XLV: Pagpapanggap

65 4 0
                                    

(Jossa's POV)

"Jossa, Sarina, lalabas lang kami." Habang nagtitiklop kami ng mga damit ni Sarina, biglang nagpaalam si Vlad habang buhat-buhat niya si Ariella. Ay wow, baby na baby naman talaga ang pag-aalaga ni Vlad sa kapatid kong hindot. Magd-date na naman siguro ang magjowang ito.

"Magdi-date na naman kayo? Mukhang napapadalas na 'yang paglabas-labas niyo ha. Baka mamaya n'yan ikaw naman ang may pakwan sa tiyan, Ariella. Haha. Ingat-ingat ha." Biro ko.

"Naku oo nga, tama si Jossa. Huwag muna kayong gumaya sa kanya dahil hindi pa tayo sure sa kalalabasan ng magiging baby niyo. Kapag nagkataon, first time in history na magkakaroon ng half vampire-half mermaid. Haha. Sige na, ingat kayo." Wika naman ni Sarina.

"Mga sira-ulo." Sagot naman ni Vlad. Matapos niyon ay mabilis na siyang tumakbo ala Flash habang buhat-buhat si Ariella. Naaaliw talaga ako sa magjowang 'yun. Akalain mo 'yun, magiging sila pala talaga. Bampira at Sirena, weird but sweet. Sila na siguro ang may pinaka-unique na love story. Well, wala talagang pinipili si kupido. Kung tatamaan ka, tatamaan ka. LOVE is universal and anyone can be a victim of it.

Pero ano nga kaya ang magiging itsura ng magiging anak nila 'no? Bampirang may buntot o sirenang may pangil? Hahaha. Pero if ever mang gustuhin talaga nilang magkaanak, sana hindi makaapekto sa bata ang pagiging magkaibang nilalang nila. Anak ang pinakamagandang regalo na matatanggap ng isang magkasintahan o mag-asawa kaya I wish makabuo talaga sila ng normal na baby. Tulad namin ni Franco, we feel very blessed na nabiyayaan kami ng healthy baby. Sa monthly kong pagpapacheck up, I'm so happy and thankful because my baby is growing in my womb as healthy as I am. Excited na nga kami sa paglabas niya eh.

Kung sakali mang hindi makabuo si Ariella at Vlad, I hope they can still be happy. Sana wag silang malungkot at isiping hindi sila compatible sa isa't isa. Okay lang naman kahit wala silang anak. As long as they are inlove with each other, as long as they respect each other, there's no reason to be sad. Pero kung gusto talaga nilang bumuo ng sarili nilang pamilya, pwede naman silang mag-ampon. Hindi naman requirement na kadugo mo dapat ang magiging anak mo, hindi requirement ang DNA para masabing magulang ka. You can be a parent to any child basta willing ka to give all your love to that child. It's not always blood that connects people, it's also Love.

Tulad namin ni Ariella. We are connected because of love. Nagtuturingan kaming magkapatid kahit hindi kami magkadugo. And as her sister, I'm always here for her no matter what. I may have my own family soon, but nothing will change to us. She will always be my sister. I promise na hindi ako magbabago. Hindi ko siya iiwan Magiging gabay pa rin niya ako hanggang sa dulo. Suportado ko lahat ng gusto niya as long as makakabuti ito sa kanya. Tulad ngayon, suportado ko ang pag-ibig niya kay Vlad. I'll always be their number one fan.

Mabuti na lang meron akong Franco kaya hindi ako naiinggit sa love story nila. Hihi. I have my own love story na nagpapakilig din sa kepyas ko. Saan ka pa ba kikiligin kung hindi sa sarili mong love story di'ba? Well, masaya na talaga ako sa lovelife ko ngayon kasi ramdam ko na 'yung totoong pagmamahal ni Franco. Wala nang halong eklavu, we are true to our feelings na. Lalo kong nararamdaman ang pagmamahal niya habang lumalaki ang tiyan ko. I'm sure he is going to be a great father and a loving husband.

Haay naalala ko lang 'nung naglilihi ako, hindi ko talaga makalimutan. I really felt his love for me at sa magiging anak namin. Humingi ako sa kanya ng durian 'nun. Ayaw ko 'nung galing lang dito sa pilipinas, ang gusto ko 'yung galing pa sa Indonesia. Syempre nagreklamo siya. Sabi pa niya, paano daw siya makakakuha ng durian sa indonesia eh napakalayo 'nun. Dahil buntis ako, nagtampo ako. Tinoyo ako maghapon at hindi lumabas ng kwarto. Hindi ko talaga siya pinapansin.

Naiintindihan ko naman na malayo talaga ang Indonesia, pero ewan ko 'ba, gusto ko lang talagang magtampo. Actually, 'yun talaga ang gusto kong mangyari, ang magtampo sa kanya. Para kasing naglilihi ako sa suyo ni Franco. Basta I feel satisfied kapag sinusuyo niya ako. Sumasaya ako kapag nagsosorry siya sa akin. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag niyayakap niya ako. Kaya kung anu-anong tampo ang ginagawa ko para suyuin niya lang ako. Hindi naman niya magawang magalit dahil alam niyang may mood swings ang mga buntis. Ehe.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now