XLVI: Remember me

55 5 1
                                    

(Jossa's POV)

"Kung gusto mo pang mabuhay ang kapatid mo, inumin mo ang kapeng 'yun." Sakal-sakal ako ni Sarina gamit ang kanyang braso habang tinututukan ako ng kutsilyo. Tinatakot niya si Ariella na papatayin ako kung hindi niya iinumin ang kapeng may tinunaw na tableta.

"Bilis!" Mas hinigpitan niya ang pagkakasakal sa akin upang mapilitan si Ariella na inumin iyon.

"Ito na! Ito na! Iinumin ko na! Huwag mo lang siyang sasaktan." Agad naman itong kinuha ni Ariella at ininom. Wala akong nagawa kung hindi ang lumuha.

Naramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin nang gawin niya iyon. Handa niyang burahin ang kanyang alaala para sa akin.

Hindi ko na kaya...

Hindi ito dapat maranasan ng kapatid ko. Wala ng dapat pang mabiktima si Sarina.

Kailangan ko nang lumaban.

"Hayup ka!" Buong lakas kong siniko ang tagiliran ni Sarina dahilan upang mabitawan niya ako at matumba siya sa sahig. Hindi pa man siya nakakatayo ay agad ko nang sinuntok ang pagmumukha niya dahilan upang siya'y mahimatay. Susugurin sana ako ni Vlad ngunit agad kong kinuha ang kutsilyo at itinutok ito kay Sarina.

"SIGE LUMAPIT KA! Hindi ako magdadalawang isip na itusok ito sa ulo ng amo mo!" Napatigil si Vlad.

"Kung gusto mo siyang iligtas, sundin mo ako! Pumasok ka sa kwarto at huwag na huwag kang lalabas!" Alam kong susundin niya ako dahil hindi niya hahayaang mapahamak si Sarina.

"Alam kong itinatak ni Sarina sa utak mo na protektahan siya anuman ang mangyari. Kapag hindi mo ako sinunod, dadanak ang dugo niya dito! Gusto mo 'ba 'yun?" Dahan-dahan siyang umiling.

"Eh ano pang hinihintay mo? Pasok na sa kwarto bilis!" Agad namang sumunod si Vlad at nagkulong sa kwarto kasama si Franco. Mas maigi nang nandoon sila pareho upang hindi sila mautusan ni Sarina kung sakali mang magising ang putanginang 'to.

Kumuha ako ng lubid at itinali nang mahigpit ang mga kamay ni Sarina. Tinakpan ko rin ng makapal na tela ang bibig niya upang hindi na siya makapagsalita.

"Nagkamali ka ng kinalaban mo, Sarina." Hinila ko ang kwintas niya dahilan upang siya'y magka-buntot.

Matapos niyon ay agad akong lumapit kay Ariella na kanina pa nakatulala. Hindi pa siya natitigan ni Sarina sa mga mata kaya hanggang ngayo'y tila wala pa rin siya sa sarili. Hindi pa nalalason ni Sarina ang utak niya.

"Ariella, ayos ka lang?" Hindi siya kumikibo at nakatulala lang. Kapag tumitig 'ba ako sa mga mata niya at sabihin ko ang dapat niyang gawin, susundin kaya niya ako? Iyon naman ang ginagawa ni Sarina kapag nagpapa-inom siya ng tableta. Tatalab din 'ba ito kung ako ang magsasabi sa kanya? Bahala na. Kung effective, edi good. Kung hindi, edi wow.

Tinitigan ko na siya sa mga mata..

"Ariella, bumalik ka sa pagiging normal ngayon din. Hindi ka tatablan ng tableta." Wika ko habang nakatitig pa rin sa kanyang mga mata. Bigla siyang napahinga ng malalim matapos niyon. Tila nagtaka siya.

"Jossa? A-anong nangyari?" Naaalala na niya ako. Niyakap ko siya nang mahigpit at naiyak na lang ako. Salamat sa Diyos at bumalik ang kapatid ko!

"Akala ko mapapaikot na rin ni Sarina ang utak mo. Akala ko mawawalan na ako ng kakampi! Huhu!"

"A-ano bang nangyari? Bakit naaalala pa rin kita? Akala ko mawawalan na ako ng alalala dahil sa ininom ko. Teka n-nasaan si Vlad?! Kinuha siya ni Sarina! kailangan natin siyang iligtas!" Bigla siyang nataranta.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now