XLI: Pagtakas

56 5 0
                                    

(Ariella's POV)

"Jossa, tahan na. Baka may mangyari rin sa'yo." Pinapatahan ko si Jossa dahil kanina pa siya umiiyak nang kunin ng mga kawal si Franco.

"Shuta namang buhay 'to Ariella. Kung kailan naman nagka-lovelife na ako, kung kailan nakasama mo na ang pamilya mo, tsaka naman tayo nalagay sa ganito. Ilang pagsubok pa ba ang ibibigay ni Lord? Kailan ba niya tayo pagbibigyang sumaya?" Wika niya.

"Hindi ko alam, Jossa. Ang alam ko lang, dapat hindi tayo sumuko. Alam kong gagawa at gagawa ng paraan si Lord para makaalis tayo dito."

"Kailan? Kapag nanganak na ako? Tangina ayaw kong lumaki dito ang magiging anak ko."

"Jossa," lumapit sa amin si Inay at tumabi siya kay Jossa. "Huwag mong kukuwestiyonin ang Diyos, anak." Wika pa niya.

"Kahit hindi pa naibabalik ang buong alaala ko, kahit hindi ko na naaalala ang mukha ng mga magulang ko, nakabaon pa rin sa puso ko ang isang salita na alam kong sila ang nagsabi, magtiwala ka lang sa Diyos, hindi ka Niya susukuan. 'Yan ang pinanghahawakan kong salita kaya nagpapatuloy pa rin ako sa dami ng pinagdaanan ko. Sa kahit anong pagsubok, huwag na huwag kang susuko dahil kasabay mo ang Diyos." Wika ni inay. Si lola Leni at Lola Rodrigo siguro ang tinutukoy niya. Naikwento sa akin ni papa na sila ang kumupkop kay Inay noong umahon siya sa lupa. Bigla namang yumakap sa kanya si Jossa at humagulhol itong muli.

"Alam ko naman po na laging nasa tabi ko si papa Jesus. S-sadyang hindi ko lang ho maintindihan kung bakit kailangan ko pa itong pagdaanan. Bakit puro pangit ang nangyayari sa akin? Pangit na nga ang mukha ko, puro pangit pa ang nangyayari sa buhay ko. Kailan ba ako magiging maganda tita?" Hinahagod ni Inay ang likod ni Jossa habang nakayakap ito sa kanya.

"Jossa, pakiramdam mo lang yan dahil nakatuon ka lang sa mga negatibong nangyayari sa buhay mo. Hindi naman tayo binibigyan ng Diyos ng problema eh, ang ibinibigay Niya sa atin ay pagsubok. Ito ang magpapatatag at magbibigay ng aral sa atin. Kung napapangitan ka sa pisikal mong anyo, sa mata ng Diyos, maganda ka. Walang ginawang pangit ang Diyos, lahat tayo ay maganda. Pumapangit lang ang isang tao kung pangit ang ugali nito. Kahit namayapa na ang mga magulang mo, mahal ka pa rin nila. Hindi mo alam kung gaano sila katuwa nang ipanganak ka at masilayan ang mukhang 'yan. Kaya huwag mong ikakahiya ang mukhang 'yan dahil minamahal 'yan ng magulang mo. Para sa aming lahat, iyan ang mukhang hindi namin pinagsisisihan na makilala." Lalong naiyak si Jossa dahil sa mga sinabi ni Inay.

"Salamat po tita for your words of wisdom. Huhu." Wika pa niya.

"Huwag mo nang isipin ang mga negatinong nangyayari sa buhay mo. Isipin mo na lang marami pa ring nagmamahal sa'yo. Si Ariella, si Franco, si Vlad, mga magulang mo sa langit at dahil mahal ka ng anak namin, mahal ka na rin namin ng tito Paulo mo. Lahat kami'y mahal ka, Jossa."

"Huhu opo, salamat po. Nakakainis ka naman tita pinaalala mo pa sa akin sila mama at papa. Huhu. Pagbigyan niyo na po akong yakapin ka ha, matagal ko na ho kasing hindi nayayakap ang nanay ko. Gusto ko lang hong maramdaman muli ang yakap ng isang ina," wika pa ni Jossa na nakapagpaluha din sa akin.

"Eh yakap ng isang ama, gusto mo rin ba?" Lumapit din si papa sa kanila. Tumango si Jossa at ang makita silang nagyayakapan ay napakasaya sa pakiramdam. Syempre nakiyakap na rin ako.

Mabuti na lang nandyan si Papa at Inay. Kahit papano'y huminahon na si Jossa. Kanina pa siya balisa at nag-aalala kay Franco eh.

"Inay, papa, kayo na muna ho ang bahala kay Jossa ha." Wika ko. Napansin ko kasing kanina pa tahimik si Vlad. Nakayuko lang siya habang nakaupo sa sahig sa may sulok. Kanina pa siya hindi nagsasalita. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now