XXVIII: Confession

183 10 1
                                    

(Ariella's POV)

Ang kanyang balat na dating maputla'y bumalik sa dati nitong kulay.

Ang kanyang mga sugat sa katawan ay unti-unting nagsilaho.

Epektibo sa kanya ang perlas, gumaling siya't lumakas! Ngayo'y makakalaban na siya ng maayos, maipagtatanggol na niya kami.

"B-bakit ganito ang pakiramdam ko? Para akong bumalik sa dati.." wika ni Vlad habang tinitingnan ang kulay ng kanyang mga braso.

"Bumalik ka talaga sa dati Vlad, tingnan mo, nawala ang mga sugat mo. Malakas ka na ulit at sigurado akong makakaya mo nang paslangin si Lazarus."

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin.." napakunot ako ng noo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Parang bumalik ako sa pagiging tao." Lahat kami'y nagulat.

"P-paano mo nasabi?"

"Sandali susubukan kong palabasin ang pangil ko." ginawa niya nga ito ngunit walang lumabas na pangil sa mga ngipin niya.

"T-tao na ako Ariella. Tumalab sa akin ang perlas mo." Lumapit siya sa may bintana kung saan may araw na tumatagos sa pagitan ng kurtina at Unti-unti niyang inilapit ang kanyang kamay sa sinag nito.

"Hindi nasunog ang balat ko! Tao na nga ako, ibig sabihin hindi na nila maaamoy ang dugo kong bampira."

*Blag*

Lahat kami'y napalingon kay Franco na bigla na lamang humandusay sa sahig. Marahil ay hindi niya kinaya ang mga nasaksihan at nalaman.

"Franco!" agad namang lumapit sa nahimatay na lalaki si Jossa at Sarina, labis ang kanilang pag-aalala.

"Franco gising! okay ka lang ba?" inanday ni Sarina ang ulo ni Franco sa kanyang hita.

"Akin na siya, kumuha ka ng tubig bilis!" utos naman ni Jossa kay Sarina at inagaw ang ulo ni Franco, ini-anday din niya ito sa kanyang hita.

"Nursing student ako, alam ko ang gagawin. Hindi mo siya pwedeng painumin ng tubig habang wala siyang malay. Kaya wag mo akong utusan." wika pa ni Sarina at muling inagaw ang ulo ni Franco.

"Edi wow." tanging nasambit ni Jossa.

---------------------------------------------------

Upang maayos na mabigyan ng lunas, dinala ni Vlad si Franco sa kwarto at doon siya nilapatan ng paunang lunas ni Sarina. Pumasok din doon si Jossa na labis ang pag-aalala. Naiwan ako sa sala habang nakaupo sa sahig kaya dumausdos ako patungo sa sofa upang umupo roon.

Habang hininhintay ang kanilang paglabas sa kwarto, tinitigan ko na lamang ang buntot ko. Dahil sa buntot na ito, nagkandaleche-leche ang buhay ko. Bigla kong napagtanto kung gaano karami ang dinanas ko dahil sa buntot na ito. Sana pinanganak na lang akong tao. Kinamumuhian ko ang buntot na ito, ito ang malas sa buhay ko.

"Ariella ayos ka lang?" biglang lumabas ng kwarto si Vlad at napansin niya sigurong tinitingnan ko ng masama ang buntot ko.

"Ah, Oo ayos lang ako." Umupo siya sa tabi ko't huminga ng malalim.

"Nakita kita, tinitingnan mo ng masama ang buntot mo, naiinis ka ba sa kanya?" Inginuso niya ang kulay abo kong buntot. Napahinga rin ako ng malalim.

"Minsan naiisip ko lang, bakit pa ako naging sirena? Bakit hindi na lang ako naging tao? Bakit kailangan maghirap ang buhay ko dahil dito?"

"Yan din ang iniisip ko nang malaman kong bampira ang tatay ko. Tinatanong ko ang Diyos kung bakit siya pa ang naging tatay ko? Bakit kailangan ko ring maging bampira?" tinitigan niya ako sa mga mata.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now