XXVII: Vampire Apocalypse

194 7 0
                                    

(Jossa's POV)

"Huwag mo akong iiwan." wika ni Vlad kay Ariella. Unti-unting inilapit ni Ariella ang kanyang labi sa labi ni Vlad.

Sa harap ko pa talaga? Kakabroken-hearted ko lang tapos mga ganitong eksena agad ang makikita ko?

Itong si Ariella masyadong nawiwili sa paghalik! Kanina pa yan eh. Sugatan na si Vlad at lahat-lahat nagawa pang i-torrid kiss.

"Sandali." bigla namang umiwas sa halik si Vlad.

"P-pasensya na, nadala lang ako." nahihiya namang wika ni Ariella.

Shuta dinaig pa ako sa kalandian ng sirenang ito. Kung alam ko lang na gagayahin niya yung mga kissing scene sa kdrama na pinanood namin, hindi ko na sana siya pinapanood nito.

Pero ang landi-landi talaga niya! naka-lips to lips agad niya yung crush niya. Isang malaking sana all.

Naalala ko bigla ang nangyari kagabi. Napahawak ako sa aking labi. Mas malandi nga pala ako. Hindi lang kiss ang ginawa ko kundi nakipag ano rin ako.. bigla akong napangiti. Kapag naaalala ko kung paano kami nag-espadahan ng dila ni Franco, ramdam na ramdam ko pa rin yung sarap. First time kong makatikim ng laway ng iba. Ang sarap pala. It feels like-- Shuta ano ba itong pinag-iiisip ko?! *Shake head* Hindi dapat ako natutuwa dahil nakuha lang naman ng lalaking iyon ang pinakaiingat-ingatan kong puri!

"Habang maaga pa, kailangan nating makalayo dito. Ramdam na ramdam ko ang masamang plano ni Lazarus. Hindi ko pa kakayanin kung makikipaglaban ako ngayon." Wika ni Vlad.

Bakit ba sunod-sunod ang problemang kinakaharap namin? Una, nalaman ko na hindi talaga ako ang nililigawan ni Honey Bunch, pangalawa, navirginan ako, pangatlo, umuwing bugbog sarado si Vlad, at pang-apat, ito, susugod daw sa amin ang demonyong bampira na si Lazarus!

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Ariella.

"Hindi ko alam ngunit dapat sa malayo. Sa lugar na hindi tayo maaamoy ni Lazarus."

"May alam ako!" wika ko.

"Saan?" Sabay pa nilang tanong.

"Sa probinsya namin. May bahay kami doon."

Matapos niyon ay agad kaming nag-impake ng mga gamit. Kailangan naming makaalis agad upang hindi kami abutan ng dilim dito't maabutan ni Lazarus.

Agad akong tumungo sa kwarto at nagsimulang mag-impake ng mga damit na dadalahin ko. Habang nag-iimpake, napatingin ako sa litrato ni mama at papa. Nalungkot ako bigla. Babalikan ko na ang kalungkutang iniwanan ko, babalikan ko na sila.

Isa rin kasi sa dahilan kung bakit ako umalis sa probinsya ay upang makalimot sa hinagpis na naranasan ko doon. Nawalan ako ng mga magulang kaya pakiramdam ko kapag nandoon ako, lahat ng makikita ko ay maaalala ko lang sila. Hindi ako makakapagmove-on ng maayos kung patuloy ko silang maalala. Pakiramdam ko mas sumikip ang bahay namin sa paglisan nila, sumikip dahil napuno ito ng kalungkutan.

Napabuntong hininga na lang ako. Kinuha ko ang picture frame at hinimas ng aking daliri ang kanilang mga mukha. Naalala ko, ako ang kumuha ng litratong ito habang nakaupo sila sa hagdanan naming yari sa kahoy. Siguro'y grade 6 pa lang ako nito.

Ito yung araw na tumatakbo ako pauwi dala ang cellphone na napanalunan ko sa pa-raffle noon sa christmas party namin. Sabik na sabik akong umuwi noon upang ibalita ito sa kanila. Nung mga panahong iyon, kapag may cellphone ka na di-pindot at may camera, mayaman ka na. Iyon ang ginamit kong pangkuha sa litratong ito. Naluha ako bigla.

Bakas na bakas ang kasiyahan nila dito. Kung pwede ko lang ibalik ang mga araw na ito, siguro kahit mahirap ang buhay namin, masaya pa rin ako dahil kasama ko sila. Miss na miss ko na sila.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now