L: Empie

38 2 0
                                    

(Vlad's POV)

Nagulat ako sa ginawa ni Inda kay Aling Filapia. Sinaksak niya ito sa leeg nang walang pag aalinlangan sa harap namin. Labis na nagulat si Ariella at ramdam kong binabalot na siya ng hinagpis. Napahagulhol na lamang siya at di malaman ang gagawin. Dala na rin siguro ng galit sa ginawa ni Inda, agad niya ring pinagsasaksak si Sarina. Isa, dalawa, tatlo, apat.. maraming saksak ang ibinaon niya sa katawan ng kawawang dalaga. Ramdam kong nagsama-sama na ang kanyang galit, lungkot, hinagpis at pagkakamit ng hustisya kaya niya nagawa iyon.

Pipigilan ko sana siya dahil alam kong pagsisisihan niya ito sa huli ngunit sinugod na siya ng mga kawal. Mas pinili kong protektahan siya dahil alam kong sasaktan nila ang Ariella ko. Sinisigurado kong patay ang sinumang magtangkang lumapit sa kanya.

Ngunit habang ginagamit ko ang aking lakas, may kakaiba akong nararamdaman. Para akong nauubos. Naramdaman ko na ito noong una ko palang na pagtapak dito sa templo pero ipinagsawalang bahala ko lamang ito. Para akong nagiging halimaw at kamuntikan ko na nga noong makagat si Ariella. Pakiramdam ko unti-unti akong nanghihina. Labis akong nauuhaw sa dugo. Ano bang meron sa templong ito? Para akong nauupos na kandila kapag nakakatungtong ako dito.

Dahil sa unti-unting nababawasan ang lakas ko, hindi ko na magawang malabanan pa ang lahat ng kawal na sumusugod sa kanya. Naramdaman ko na lang ang isang malakas na hampas sa aking likod na agad namang nagpabagsak sa akin sa lupa. Unti-unting dumidilim ang paningin ko. Pipikit na sana ako ngunit nakita ko si Ariella na sinusugod na ng mga kawal. Hindi nila pwedeng saktan ang Ariella ko. Nangako akong poprotektahan ko siya.. Nangako akong hindi ko siya iiwan.. kailangan kong lumaban.

Nakadapa ako at habang nakalapat ang aking pisngi sa lupa, dumadaloy ang dugo ni Sarina patungo sa aking bibig. Pakiramdam ko kailangan ko lang ng dugo ng Sirena upang lumakas akong muli kaya agad ko itong hinigop.

Matapos ko itong higupin, ang huling naaalala ko ay nakaramdam ako ng malakas na kureyente na dumaloy sa aking katawan. Tumirik ang aking mga mata at sumigaw ako ng napakalakas.

Hanggang sa balutin na ng dilim ang aking paningin.

******

(Ariella's POV)

Natauhan lamang ako at natigil sa pagsaksak kay Sarina nang biglang may humampas na matigas na bagay sa likod ko. Bumagsak ako sa lupa. Kinuha ng mga kawal ang kutsilyong hawak ko at inipit ang aking mga kamay sa likod ko upang hindi ako makagalaw. Nakita ko si Vlad na nakadapa sa lupa at tumitirik ang kanyang mga mata, nangingisay rin siya at bigla na lamang sumigaw na tila isang halimaw.

A-anong nangyayari kay Vlad? Gusto ko siyang lapitan ngunit hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko. Hawak-hawak ako ng mga kawal. Wala akong magawa kung hindi ang lumuha. Ito na ba ang katapusan? Mamamatay na ba ako? Mamamatay na ba kami ni Vlad? Siguro mas gugustuhin ko iyon upang matapos na ang aming paghihirap.

Ngunit lahat kami ay nagulat dahil unti-unting nagbabago ang itsura ni Vlad. P-para siyang nagiging halimaw. Dumoble ang kanyang laki at tinutubuan ng mga balahibo ang kanyang katawan. Mas humaba din ang kanyang mga pangil at ang dating asul niyang mga mata ay naging matapang na pula.

"N-nagiging halimaw ang bampira! Takbo!" Hiyaw ng isa sa mga kawal at agad silang nagsitakbuhan.

Agad na isinara ni Inda ang pinto ng templo nang makapasok na ang lahat ng sirenong kawal dito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naiwan nila ako.

Ibang-iba na ang itsura ni Vlad. Malayo sa mestiso at gwapo niyang mukha. Parang siyang isang mabangis na hayop. Ito kaya ang nangyari kay Vueno noon? Papatayin rin kaya niya ako tulad nang ginawa ni Vueno sa kapatid ni Sarina? Muling umungol nang malakas si Vlad na tila ungol ng sampung pinagsamang mga leon. Hindi ako gumagalaw at nagkunwaring patay kasama ng mga walang buhay ring mga kawal.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now