik sa mundo ng mga tao. Hindi rin nila pwedeng baunin ang mga alaala tungkol sa templo kaya buburahin ang kanilang alaala tungkol dito.. at kasama ako doon.

Ngunit hindi ko iyon kaya. Hindi ko kayang hindi sila makasama. Hindi ko kaya na makalimutan nila ako. Malulungkot lamang ako nang labis. Hindi pa rin ako magiging kumpleto dahil pamilya ko na rin sila.

Labag sa batas ng mga sirena ang pagpapatira ng tao sa templo o ng kahit anong nilalang. Minsan na silang tumanggap ng bampira dito ngunit isang trahedya lamang ang naging kapalit niyon. Pinatay nito ang panganay na anak ni Ivanang Inda. Kaya ngayo'y natuto na sila. Hindi na sila kailanman tatanggap ng tao o bampira dito. Nakasulat na iyon sa batas ng libro. Kahit tinulungan daw sila ni Vlad sa pakikipaglaban kay Lazarus, kinakailangan din nitong umalis. Iyon ang sinabi ni nana Azon noong patuluyin sila dito pansamantala.

 Blood and WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon