XLVIII: Paalam

42 6 0
                                    

(Ariella's POV)

"Sapat na 'ba ito?" Ibinigay ko kay Jossa ang isang garapon ng crystal na matagal kong pinag-ipunan. May paggagamitan daw sila eh.

"Thank you, kapatid ko." Tila naluluha siya habang sinasabi iyon.

"May problema 'ba, kapatid ko?" Tanong ko.

"W-wala naman." Malumanay naman niyang sagot.

"Bakit parang naiiyak ka?"

"Hindi no! Ano.. n-napuwing kasi ako." Wika niya at kinusot-kusot pa ang kanyang mata.

"Ahh okay. Saan mo ba gagamitin ang madaming crystal na ito, Jossa?"

"U-uhmm." Hindi agad siya nakaimik.

"Ano kasi.. magpapatayo na tayo ng sarili nating bahay. 'Yung sariling atin para hindi na tayo nangungupahan pa dito." Tila nasiyahan ako sa kanyang sinabi.

"Talaga?! Lilipat na tayo? Saan?" Masyado na kasing masikip para sa amin ang apartment kaya panahon na nga sigurong lumipat na kami sa mas malaki.

"Malapit lang din dito. Ituturo ko sa'yo kapag napadaan tayo." Sagot naman niya.

"Yehey! Dapat tig-iisa tayong kwarto ah. May kwarto para sa inyo ni Franco and baby Gretta, tapos meron din para sa amin ni Vlad. Ang saya naman 'nun!"

"Hehehe o-oo naman may tig-iisa talaga tayong kwarto dun. Hehe."

"Pero mas masaya sana kung lilipat tayo na nakabalik na ang alaala ni Vlad." Napayuko ako nang maisip ko iyon.

"Oo nga eh. Wag kang mag-alala, kapag malakas na ako, pupunta agad tayo sa templo." Wika naman niya. Dahil kakapanganak pa lamang niya, napagdesisyunan naming magpapagaling muna siya bago kami pumunta sa templo.

Magdadalawang linggo na kaming ganito. At sa bawat araw na hindi ako naaalala ni Vlad, araw-araw din akong nasasaktan. Kung kaya ko lang mag-isa, gagawin ko eh. Pero hindi pwede. Kailangan ko ang tulong nina Jossa.

Sa loob ng dalawang linggo, tila naging utusan namin si Sarina. Sunud-sunuran siya kay Jossa. Siguro deserve niya rin 'yon sa laki ng kasalanan niya sa amin. Nang dahil sa kanya hindi na ako naaalala ng mahal ko. Namimiss ko na tuloy manood ng bituin kasama siya. Namimiss ko nang makipag-unahan sa kanya na makahanap ng mga bulalakaw. Namimiss ko nang kainin ang bibig niya. Basta buong katawan at pagkatao ni Vlad, namimiss ko. Sana bumilis na ang pagpapagaling ni Jossa. Napapagod na akong maghintay kung kailan niya ako maaalalang muli. Hanggang Kailan 'ba ako magtitiis sa selos? Palagi kasi siyang nakabantay-tingin kay Sarina.

"Ariella," wika ni Jossa na animo'y may bigat sa kanyang mga mata. Ilang araw ko nang napapansin na tila may bumabagabag sa kanyang utak.

"Bakit?" Tanong ko.

"Gusto ko lang sabihin na.. mahal na mahal kita." Huh? Anong meron? Bakit niya ito sinasabi?

"Ah ehh, mahal na mahal din naman kita Jossa. Kapatid kita eh." Sagot ko. Bigla niya akong niyakap at doon ko napansin na umiiyak siya.

"Sorry.." wika pa niya.

"Huy umiiyak ka ba? Hala oo nga, umiiyak ka nga. May nangyari 'ba? Bakit ka nagsosorry?"

"Walang nangyari. G-gusto ko lang mag-sorry. Feeling ko andami ko nang kasalanan sayo."

"Ha? Wala naman akong maalala na kasalanan mo sa akin ah? Ang bait-bait mo kaya. Tinuring mo akong kapatid kahit hindi naman tayo magkaano-ano. Tapos pinatuloy mo pa ako dito sa munting tahanan mo. Kaya wala kang dapat ika-sorry, Jossa. Ako ang maraming dapat na ika-pasalamat sa iyo."

 Blood and WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon