XXIV: Sarina

225 11 1
                                    

(Ariella's POV)

Nanlaki ang mga mata ni Vlad nang idikit ko ang labi ko sa labi niya.

"OH.MY.GOD." Narinig kong wika ni Jossa.

Sinimulan ko nang gayahin ang ginawa ng babae dun sa kdrama.

"Ay shuta tinorrid pa!" Wika muli ni Jossa na napatakip ng bibig. Mas lalo namang nanlaki ang mga mata ni Vlad at humiwalay sa akin. Mahina niya akong itinulak.

"A-ano bang ginagawa mo?" Gulat na gulat niyang tanong.

"G-gusto kita Vlad." Buong lakas kong pag-amin. Hindi siya nakapagsalita. Napansin ko rin ang pamumula niya.

"Waaah hindi ko kinakaya 'to! Bago umamin kiss muna? Shuta." Singit muli ni Jossa.

Napayuko ako. Bigla akong binalot ng matinding hiya. Mali ba ang ginawa ko? Hindi ba't ganun naman ang ginawa ng babae doon sa kdrama? Kinain niya ang bibig nung lalaki upang magustuhan siya nito at doon nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

P-pero bakit parang kabaliktaran ito ng nangyari sa amin ni Vlad? Parang hindi niya ito nagustuhan. Ibig sabihin ba nito'y hindi niya ako gusto? Nakagawa ba ako ng isang bagay na buong buhay kong pagsisisihan?

Parang gusto ko nang magpakain sa lupa.

"A-ayaw mo ba sa akin?" Nakayuko kong tanong.

"Ah--ahm.." nauutal-utal siya at tila hindi alam ang sasabihin. "Ano kasi.. H-hindi ba't may nanliligaw sa iyo?" Tanong niya.

"Ngayong alam na ni Jossa ang lahat, patitigilin ko na si Franco. I-ikaw talaga ang gusto ko. Ikaw lang Vlad." Hindi ako tumitingin sa kanya dahil nahihiya ako sa mga pinagsasasabi ko. Nakayuko lang ako. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam kapag umaamin sa isang tao. Sobrang kaba. Hindi mo alam kung ano ang isasagot niya.

"H-hindi mo ba ako gusto?" Tanong kong muli.

"Umm.. Sa totoo lang, napakaganda mo Ariella. U-unang kita ko palang sa'yo, humanga na ako sa'yo.." napaangat ako ng tingin sa kanya. Mas bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ibig sabihin ba nito'y gusto niya rin ako? Tila naghuhumiyaw ang puso ko sa labis na tuwa.

"Shutang inerns, Ako broken hearted tapos kayo mukhang magkaka-lovelife pa? Ang unfair talaga ng mundo! Huhu." Singit muli ni Jossa.

"Pero.." natigilan ako sa pero ni Vlad. Pakiramdam ko'y hindi maganda ang susunod niyang sasabihin. Huminga ako ng malalim. Nakatitig lang ako sa mga labi niya habang hinihintay ang susunod nitong ibibigkas.

"Hindi tayo pwede."

Tila bumagsak ang buong katawan ko nang marinig ko iyon. Anong ibig niyang sabihin? Paanong hindi pwede? Hindi na ako nakapagsalita. Isa lang ang ibig sabihin nito, hindi niya ako gusto.

"Teka bakit naman? Hindi naman kayo iglesia at katoliko para hindi maging pwede sa isa't isa ah. Para sa akin bagay kayo!" Singit muli ni Jossa. Yumuko na lang ako dahil sa lungkot. Ang sakit pala. Ang sakit matanggihan ng taong gusto mo.

"Dahil ba bampira ka at sirena siya kaya nasasabi mo 'yan, Vlad? Alam mo, wala namang pinipili ang pag-ibig eh. Love is for all living and non-living things. Love knows no boundaries. Love has no age. Ano mang lahi, ano mang kulay, as long as wala kayong inaapakang tao at wala kayong nilalabag na batas, pwedeng-pwedeng maging kayo." Wika pa ni Jossa. Siya na ang kumakausap kay Vlad dahil hindi na talaga ako makapagsalita. Kinain na ako ng sobrang kahihiyan.

"Hindi yun dahil sa pagkakaiba namin, kundi dahil kailangan kong mamatay." Napatingin ako kay Vlad dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now