XXXI: Papa

221 13 1
                                    

(Ariella's POV)

Pinakawalan ako ni tito Paulo at itinali niya si tita Noreen. Natatakot ako na anumang oras ay maaari siyang magising. May nakita naman akong madungis na short sa gilid at kinuha ko ito't ipinasuot kay tito Paulo. Natatakot kasi ako sa hayop na nakadikit sa gitna ng kanyang mga hita.

Matapos niyang maisuot iyon ay sumilip siya sa pinto at nagmasid sa paligid. Sumilip din ako at napatakip ng bibig dahil may mga bampira pa sa labas. Binabantayan nila ang iba pang kwarto sa gusaling ito. Sumenyas sa akin si Tito Paulo na huwag raw akong maingay. Tumango na lang ako.

Sumilip akong muli at nagawi ang tingin ko sa kabilang kwarto, bahagya itong nakabukas kaya nakikita ko kung sino ang nasa loob niyon. I-isang babae, parang nakita ko na ang kanyang mukha ngunit hindi ko lang maalala kung saan.

Pilit kong inisip kung saan ko siya nakita at naaalala ko na! Sa panaginip! Siya yung babaeng napanaginipan ko na kasama ni Lazarus habang nakikipaglaban kay Vlad. Siya ang sirenang kinagat ni Lazarus kaya lumakas siya. Kailangan ko siyang mailigtas. Nakagapos rin siya't tila hinang-hina. Kawawa naman siya.

Bigla akong hinila ni tito Paulo at isinara niya ang pinto. Nakita ko ang luha sa kanyang mga mata't may hawak-hawak siyang matulis na bakal at ibinigay ito sa akin sabay turo kay tita Noreen. Anong ibig niyang sabihin?

"B-bakit tito Paulo? Anong gagawin ko sa bakal na iyan?"

Sumenyas siya na parang sinasabi niyang patayin ko si tita Noreen. H-hindi.. hindi ko kaya. Umiling ako at itinulak ang bakal na ibinibigay niya.

"Hindi ko kaya tito. Hindi ko kayang pumatay." hindi rin niya kayang gawin iyon kay tita Noreen. Alam ko kasing minahal niya rin si tita Noreen ng lubos. Lumapit ako sa kanya't tinapik ang kanyang likod.

"Hindi natin siya kailangang patayin tito, ang kailangan natin ay ang tumakas." Wika ko. Tumingin siya sa mga mata ko't hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa kanyang balikat. Huminga siya ng malalim at tumango.

Napalingon kami kay tita Noreen nang bigla itong gumalaw. G-gising na siya. Lumayo kami ni tito Paulo sa kanya at nagsimulang mag-akyatan ang takot sa aming katawan. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa amin ng nakangiti.

"What a sweet father-daughter tandem." wika niya na hindi ko naintindihan.

"Tita Noreen parang awa mo na, hayaan mo na kami, ayaw na namin ng gulo. Patakasin mo na kami! Nakikiusap ako sayo.." Pagsusumamo ko sa kanya. Humalakhak siya ng malakas at nagulat ako nang mapigtas niya ang mga taling nakagapos sa kanya. Tumayo siya't unti-unting lumapit sa amin.

"Napakaluwang naman ng pagkakatali niyo sa akin, paano kayo makakatakas nyan?" Wika pa niya. Nanginginig na sa takot si tito Paulo. Walang mangyayari kung parehas kaming matatakot. Kaya lumapit ako sa harap ni tita Noreen at lumuhod. Alam kong wala nang magagawa ang pagmamakaawa ko, pero wala na akong maisip na iba pang paraan para makatakas kami. Ipinagdarasal ko na lamang na sana'y may natitira pang awa sa puso niya.

"Tita Noreen parang awa mo na pakawalan mo na kami.. h-hindi matutuwa si Catherine sa ginagawa mo. Alam kong nalulungkot siya kapag nakikita kang ganito. Tita, sana may natitira pang kabutihan jan sa puso mo.."

*pak!* Bigla niya akong sinampal.

"Huwag mong idadamay ang anak ko sa usapang ito! Kung nabubuhay man siya, sigurado akong kamumuhian ka niya dahil pinatay mo siya!" sigaw pa niya. Napahawak ako sa pisngi ko. Napakahapdi ng kanyang pagkakasampal.

"Tita hindi ko siya pinatay, maniwala ka sa akin, iniligtas ko lang siya upang hindi siya mabagsakan ng mga nagsiguhong semento noong lumindol. Hinila ko siya sa ilalim ng kama at matapos niyon, nawalan na kami ng malay at lumipat na sa akin ang perlas. Hindi ko alam na iyon ang mangyayari sa amin kapag nagdikit kami tita, hindi ko ginusto ang nangyari sa amin.." Umiiyak na ako habang nagpapaliwanag.

