LIV: Halimaw sa Kuweba

37 2 1
                                    

(Jossa's POV)

Handa na akong umalis. Nakasuot na ako ng jacket at nakasukbit na sa likod ko ang backpack na dadalahin ko. Kumbinsido na talaga akong umalis para siguraduhing ligtas si Ariella. Habang nagtitimpla ng gatas si Franco, lumapit ako sa kanya upang magpaalam.

"M-mahal ko, aalis na ako." Malambing kong wika. Nagbabakasakali akong pansinin na niya ako. Hindi niya kasi ako iniimikan simula pa kahapon.

"Uy, hindi mo man lang 'ba talaga ako iimikan?" Busy lang siya sa pagtimpla ng gatas. Lumapit ako sa likod niya at yumakap. Napatigil siya sa ginagawa niya.

"Please, wag ka nang magalit."

"Hindi ka na 'ba talaga mapipigilan?" Doon na siya nagsalita ngunit halatang cold siya.

"Wag kang mag-alala sa akin, mag-iingat ako. Babalik din ako agad kapag naibigay ko na kay Vlad ang tableta, promise." Hindi na siya nagsalitang muli. Tinanggal niya ang kamay ko na nakayakap sa kanya at dumiretso kay baby Gretta. Hindi siya tumitingin sa akin. Hinihintay kong may sabihin pa siya ngunit mukhang wala na siyang balak na umimik muli. Binuhat niya lang si baby Gretta at tsaka pinadede.

"Alagaan mo nang mabuti si Baby Gretta ha. Mahal na mahal ko kayong dalawa." Namamasang mata kong wika. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Nakakabuwisit naman ang lalaking 'to.

Hanggang sa makalabas ako ng pinto'y wala siyang sinabi. Alam kong hindi siya sang-ayon sa gagawin ko pero hindi na niya ako mapipigilan. Gusto ko lang masigurado ang kaligtasan ng bawat isa. Hindi ko maatim na ligtas kami habang sina Ariella ay nagdudusa.

Isinuot ko na ang helmet sa aking ulo at pina-start ko na rin ang motor na gagamitin ko. FYI, bumili kami ng motor ni Franco upang may magamit kami for transportation. Bumili rin naman kami ng kotse pero madalang namin itong gamitin. Mas tipid kasi kapag motor.

Isa ang mga materyal na bagay na 'yun sa ikinakokonsenya ko kay Ariella. Crystal niya ang ginamit namin pambili ng mga ito. Naging maayos ang buhay namin dahil sa kanya pero iniwan namin siya. Kaya babawi ako. Marapat lamang na bayaran ko ang utang na loob ko sa kanya sa pamamagitan ng pagligtas ng buhay nila.

Buhay na ang makina ng motor at handa na talaga akong umalis ngunit hindi talaga ako pinapansin ni Franco. Lumingon akong muli sa pinto, nagbabakasakaling nakasilip siya upang magpaalam ngunit wala. Wala na siguro akong magagawa sa galit niya. Susuyuin ko na lang siya pagbalik ko. Tuluyan ko nang pinaandar ang motor at humarurot paalis.































"Ariella? Vlad?" Bigla akong nakaramdam ng kaba nang madatnan ko ang apartment na sobrang kalat at walang katao-tao. Kumakabog ang dibdib ko.

Anong nangyari sa kanila? Nasaan sila? Diyos ko sana nama'y walang nangyaring masama sa kapatid ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ginalugad ko ang buong apartment ngunit wala akong natagpuang kahit sino. Naluluha na ako sa kaba at pag-aalala. Hindi kaya'y sinubukan ni Ariella na pumunta sa templo para kumuha ng tableta para kay Vlad at para iligtas sina tita Filapia at tito Paulo? Baka ginamit niya si Sarina para makapunta doon. Hindi na ako nag atubili pa't nagmadaling tumungo sa motor at agad itong pinaandar. Ililigtas ko ang kapatid ko. Mapanganib sa templo!

Mabilis kong pinaandar ang motor at agad na tinahak ang daan patungo roon. Hindi mawala sa isip ko ang pag-aalala kay Ariella. Sana mali ang naiisip ko, sana buhay pa ang kapatid ko. Manalig ka Ariella. Please Lord, kung nasa panganib man siya ngayon, protektahan niyo po siya parang awa mo na. I will never forgive myself if something bad happened to her. I will forever blame myself. Kung hindi ko siya iniwan, baka ligtas pa rin siya hanggang ngayon.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now