XXIX: Pagtakas

190 12 2
                                    

(Ariella's POV)

"Ay sorry nakaabala ba ako? hehe." wika ni Jossa matapos niyang putulin ang momento ko. Nandun na sana eh, malapit nang dumampi ang labi ni Vlad kung hindi lamang siya dumating.

Naghiwalay kami ni Vlad at napayuko na lamang ako.

"Hoy pwede niyo naman ituloy! Nahiya pa kayo. Pasok na lang ulit ako sa kwarto." wika pa ni Jossa at akmang papasok muli sa kwarto nang biglang lumabas si Sarina at nabangga siya nito sa balikat.

"Aray!"

"Hello ina? kamusta ho kayo?! Wala bang nangyari sa inyo?!" may kausap sa telepono si Sarina at tila nag-aalala. Kung hindi ako nagkakamali'y kausap niya ang kanyang ina.

"Paki-usap huwag na huwag ho kayong lalabas, Laganap na ang bampira ngayon! napakarami nga ho dito sa paligid namin."

Telepono: Salamat naman at nakausap na kita anak ko! Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sa'yo. Kamusta ka? Ligtas ka ba? Nasaan ka ngayon?

"Huwag na ho kayong mag-alala. Ligtas po ako. Nandito ako sa bahay ni Franco, kapag nakakuha kami ng tyempo'y pupunta ho agad kami riyan."

"Hindi anak! huwag na huwag kang uuwi sa bahay,"

"Ho? B-bakit? Nasaan ho kayo?"

"Nandito kami sa templo. Nakaalis kami bago pa man maghasik ng lagim ang mga bampira. Dito kayo pumunta sa templo, mas ligtas dito dahil maraming kawal na sireno at matibay ang gusali.

"Hay salamat naman kung ganun, gumaan ang pakiramdam ngayong alam ko na na nasa mabuti kayong kalagayan. Halos kayo lang po ang nasa isip ko nang mapanood ko ang balita."

"Ikaw anak mag-ingat ka d'yan ha, nawa'y protektahan kayo ni Bathala sa pagpunta niyo rito. Hindi mapalagay ang aking loob dahil ikaw lang ang wala dito. Siya nga pala, wag na wag mong huhubarin ang perlas mo ha,"

"B-bakit ho?"

"Dahil sirena ang pakay ng mga bampira. Naghahanap sila ng mga sirena upang lumakas sila. Kapag hinubad mo ang perlas ay maaamoy nila ang pagiging Sirena mo kaya huwag na huwag mo iyang huhubarin. Baka matulad ka kay Ivanang Filapia,"

"B-bakit ho? Anong nangyari kay Ivanang Filapia?"

"Hinubad niya ang perlas noong lumangoy siya sa kanyang pribadong palanguyan, naamoy siya ng pinuno ng mga bampira't dinukot siya."

"Diyos ko!" napatakip ng bibig si Sarina. "A-ano na hong kalagayan niya ngayon?"

Ang alam ko'y bihag pa rin siya ng bampira. Masyadong malakas ang dumukot sa kanya anak, hindi siya kakayanin ng mga kawal na sireno.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now