XXIII: Kain bibig

242 15 0
                                    

(Ariella's POV)

"VLAD!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang masamang panaginip. Si Vlad.. napanaginipan ko siya. May kakaibang lakas daw si Lazarus at napatay siya nito. Akala ko totoo na. May nakita rin akong babae sa aking panaginip na kasama ni Lazarus. Sino kaya iyon? Hindi malinaw ang kanyang mukha.

"Aray.." napahawak ako sa ulo ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Ano ba ang nangyari kagabi? Ang huli kong natatandaan ay uminom kami ng alak kagabi ni Jossa at Franco. Paano ako napunta sa kwartong ito? Hindi ba't si Vlad ang dapat na natutulog dito? Nasaan ba si Vlad? Nasaan si Jossa? Kahit nahihilo'y bumaba ako sa kama upang lumabas ng kwarto.

"Aaaaaaaahhh!"

Nagulat ako sa aking nakita. Pagbukas ko ng pinto'y tumambad sa aking paningin si Jossa at Franco na walang kahit anumang saplot habang natutulog sa sala. Bakit sila nakahubad?!

Agad na nagising si Jossa at tinakpan ng damit ang hubo niyang katawan. Tila naguluhan rin siya at hindi alam ang nangyari. Nagawi ang aking paningin sa tila mabuhok na hayop na nakadikit kay Franco? Ano iyon? Agad naman itong tinakpan ni Jossa ng damit.

"A-ano yung nasa ano niya--"

"Shh wag mo nang alamin!" Sigaw niya at agad na nagbihis. Gusto ko lang naman malaman kung anong klaseng hayop iyon. Alaga rin ba 'yun ni Franco? Kalaro ba ito ni Betlog?

"B-bakit kayo nakahubad?" Tanong kong muli. Iyon ang labis kong ipinagtataka, bakit sila hubo't hubad habang natutulog?

"M-mainit kasi kagabi. Kaya napahubad kami." Sagot naman ni Jossa na hindi makatingin sa akin. Pwede palang maghubad kapag naiinitan?

Batid kong may bumabagabag sa kanyang isipan. Tila balisa siya't hindi alam ang gagawin.

"Aaaaaahh!" Napasigaw naman si Franco nang ito'y magising rin at makita ang sarili na hubo't hubad.

"Anong ginawa mo sa akin?!" Hiyaw pa niya kay Jossa.

"Hoy ikaw ang may ginawa sa akin!" Sagot naman ni Jossa. Ano bang ginawa nila sa isa't isa?

Lumapit sa akin si Jossa at tinakpan ang mata ko't ipinagtulakan papasok sa kwarto. Ano ba talagang nangyayari?

Matapos na maisara ni Jossa ang pinto ay rinig na rinig ko ang kanilang pagtatalo. Labis akong naguguluhan sa mga ikinikilos nila. Kagabi lamang ay napakasaya namin ngunit bakit ngayo'y parang aso at pusa silang nag-aaway? At tsaka ano raw? Sex? Patong? Halikan? Ilan lamang yan sa mga narinig ko.

Nababagabag ang aking loob habang pinapakinggan ang kanilang pagtatalo. Hindi na ako nakapagpigil at binuksan ko na ang pinto.

"Nag-aaway ba kayo?" Natigilan sila pareho.

"N-nag uusap lang kami Ariella." Sagot naman ni Jossa.

"Usap? Bakit sigawan ang naririnig ko?"

"A-ahm.."

Lahat kami'y napalingon sa pinto nang bigla itong bumukas at iniluwa si Vlad na sugatan. Diyos ko anong nangyari?! Tila nagbalik sa isip ko ang panaginip ko kanina. Ganyang-ganyan ang itsura niya nang bugbugin siya ni Lazarus!

"Vlad anong nangyari sayo?!" Lumapit ako sa kanya at siya'y inalalayan. Nababalisa na naman ako't labis ang pag-aalala. Nararamdaman ko na naman ang naramdaman ko noong magkasakit si Jossa.

"P-pre bakit ka sugatan? Anong nangyari sayo?" Lalapitan sana ni Franco si Vlad ngunit pinigilan siya ni Jossa. Hindi niya pwedeng malaman na bampira si Vlad.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now