XXXIV: Luh?

136 11 2
                                    

(Ariella's POV)

"T-teka lang po.. F-filapia? Iyan ba ang pangalan ng nanay ko?"

"Oo anak, si Filapia ang nanay mo. Siya ang unang babaeng minahal ko."

"N-nasaan ho siya? Gustong-gusto ko na rin ho siyang makita at mayakap."

"Sa katunaya'y nandito rin siya." Nagulat ako sa kanyang sinabi. Nandito si inay? bihag din ba siya ni Lazarus?

"H-ho? Nasaan ho? Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Ang babae sa kabilang silid, siya si Filapia, siya ang nanay mo, anak." Nanlaki ang mata ko. Y-yung babae sa panaginip ko, siya si inay? Siya ang sirenang bihag ni Lazarus? Bigla na lamang tumulo ang mga luha ko.

"K-kung ganun kailangan ho natin siyang iligtas! pinapahirapan siya ni Lazarus."

"Oo anak, wag kang mag-alala, ililigtas ko kayong dalawa ng nanay mo. Gagawin ko ang lahat para sa inyo." Niyakap niya akong muli at gumanti naman ako ng sobrang higpit.

Lagi kong hinihiling na sana mabuo na ang pamilya ko. Ngunit hindi ko akalaing sa ganitong sitwasyon iyon mangyayari.

"Anak, lalabas na ako. Maghahanap ako ng paraan para maitakas kayo dito. Huwag na huwag mong bubuksan at tatangkaing lumabas ng silid na ito ha?" wika ni papa.

"Pero nag-aalala ho ako sa inyo. Bilang isang bagong bampira, mahina pa ho kayo. Kailangan n'yo hong uminom ng dugo. K-kagatin niyo ho ako."

"Ano? Hindi anak. Kahit anong mangyari hinding-hindi ko 'yun gagawin. Ayaw kong masaktan ka. Huwag mo na akong alalahanin, sa higit isang buwan kong paninilbihan dito, napag-aralan ko na ang kilos ng mga bampira. Kaya magtiwala ka lang sa akin, ililigtas ko kayo ng nanay mo."

"M-mag-iingat ho kayo. Ipangako niyo ho sa akin na hinding-hindi kayo magiging abo tulad ni tita Noreen ha?"

"Pangako 'yan anak. Mahal na mahal kita." Napakasarap sa pakiramdam ng ganito. Nayayakap ko na ang tatay ko.

Tuluyan na ngang lumabas si papa. Kumakabog ang dibdib ko sa pag-aalala sa kanya. Huminga ako ng malalim. Kailangan kong ikalma ang sarili ko. Pumikit ako at naalala ang sinabi sa akin ni Franco noon.

Laging may Diyos na handang tumulong sa atin sa kahit anumang pagsubok. Kailangan mo lang makipag-usap sa kanya ng taimtim.

Kahit sugat-sugat ang katawan ko, pinilit kong lumuhod upang magdasal sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinagdikit ko ang aking mga palad. Huminga ako ng malalim at sinimulan ko ng makipag-usap sa itaas.

Panginoon, sa dami ho ng pinagdaanan ko, lagi niyo pa rin ho akong inililigtas. Sobra-sobra po akong nagpapasalamat doon. Ngunit kailangan ko po muli ng iyong tulong. Nakikiusap po ako sa inyo, iligtas niyo po si papa sa gagawin niya. Gabayan at ituro mo po sa kanya kung paano kami makakaalis dito. Protektahan niyo rin ho sana si inay sa kamay ni Lazarus. Gusto ko pa hong makumpleto ang pamilya ko. Nakikiusap ho ako, kailangan namin ng mahiwaga mong kamay para sa aming proteksyon. Ipinagdarasal ko rin po sa inyo ang kaligtasan ng mga kaibigan ko. Iligtas niyo ho sila sa anumang kapahamakan. Lalong-lalo na po si Jossa, nagdadalang-tao po siya at di ko kakayanin kung parehas silang mawawala ng magiging pamangkin ko. Humihingi po ako ng awa niyo panginoon, protektahan niyo po kaming lahat.

***********

(Jossa's POV)

Namangha ako nang makarating na kami sa templong sinasabi ni Sarina. Isa itong malaking gusali sa gitna ng kagubatan. Tumigil kami sa harap ng napakalaki at engrandeng gate. Sumilip naman sa loob ng sasakyan namin ang gwardyang pogi, tiningnan niya kung sinu-sino kaming nasa loob.

 Blood and WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon