XLVII: Pagpili

40 4 0
                                    

(Jossa's POV)

"Naaalala mo na ako?" Wika ko kay Franco matapos niyang inumin ang tableta. Bigla niya akong niyakap at nagbagsakan na lang ang mga luha ko. Bumalik na ang Franco ko.

"A-anong nangyari?" Tanong niya. Ikwenento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Hindi siya makapaniwala sa nagawa ni Sarina.

"Paano mo nagawa ito sa amin Sarina?!" Hiyaw niya kay Sarina na nakatayo sa likuran ko at katabi si Ariella.

"Shh, wag kang mag-alala, nasa impluwensya ko na si Sarina. Pinainom ko rin siya ng tableta at ngayo'y sunud-sunuran na sa akin ang hayup na 'yan. Hindi na natin siya kailangan problemahin. Ang problema natin ngayon ay si Vlad. Napainom din siya ni Sarina ng tableta kaya na kay Sarina ang loyalty niya."

"Ibig sabihin nakokontrol mo si Sarina tapos nakokontrol ni Sarina si Vlad? Paano 'yun?"

"Idinadaan ko kay Sarina kapag may gusto akong ipagawa kay Vlad. Sasabihin ko kay Sarina, sasabihin naman ni Sarina kay Vlad."

"Ang hassle naman 'nun. Kawawa naman si Vlad. Hindi talaga ako makapaniwala na magagawa ito ng itinuring kong bestfriend. Magkakilala na kami simula bata pa kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya nagkaganito ngayon." Wika pa niya.

"It's because she's inlove with you. Ay mali, she's obsessed with you. Kinontrol niya ang utak mo para lang makuha ka niya. Obsessed na tao lang ang gumagawa 'nun."

"Hindi ako makapaniwala na aabot siya sa ganito. I saw her as a simple girl with many dreams. I saw her as a woman with dignity and pure heart. That's how I got know her. She's different now. I don't know her anymore. Bakit niya ito nagawa sa akin? Sa atin? Naging mabuting kaibigan tayo sa kanya pero heto siya't naging sanhi ng panibagong gulo sa buhay natin."

"Ganun talaga ang buhay, mahal. May mga makikilala talaga tayo na akala natin mabuti ang kalooban, 'yun pala sila pa 'yung hindi mapagkakatiwalaan at mananakit sa atin. No matter how much you know a person, there's always something you don't know about him or her. We all have secrets." Taray english 'yan.

"I agree. Sorry mahal.." bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Sorry saan?"

"Sa hindi ko pag-alalay sa'yo noong manganak ka. I should've been there. I must be by your side."

"Paano mo ako matutulungan eh pinatulog ka ni Sarina. Hindi pa nga ako nakakapagpahinga simula nang manganak ako..shet, ang sakit ng buong katawan ko." magpapaawa ako.

"May masakit pa ba sa'yo?"

"Itong ulo ko.." humawak ako sa noo ko. Hinila niya ang ulo ko at hinalikan ang noo ko. Palihim akong ngumiti.

"Tsaka itong pisngi ko.." napangiti siya.

"Asus. Gusto lang ng kiss eh." Hinalikan niya rin ang pisngi ko.

"May masakit pa ba sa'yo?" Tanong niya.

"Itong pepe ko hehe. Napunit ito 'nung manganak ako eh."

"Punyeta ka."

"Dali na.. ang sakit kaya."

"Bwisit ka. Hahaha."

Nagtawanan lang kami at niyakap niya akong muli ng mahigpit. "Baliw ka talaga."

"Wait lang, may isang bagay pa na hindi ka pa nagsosorry sa akin."

"Alin?"

"Alalahanin mo."

"Hmm, sorry kasi nagpagamit ako kay Sarina."

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now