IV: Perlas

396 16 0
                                    

(Ariella's POV)

Isang malakas na sigaw ang pumutol sa aking mahimbing na pagtulog. Sinisigawan na naman ni tita Noreen si ate Jollina. Ano na naman 'ba ang nangyari?

"Hindi ba't sinabi kong wag na wag mong papapasukin sa kwarto ni Ariella si Catherine?!" Naririnig ko mula sa aking silid habang ginagalitan ni tita Noreen si Ate Jollina. Palagay ko'y nasa labas sila ng pinto ng aking silid.

"Pero n-naiwan niyo ho kasi yung susi sa pinto, hindi ko naman ho alam na papasok dito si Cath—"

"So kasalanan ko pa? Eh ano kung naiwan ko ang susi sa pinto? As far as I know, it's your job to check around the house di'ba? Bakit hindi mo cheneck kung may susi 'dun?! At tsaka trabaho mo ring bantayan si Catherine, paano siya nakarating dito?! Anong ginagawa mo nang mga oras na 'yun? Bakit hindi mo binabantayan ang anak ko?!"

"I-inutusan niyo ho akong kunin 'yung laptop mo sa third floor di'ba po? i-iniwan ko naman po si Catherine kasama mo sa sala.."

"Talagang pinipilit mong i-blame sa akin ito ano?!"

"Eh totoo naman p-po eh. Nagsasabi lang naman po ako ng totoo—"

"SHUT YOUR FCKING MOUTH! I DON'T WANT TO HEAR YOUR STUPID EXCUSES! THIS IS ALL AND ONLY YOUR FAULT! STOP PUTTING THE BLAME ON ME! Para saan pa ang pagpapakain ko sa'yo kung di mo lang rin naman ginagawa ang trabaho mo?! Sumasakit ang ulo ko dahil d'yan sa kabobohan mo Jollina!"

"Sorry po."

"Lamunin mo 'yang sorry mo! Ilang beses ko 'bang inulit sa'yo na hindi pwedeng makalapit sa kwartong ito ang anak ko? Palagi ko 'yang pinapaalala sa'yo di'ba?! Ngayong nakita na ni Catherine ang sirenang 'yun, may magagawa pa 'ba 'yang sorry mo?! You just made my daughter more curious! So stop apologizing! Mas naalala ko lang kung gaano ka katanga!"

"Pero nakausap ko po si Ariella, h-hindi naman daw ho nakita ni Catherine yung buntot niya kasi agad niya itong natakpan ng kumot."

"Kahit na! The fact na nakita ni Catherine ang halimaw na 'yun, she will never stop finding answers to her curiosity! She'll do everything to enter this room again."

"Hayaan niyo po, dodoblehin o mas titriplehin ko na po ang pagbabantay sa kwartong ito."

"TANGA! Dapat ginawa mo na yan una pa lang para hindi nangyari ito, di'ba?! Istupida!"

"Pasensya na po ulit."

"I said stop apologizing! Hindi ka ba talaga maka-intindi?!"

"S-sorry po, ay este I'm not sorry po."

"Punyeta ka talaga!"

Bakit pinapagalitan ni tita Noreen si ate Jollina eh kasalanan naman niya? Siya itong nakaiwan ng susi kaya sarili niya dapat ang sisihin niya. Hindi siya dapat naninigaw ng taong wala namang kasalanan. Napakasama talaga ng budhi ni tita Noreen.

Maya-maya pa'y bumukas na ang pinto at iniluwa nito si tita Noreen na may dalang matatalim na tingin sa akin.

"Hoy anong ginawa mo sa anak ko? Nahawakan mo ba?!" Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko.

"H-hindi ho tita Noreen!"

"Sinabi ng anak ko na binigyan ka niya ng bulaklak, sabihin mo nahawakan mo ba siya?!"

"Hindi nga ho! Wala akong ginagawang masama tita. Hindi ko ho siya hinawakan o sinaktan. Bigla na lang siyang pumasok dito na may dalang bulaklak para ibigay sa akin. Dahil alam kong ayaw mong makita niya ang buntot ko, agad ko naman itong tinakpan ng kumot. Wala siyang ibang nakita maliban sa mukha ko, tita. Hindi naman siya nakalapit sa akin dahil agad na dumating si Ate Jollina." Paliwanag ko naman.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now