LII: Tagapagligtas

50 3 5
                                    

(Ariella's POV)

Nagising akong may nararamdamang kiliti sa aking leeg. Nanghihina ang katawan ko kaya hindi agad ako nakagalaw. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung anong bagay itong kumikiliti sa leeg ko.

Hanggang sa tuluyan na akong makabalik sa huwisyo. Isang lalaki ang nakapatong sa akin habang humahalik sa leeg at iba't ibang parte ng aking katawan. Wala siyang pantaas na kasuotan. Sa gulat ko ay agad ko siyang itinulak.

"Anong ginagawa mo?! Sino ka?!" Sigaw ko. Ngumiti lamang siya.

"Alam mo, kung ako sa'yo, huwag ka nang manlaban. I get turned on when a girl keeps on refusing.. trust me, just enjoy the moment. I'll make sure masasarapan ka naman." Wika pa niya.

Nakita ko ang sarili ko na halos walang saplot. Tanging bra at salawal ang tumatakip sa aking pagkababae. Bigla niya akong sinunggaban at siniil muli ng halik. Hinang-hina pa ako kaya hindi agad ako nakalaban. Wala akong laban sa lakas niya.

"Ano 'ba?!! Bitawan mo ako! Tulooooong!" Umiiyak kong hiyaw.

"Sige, magpumiglas ka, para malibugan ako lalo!" Hawak niya ang dalawa kong braso habang nakapatong siya sa akin.

"Vlaaaaaaaaad! Tulong!" Wala na akong ibang maisip na hingan ng tulong kung hindi si Vlad.

"Sino si Vlad huh? Boyfriend mo? Tingin mo maiiligtas ka niya? wag ka nang umasa dahil sa akin ka na ngayon! HAHAHAHA!"

Nagpumiglas ako ngunit sadyang mas malakas siya sa akin. Iyak ako nang iyak habang pilit na isinisigaw ang pangalan ni Vlad. Sabi niya, poprotektahan niya ako? Nasaan na siya ngayon?

"Stay away from my girl or else I'm gonna shoot your brainless head." Bigla siyang napatigil nang may biglang magsalita. Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakapatong sa akin at itinaas ang kanyang dalawang kamay.

Akala ko si Vlad ang nagligtas sa akin pero...

D-Dexter?

May hawak siyang baril at nakatutok ito sa lalaki.

"W-wag po.." takot na takot namang wika ng lalaki habang nakataas ang dalawa niyang kamay. Biglang siyang hinampas ni Dexter ng baril sa ulo at nahimatay ito. Pagkatapos ay itinali niya ito upang hindi makatakas.

"Magbihis ka." Wika niya sa akin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kaya napayakap na lang ako sa kanya. Akala ko mamamatay na ako. Gusto ko lang siyang pasalamatan.

"U-uhm.. sige na. Magbihis ka na." Hindi siya makatingin sa akin dahil naka bra't panty lang ako. Kinuha niya ang bestida ko at iniabot ito sa akin. Matapos kong magbihis ay hinawakan niya ako sa kamay at lumabas na kami sa kwarto.

"T-teka lang. Si Empie, kailangan nating hanapin si Empie." Wika ko.

"Wag kang mag-alala, una ko siyang nailigtas. Nandun na siya sa sasakyan ko." Napahinga ako doon nang maluwag.

May dumating na mga pulis at marami silang dinakip sa gusaling iyon. Hindi lang pala ako ang kamuntikan nang mabiktima, marami pang babae na halos mga bata pa ang nailigtas rin ni Dexter. Siya ang nagsumbong sa autoridad.

"Hayup ka!" Agad kong sinampal ang lalaking nagdala sa akin sa gusaling ito nang ilabas siya ng mga pulis. Siya ang dahilan kung bakit kamuntikan na akong babuyin.

"Ito ba ang trabahong ibibigay mo sa akin?! Ang ipababoy ako?! Napakasama mo!" Hiyaw ko pa. Hinawakan ako ni Dexter upang pigilan akong saktan ang lalaki.

"Tangina mo!!" Hiyaw naman niya sa akin nang ipasok na siya sa loob ng kotse ng mga pulis.

"Tangina mo rin!!" Ganti ko naman. Sabi ni Jossa, masamang salita 'yun pero nanggigigil ako sa kanya eh.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now