III: Jossa

489 16 0
                                    

"Sana all"

"Naol"

"Hope all"

"China oil"

Siguro lahat ng klase ng "sana all" nasabi ko na sa bawat estrangherong nakikita ko araw-araw. Kapag nakakita lang kasi ako ng mag-jowang magkaholding hands, automatikong binibigkas ng bibig ko "sana all." Kahit butiking nag iiyutan, napapasana all talaga ako.

BAKIT KASI SILA MAY JOWA AKO WALA?

Shuta bakit ba kasi walang nanliligaw sa akin?!

Bakit hindi ako nagkakajowa?

Teka bakit pa ako nagtatanong eh obvious naman ang sagot. Dahil sa mukha kong parang ice cream, "Rocky road flavor."

Kaya may ikina-sasana all pa ako eh,

"Sana all Maganda."

"Sana all makinis."

"Sana all artistahin."

23 years old na ako. Graduate na ng college (last year pa) pero hanggang ngayon wala pa ring nahahanap na trabaho. Alam niyo naman siguro yung rason. Dahil dito sa pisikal kong anyo. Kahit anong ganda ng bihis ko, ng ayos ko, una na talaga nilang tinitingnan itong mukha ko.

Bukod kasi sa pimples, eh pinalala pa ng chicken pox ang mukha't balat ko. Nagkanda-peklat peklat sila. Shutang ina. Sa dami ng pwedeng dapuan yung pangit pa talaga? Bulok na nga, pabubulukin pa lalo?

Ang unfair ng world.

Maraming tumanggi sa akin na trabaho dahil sa itsurang ito. Kesyo tatawag na lang daw sila, hintayin ko na lang daw yung email at marami pang rason. Mga hayup sila. Bakit hindi na lang nila ako diretsuhin?

"I'm sorry you didn't pass the interview because of your face."

"I'm sorry but base on your physical appearance, we cannot hire you."

"I'm sorry you're too ugly to be a candidate for the position."

Mga ganyan na lang sana ang sinasabi nila hindi yung paaasahin pa ako, pag-iintayin pa ako sa wala!

Hindi naman ako maooffend kung sasabihin nilang pangit ako dahil totoo naman talaga. Naaawa na nga ako sa sarili ko eh. Alam mo yung feeling ng maghapon kang pipila para sa interview, tapos mauuhaw ka, magugutom, pagpapawisan, pero sa huli paaasahin ka lang. Unqualified ka. Umuuwi na lang ako na pagod at luhaan.

Sobrang unfair talaga ng world.

Wala na ngang lovelife, wala pang pamilya, wala pang career, WALA PANG ITSURA. Ano na bang mangyayari sa buhay ko? May furure pa ba ako? Shet nakakaiyak naman.

Eto pa ang ikina-sasana all ko, "Sana all may kumpletong pamilya."

I'm an only child. I'm very very close to my parents, especially my dad. He would always say that the longest journey starts with a single step. When you have a dream or an ambition and it's so far away and so high up, you can feel overwhelmed. But when you look at it as just one step at a time, one day, you'll gonna look up from your feet and you'll be at your destination. That's a piece of advice from my dad that I feel I'm gonna imply my whole life. Catriona Magnayon Gray, Philippines!

Pero kidding aside, last year, bago ako grumaduate, namatay ang parents ko. Or should I say pinatay sila? Siguro hindi kayo maniniwala pero ang bulung-bulungan sa bayan namin, pinatay daw sila ng aswang. Natagpuan kasi silang nakahandusay sa bukid at may marka ng kagat sa kanilang leeg. Sabi sa autopsy, nawalan daw sila ng dugo na naging sanhi ng kanilang pagkamatay at yung dugo lumabas daw doon sa sugat nila sa leeg. Pero ang ipinagtataka ko at ng mga tsismosa kong kapitbahay, walang anumang bakas ng dugo kung saan sila nakahandusay. Posible daw na sinipsip ito ng aswang.

Ewan ko nga kung bakit aswang ang pinaghihinalaan nila eh bampira lang naman ang sumisipsip ng dugo sa leeg. Noon pa man may kumakalat nang balita na may aswang daw sa bayan namin. Pang pitong biktima na kasi ang mga magulang ko na namatay sa parehas na sitwasyon. May mga sugat din daw sila sa leeg.

Kaya kung totoo man ang mga aswang or bampira na 'yun, mga hayup sila! Sana nalulusaw na sila sa impyerno ngayon. Kung makakasalamuha man ako ng isa sa kanila at pagbigyan ako ng pagkakataong makaganti, ipaparanas ko sa halimaw na 'yun ang higit pa sa ipinaranas nila sa mga magulang ko. They deserve to die in pieces!

Dahil sa kanila grumaduate ako na walang magulang na kasama. Nag-marcha at umakyat ako sa stage na walang magulang na nanonood sa akin. Buong graduation ceremony umiiyak lang ako. Wala naman akong maisamang kamag-anak dahil takas lang sa bahay ampunan si mama at papa noon. So basically, wala talaga kaming kamag-anak. I only have them pero nawala pa sila.

Bakit sila kinuha sa akin kung kailan malapit ko nang matupad ang pangarap nila? Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang kinahinatanan nila. Nakakalungkot mag-isa. Mabibingi ka sa sobrang katahimikan. Maluluha ka na lang at mag-iisip kung bakit naging ganito ang buhay ko. Buhay ko na parang aegis. Heto ako ngayon, nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim. Lagi na lang akong nadarapa ngunit heto, sa awa ng Diyos, bumabangon pa rin.

Gusto ko na lang magpakamatay para makasama sila mama at papa pero alam kong hindi sila matutuwa kapag ginawa ko 'yun. At tsaka ang sakit kaya maglaslas, takot ako sa sugat at dugo. Mas masakit naman yung magbibigti ka, mas ayaw ko 'nun dahil baka hindi ako makahinga. Kung tatalon naman ako sa building, Juskoday! pangit na nga ako, mamamatay pa ba akong basag ang mukha't gutay-gutay? Basta kapag naiisip kong magpakamatay, hindi ko talaga kaya.

Tsaka lagi kong naaalala ang sinabi ni mama, hiram lang daw natin sa Diyos ang ating katawan kaya dapat natin itong ingatan, pangalagaan at irespeto. Nasa bible 'yon. Minsan nagtatampo din ako kay Lord kasi magpapahiram na nga lang ng mukha, yung over-damaged pa binigay sa akin. Wala bang stock ng maputi at makinis? Kahit makinis na lang sana.

Pero naisip ko, imbes na magpakamatay ako dahil sa pag-iisa, bakit hindi na lang ako maghanap ng makakasama di'ba? Yung pang habang-buhay na. Yung pwede kong makasiping. Hihi.

Oo, gusto ko nang mag-asawa.

Siguro naman makakahanap pa ako ng lalaking magmamahal sa akin ng totoo ano?

Yung tanggap at ipagmamalaki ako kahit pinaglihi ako sa polka dots.

Yung mamahalin ako bilang ako.

Yung mayaman, pogi, yung oppa! Yung may abs tapos matangkad tapos kissable lips. Tapos daks. Char.

Mga katulad ko ngang pangit, inaayawan ako. Mga oppa pa kaya? Punyeta.

Ako nga pala si Jossa Lisa D. Pinagpala, ang babaeng taga-sana all na lang siguro habang-buhay.

At ito ang aking kwento.

A/N: Please do vote! :)

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now