XXV: Katotohanan

202 13 0
                                    

(Ariella's POV)

"Franco, maaari bang umuwi ka na muna? kailangan ko lang siyang makausap." Wika ko kay Franco.

"Magkakilala ba kayo? Sarina kilala mo si Ariella?" Naguguluhan niyang tanong sa babae.

"Ipapaliwanag ko na lang sa'yo mamaya Franc. Hindi mo kasi pwedeng marinig ang pag-uusapan namin kaya sige na, umuwi ka na muna." Wika naman nito.

"Pero--"

"Wala nang pero-pero mag-uusap pa nga raw di'ba?" Wika naman ni Jossa at agad na pinagsarahan ng pinto si Franco. "Hoy naguguluhan din ako. Magkakilala ba kayo?" Lumapit siya sa amin at halata ko rin ang kanyang pagtataka.

Umiling kami pareho ni Sarina sa tanong niya.

"Hindi kami magkakilala pero may pinagkakaintindihan kami sa isa't isa," Sagot ko naman.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Parehas kaming sirena." sabay pa namin bigkas ni Sarina.

"Ano?!" Napatakip ng bibig si Jossa.

"Oo tama ho ang narinig ninyo, sirena rin ho ako." wika naman ni Sarina.

Pumunta kami sa sala at doon kami nag-usap ng masinsinan. Magkatabi kaming umupo ni Sarina sa mahabang sofa habang si Jossa naman ay umupo sa mas maliit.

"Bago ang lahat, ako nga pala si Mona Sarina. Villanueva ang ginagamit kong apelyido dito sa lupa. Anak ako ni Ivanang Inda at Lunyong Gazon. Pero patay na ang tatay ko. Ikaw?" Tanong niya.

"A-ako si Ariella." Sagot ko naman.

"Anong apelyido mo dito sa lupa?"

"Apelyido? Ano ba iyon?" naalala ko, minsan na rin itong itinanong sa akin ni Jossa ngunit hanggang ngayo'y hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin nito.

"Bago ka lang bang ahon dito sa lupa kaya hindi mo pa alam ang apelyido? Isa itong uri ng pangalan na ginagamit ng mga taong magkakadugo. Parang Yudo, noto, Mona, Hazim, Ivana at Lunyo, nana at tata sa mundo natin." Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya. Ngayon ko lamang narinig ang mga binanggit niya.

"Yudo? Noto? Ivana? ano-ano ang mga iyon?"

"Sirena ka ba talaga? bakit hindi mo alam? Ang yudo ay ginagamit ng mga sirenang babae na may edad na isa hanggang sampu. Ang Noto naman ay sa mga lalaki o sireno. Ang Mona at Hazim, ginagamit ng mga sirena at sireno na may edad 11 hanggang 30. Kung nasa templo ka, Monang Ariella ang itatawag sa iyo, tulad ko, ang tawag nila sa akin ay Monang Sarina. Ang Ivana at Lunyo naman ay ginagamit ng mga sirena at sireno na may edad na 31 hanggang 50. Kapag 50 ka na pataas, doon na ginagamit ang Nana at Tata."

"Pasensya ka na, wala talaga akong alam sa mga apelyido, mapa-sirena man o tao. Dito kasi ako sa lupa lumaki." Sagot ko.

"Kung sa lupa ka lumaki, dapat may apelyido ka nga ng tao. Magtataka ang mga tao kung wala kang apelyido. Nasaan ba ang iyong mga magulang? Hindi ba kayo gumagamit ng apelyido dito sa lupa?" tanong pa niya.

"Mula pagkabata'y hindi ko pa sila nakikita. Lumaki ako sa tiyahin ko na isang tao." Sagot ko.

"Siya ba ang iyong tiyahin?" Itinuro niya si Jossa. "Ikinagagalak ko hong makilala kayo. Bakit naman ho hindi mo siya binigyan ng apelyido?"

"Shuta mukha ba akong tita ha? Hindi niya ako tiyahin no!" Kontra naman ni Jossa.

"Ganun ba? Naku paumanhin ho ale. Kung gayo'y magkaano-ano kayo?"

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now