Bahagya siyang natahimik sa sinabi ko. Sana'y mapagtanto niyang hindi ko ginusto ang nangyari, na ang tanging intensyon ko lamang ay ang iligtas si Catherine.

"Kung hindi ko iyon ginawa, baka namatay si Catherine na durog-durog ang katawan. Kahit kailan hindi ko inisip na patayin siya tita, napakabuti niya sa akin at alam kong napalaki mo siya ng tama."

"Ganun ba? H-hindi ko alam na yan pala ang dahilan.." wika niya. Hinawakan niya ang mga braso ko't itinayo ako mula sa pagkakaluhod. Tiningnan niya ako sa mga mata.

"Salamat dahil sinabi mo sa akin yan. Ngayo'y alam ko na ang lahat.. pero kahit ano pang sabihin mo, HINDI MO MAAALIS SA UTAK KO NA PINATAY MO SIYA!" Bigla niyang hinawakan ang leeg ko't sinakal, unti-unti niya akong itinaas sa ere dahilan upang mahirapan akong huminga.

"T-tita! T-tama na p-po!"

"KAHIT ANO PANG INTENSYON MO, PINATAY MO PA RIN SIYA! HINDI MO ALAM KUNG GAANO KASAKIT ANG MAWALAN NG ANAK! SI CATHERINE LANG ANG BUHAY KO ALAM MO BA YUN?! KAILANGAN MO RING MAMATAY PARA MABIGYAN NG HUSTISYA ANG PAGKAMATAY NG ANAK KO!"

Sa bawat salitang sinasabi niya ay lalong humihigpit ang pagkakasakal niya sa akin at halos wala na akong masagap na hangin. Dumidilim na rin ang paningin ko at ramdam kong ilang minuto na lamang ay mawawalan na ako ng buhay. Ngunit bigla na lang niya akong nabitawan dahilan upang bumagsak ako sa sahig. Agad kong hinabol ang aking hininga.

Nagulat ako nang bumagsak din si tita Noreen sa sahig. Nakita kong may tumagos na bakal sa kanyang dibdib, sinaksak siya ni tito Paulo. Umusok ang kanyang katawan at unti-unting nagiging abo si tita. Lumapit sa kanya si tito Paulo at inilagay ang ulo nito sa kanyang hita. Labis ang kanyang pag-iyak at alam kong marami siyang gustong sabihin ngunit nakatahi ang kanyang mga labi.

"P-patawarin mo a-ako.." wika ni tita Noreen. "M-may paraan pa para makatakas kayo.." pilit siyang nagsasalita. "K-kailangan mong maging bampira Paulo.." Nanlaki ang mga mata ko. Kakagatin ba niya si tito Paulo? "Kapag n-naging bampira ka, lalakas ka't maiiligtas mo ang a-anak mo." Anak? Sinong anak? Tumango naman si tito Paulo at hinalikan sa noo si tita. Matapos niyon ay unti-unti niyang inilapit ang leeg sa bibig ni tita Noreen.

"Tito Paulo!" Gusto ko siyang pigilan. Paano kung maging masamang bampira siya? Natatakot ako. Ngunit wala na akong nagawa dahil desisyon ni tito Paulo na magpakagat.

Nang tulayan na siyang makagat ay unti-unti nang naging abo si tita Noreen at tuluyan nang nalusaw. Wala na si tita Noreen.

Bigla namang tumingala si tito Paulo at sumigaw. Napigtas ang tahi sa kanyang mga labi't nagkaroon siya ng pangil. Naging pula rin ang kanyang mga mata at unti-unting naglaho ang mga sugat niya. Natatakot ako. Hindi ko alam kung ang tito Paulo ba na kaharap ko ngayon ay kakampi ko pa. Tumingin siya sa akin. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Umatras ako dahil unti-unti siyang lumalapit sa akin, napasandal na ako sa pader dahil wala na akong maatrasan pa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot talaga ako.

"T-tito Paulo pakiusap maawa ka sa akin.." Napapikit na lang ako nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Hinihintay ko na lang na saktan o kagatin niya ako.

Ngunit naramdaman ko ang yakap niya. B-bakit niya ako niyakap? Unti-unti kong iminulat ang mata ko.

"Ililigtas ka ni papa." wika pa niya.

Papa? Anong ibig niyang sabihin?

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"Kung alam ko lang na anak kita, iniligtas na kita noon sa kalupitan ng tita mo. Patawarin mo ako anak. N-nito ko lang rin nalaman na anak ka namin ni Filapia." Nanginig ang mukha ko't nagpatakan ang mga luha ko. T-tatay ko siya? S-si tito Paulo ang tatay ko? Gumanti ako ng yakap sa kanya at walang lumabas na salita sa bibig ko kung hindi ang pag-iyak.

"Patawarin mo ako anak.. patawarin mo si papa.." umiiyak rin niyang wika.

 Blood and WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon