XV: Honey Bunch

245 13 2
                                    

(Ariella's POV)

"Sino ka?!"

"H-hi?" Tila gulat na gulat siya at hindi alam ang gagawin.

"A-ahm.. Flowers and teddy bear para sayo? Hehe." Sabi pa niya at iniabot sa akin ang hawak-hawak niya.

"Tulungan mo ako! May sakit yung kapatid ko kailangan natin siyang dalahin sa ospital!" Sigaw ko at hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa't hinila na siya papunta kay Jossa.

"Oh my, she's having a seizure!" Sigaw niya nang makita si Jossa.

"Ano pang ini-english english mo jan?! Dalahin na natin siya sa ospital!" Sigaw ko naman. Bakit wala siyang ginagawa? Mamamatay na ang kapatid ko!

"No! We can't do that. We must not move or hold her down while having a seizure. Clear the area! Call an ambulance." Inalis niya ang kumot ni Jossa pati na rin ang mga unan sa paligid.

"She needs fresh air." Binuksan niya rin ang bintana sa kwarto.

"We should remove all metal or sharp objects on her body. It might give her wounds and scratches." Tinanggal din niya ang kwintas, relo at hikaw ni Jossa.

Hinubad niya ang jacket niya at tiniklop ito't inilagay sa ilalim ng ulo ni Jossa. "The pillow is too high." Wika pa niya. Mukhang alam niya ang gagawin. Nakahinga ako ng maluwag.

"What time did the seizure started?" M-may tinatanong ba siya? Hindi ko maintindihan.

"A-ano? Siguro oo." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sa taranta ko napa-oo na lang ako.

"Anong oras nagsimula ang panginginig niya?" Tanong pa niya.

"A-ahm siguro mga isa o dalawang minuto na ang nakakaraan. Hindi ko na ito napansin kasi sobrang natataranta na ako."

"Okay let's say 2 minutes ago. Ayan medyo humihina na ang pangingisay niya." Tiningnan niya ang relo niya. Binabantayan lang niya kung kailan titigil sa pangingisay si Jossa. Mabuti na lang dumating siya at alam ang gagawin. Lahat pala ng ginawa ko kanina, mali. Ang tanga-tanga ko talaga.

"The seizure stopped at exactly 4:36 am. She had seizures for 3 minutes. Did you call the ambulance?" Parang may tinatanong na naman siya.

"A-ahm.. siguro hindi?" Bakit ba lagi akong nag-iimbento ng isasagot? >.< Naalala ko kasi ang sinabi ni Jossa, dapat may sagot daw ako sa lahat ng itatanong ng isang tao para hindi ako magmukhang bobo.

"S-sige ako na lang ang tatawag." Wika niya at kinuha ang cellphone sa bulsa niya at may tinawagan.

"Hello 911, we have an emergency here at Brgy. Tuwad, Jupiter Street. It's an apartment in front of a Sari-sari store. The one with the red gate. We need an ambulance asap. Please hurry. Yes. Yes please. Thank you." Wika niya. Ang galing niyang magsalita ng english. Matapos niyon ay hinawakan niya sa noo si Jossa.

"She has a fever. Ahm.. pwedeng pahingi ng bimpo at maligamgam na tubig?"

"S-sige sandali!" Dali-dali akong pumunta sa kusina. Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng mainit na tubig at tsaka dinagdagan ng malamig upang maging maligamgam ito. Ano bang gagawin niya dito?

Kumuha rin ako ng bimpo at agad na ibinigay ito sa kanya.

"Ah hehe. wala ba kayong maliit na palanggana? Sa baso talaga? Pero sige okay na yan. Medyo natataranta ka na eh." Nginitian niya ako. Kinuha niya ang bimpo at isinawsaw niya ito sa baso at piniga. Akala ko iinumin niya kaya sa baso ko nilagay.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now