XXXIII: Ang Nakaraan (2)

115 5 9
                                    

Magmula noon, hindi na pumasok pa si Paulo sa kwarto ni Ariella. Napaniwala siya ni Noreen sa mga kasinungalingan nito na maaari siyang mapatay ng bata kapag nagpakita siya dito.

Sa ika-5 buwang pagbubuntis ni Noreen, siya ay nakunan. Sabi sa kanya ng doctor, maselan ang kanyang pagbubuntis at maaaring stress ang naging dahilan kung bakit nalaglag ang bata. Dahil doon, walang araw na hindi niya pinagmalupitan si Ariella. Sinisisi niya ito kung bakit siya na-stress at nalaglag ang bata sa sinapupunan niya. Kahit limpak-limpak na ang yamang naibibigay ni Ariella sa kanya, itinuturing pa rin niya itong malas sa buhay niya.

Kaya nang mabuntis siyang muli, umiwas muna siya kay Ariella. Kumain siya ng masusustansyang pagkain at uminom ng mga mamahaling bitamina upang lumakas ang kapit ng bata sa kanyang sinapupunan. Matagal na nilang pinapangarap ni Paulo na magkaroon ng anak kaya hindi na siya papayag na mawala pa ito.

Ngunit tila ginagantihan siya ng tadhana. Ipinanganak niyang may butas sa puso si Catherine. Tila pinagsakluban siya ng langit at lupa nang malaman iyon at hindi alam ang gagawin. Hindi na niya kakayaning mawalan muli ng anak, kapag nawala pa ito'y wala na ring dahilan upang mabuhay siya. Ngunit naalala niya ang sinabi noon ni Filapia.

"Ang perlas na iyan ang nagbibigay sa kanya kaya ng mga paa. Huwag mo iyang tatanggalin dahil siguradong magiging sirena siya. Ingatan mo ang perlas na iyan dahil maaaring pag-agawan 'yan ng mga tao kapag nalaman nila ang kapangyarihan nito. Nakapagpapagaling 'yan ng kahit anong karamdaman. Noreen, ipinagkakatiwala ko sa'yo si Ariella..."

Isang pag-asa ang sumilip nang maalala niya iyon. Agad niyang kinuha ang kwintas na perlas ni Ariella na matagal niyang itinago. Mula pagkasanggol ay hindi na niya ito ipinasuot kay Ariella upang sa tuwing luluha ito'y perlas ang iluluha niya. Isinuot niya iyon kay Catherine at milagro nga itong gumaling. Hindi makapaniwala ang mga doctor kung paano ito nangyari dahil bibihira ang nakakaligtas sa ganoong karamdaman.

Mahal na mahal ni Noreen ang anak. Simula nang dumating si Catherine sa buhay niya, pakiramdam niya'y nagkaroon muli ng saysay ang buhay niya. Marami silang plinano ni Paulo para sa anak. Bukod sa kumpleto at masayang pamilya, gusto rin nilang mabigyan ito ng magandang kinabukasan. Nais iparanas ni Noreen sa anak ang perpektong pamumuhay dahil hindi niya iyon naranasan noon.

Ngunit kapag tadhana talaga ang gumanti, hindi mo ito mapipigilan pa. Isang malaking kasalanan ang sumira sa lahat ng mga plano nila.

"MGA HAYUP!!" Nakita ng dalawang mata niya kung paano magpalitan ng laway si Jollina at si Paulo sa kusina. Nag-init siya sa galit nang makitang pinagtataksilan siya ni Paulo sa sarili niyang pamamahay at sa pinsan pa niya.

"Ate Noreen.. M-magpapaliwanag ako.." wika ni Jollina. Sa sobrang galit, Nagdilim ang kanyang paningin at agad na hinablot ang kutsilyo at pinagsasasaksak si Jollina. Hindi pa siya nakuntento at ginilitan pa niya ito sa leeg. Sa sobrang gulat, hindi na nakagalaw pa si Paulo sa pinagtatayuan niya. Hindi niya inakalang magiging ganoon kabangis si Noreen. Nanginig siya sa takot sa asawa. Nang tingnan siya nito ng matalim ay agad siyang tumakbo at tumakas.

Naghabulan sila gamit ang kani-kanilang sasakyan. Tila sinapian ng sampung demonyo si Noreen dahil wala itong paki-alam kahit pa duguan ang kamay niya't hawak-hawak ang kutsilyo habang nagmamaneho at hinahabol ang sasakyan ni Paulo.

Lingid sa kanilang kaalaman, nagising na si Catherine. Nakita ng bata ang kawawang si Jollina habang nakahandusay ito sa sahig, duguan at wala ng buhay.

"Yaya why are you sleeping on the floor? Why are you covered with ketchup? Did you play ketchup?" Dahil walang muwang, inakala niyang natutulog lang ito at naglaro ng ketchup.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now