XIII: Manliligaw

302 16 0
                                    

(Ariella's POV)

Kinabukasan nagising na lang ako sa lakas ng tili ni Jossa. Agad akong napabangon at tumakbo palabas ng kwarto. Nakita ko siya sa may pinto at may hawak-hawak na bulaklak. Bulaklak! Tila nagningning ang mga mata ko nang makita ko iyon. Ibinili ba niya ako ng bulaklak para sa almusal?

"Jossa anong tinitili mo jan? Para sa akin ba yan? Pahingi!" Lumapit ako sa kanya at akmang kukubit sa bulaklak ngunit bigla niya itong inilayo.

"Ano ka 'ba?! Bat mo sisirain?! Sa akin lang 'to no!"

"Ang damot naman. Titikim lang naman eh."

"Che! Hindi ito para sa'yo. Para sa akin 'to." Bigla siyang nangisay na tila isang bulateng inasinan.

"Ihhh Guess what Siz! waaah kinikilig ako! Tingnan mo bilis, basahin mo yang nakasulat sa card para malaman mo kung gaano ako kaganda ngayong umaga! Waaah ngayon lang ako nakatanggap ng bouquet of flowers." Inamoy-amoy niya ang mga bulaklak sabay abot sa akin ng maliit na papel.

"Paano ko ito mababasa eh hindi naman ako marunong." Wika ko.

"Akin na nga! Eto ha, pakinggan mo ng maigi ang babasahin ko. Ihhh kinikilig talaga ako. Ehem. Dear Jossa, oh narinig mo di'ba? pangalan ko 'yun di'ba? Waaaaaaah! Okay basahin ko na. Dear Jossa, you are the most beautiful girl I've ever seen in my life. Your beauty shines like a sun, twinkling like a star and bright as a diamond. You're the most expensive and beautiful gem I've ever seen. You made me fall inlove with your beauty. I am giving you this flower as a gift because you made my day. You don't know me but I'll introduce myself once I already have the courage. Hehe. Have a beautiful day as beautiful as you are! From: stranger F.G." Ano daw? English naman yun eh. Kahit binasa niya hindi ko pa rin naintindihan.

"Nakakakilig diba?! Anong sinabi ng makinis mong kutis sa mga pimples ko? Char hahaha. Sa wakas may nagkagusto na rin sa akin. Alam mo ba matagal ko na talaga itong hinihiling? And thanks God dahil sa wakas natupad na!" Wika pa niya. Ang naintindihan ko lang, may nagkakagusto na raw sa kanya.

"Masaya ako para sayo Jossa. Sana magtuloy-tuloy na ang pagkakaroon mo ng pag-ibig. Ano bang pangalan niya?"

"Shuta ka naman. Hindi mo ba narinig? Sabi niya hindi pa niya kayang magpakilala kasi nahihiya siya."

"Eh hindi ko naman naintindihan kasi english."

"Ay sorry nakalimutan ko. Kinikilig kasi talaga ako. Waaah excited na ako! Magkaroon na ako ng asawa, magkakaroon na ako ng sariling pamilya. Magkakaroon na ako ng sex life! Sa wakas hindi na ako magiging virgin!"

"Hindi ka na magiging virgin? Bakit? Ibig sabihin hindi ka na kukunin ng mga bampira? Kailangan siguro magkaroon na rin ako ng pag-ibig para hindi na ako hanapin ng mga bampira. Para hindi na ako virgin."

"Hoy bunganga mo! Hindi ko kasi alam kung paano ko e-eexplain sa'yo eh. Basta kapag may sex life ka na, hindi ka na virgin."

"Sex life? Ano 'yun?"

"Shhh! Ay ewan! Tumigil ka na nga. Tsaka mo na alamin. Bad 'yun."

Lagi niya sa akin sinasabi na dapat marami akong matutunan para hindi ako masabihan ng bobo ng mga tao. Pero kapag may tinatanong ako, huwag ko na raw alamin. Hindi ko talaga maintindihan minsan si Jossa.

Pero ramdam ko ang tuwang nararamdaman niya ngayon. Masaya ako para sa sizzy ko. Masaya ako na makita siyang masaya. Ako kaya kailan may magkakagusto sa akin? Naisip ko tuloy si prinsipe. Siya, siya ang gusto ko.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now