II: Vlad

618 20 0
                                    

Sunlight. I hate sunlight.

It burns my skin. Deeply. Painful.

I hate being a vampire.

I am immortal but I really want to die.

I am Kenneth a.k.a Vlad, and this is my story.

*******************************

Isinara ni mama ang pinto ng bahay at hinarangan pa niya ito ng malaking aparador. Tila takot na takot siya at may tinataguan. Maging mga bintana ay isinara niya. Pinagmamasdan ko lang siya at nagtataka. Kaarawan ko ngayon at ika-sampung taong gulang ko na. Hindi ko siya maintindihan, dati-rati'y kapag kaarawan ko'y nagluluto siya ng mga paborito ko. Ngunit iba si mama ngayon. Buong araw siyang balisa. Parang wala siya sa sarili. Matapos niyang tingnan kung nakasarado na ang lahat ng bintana at pinto, hinila niya ako at mahigpit na niyakap.

"Mama ano pong nangyayari?"

"Shhh." Sabi niya at panay ang masid sa paligid. Alas 6 na ng gabi.

"Ma ano bang nangyayari?" Tanong ko pa. Natatakot na ako.

Isang malakas na pagkatok sa pinto ang narinig namin. Niyakap ako ng mahigpit ni mama. Mas labis ang naramdaman kong takot. Ano yun? Sino yun? Ano ba talagang nangyayari?

"Shhh. Anak wag kang maingay. Pumunta ka sa kwarto mo sa taas, ilock mo ang pinto at sumuot ka sa ilalim ng kama bilis. Kahit anong mangyari wag na wag kang lalabas. Wag kang gagawa ng ingay." Sabi ni mama sa akin pero mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Ayaw ko siyang iwan. Natatakot ako.

"Mama ayaw ko po. Natatakot ako. Mama sino ba yun?"

"Anak, wag nang matigas ang ulo. Tumago ka na bilis." Patuloy sa pagkalampag ang pinto. Wala na akong nagawa kundi sundin si mama.

Pumunta na ako sa taas at dumiretso sa kwarto at sinarado ang pinto. Sumuot ako sa ilalim ng kama ko habang nanginginig sa takot.

Takot, Pangamba, pagtataka, naghalo-halo na ang mga nararamdaman ko. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

Gawa sa kahoy ang lapag sa ikalawang lapag namin, inilapit ko ang tainga ko dito upang marinig kung ano ang nangyayari sa baba.

Isang malakas na kalampag at nagbagsakang bagay ang narinig ko. Siguro'y nabuksan na ang pinto. Napatakip ako ng bibig. Umiyak ako ng umiyak habang mahinang binibigkas ang salitang mama. Paano na si mama? Paano kung patayin siya ng kung sino mang masamang taong yun?

"Tigilan mo na kami!" Narinig kong sigaw ni mama.

"Ngayon na ang panahon, Jamella. Nasaan ang anak ko?" Boses ng isang lalaki. S-sino yun? Sino ang hinahanap niyang anak?

"Dadanak muna ang dugo mo bago mo makuha ang anak ko!" Sigaw naman ni mama. A-ako ba ang tinutukoy ng lalaki?

"Wag mo nang pahirapan ang sarili mo Jamella. Hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin. Ibigay mo na lang sa akin ang anak ko at tapos na tayo. Hindi na kita guguluhin pa." Wika pa ng lalaki.

"Hindi-hindi mo makukuha ang anak ko. Hindi ko siya ibibigay sa halimaw!" Sigaw pa ni mama. Maraming katanungan ang nabuo sa isip ko. Hindi kaya ako ang gustong kunin ng lalaki?

"Jamella, jamella, jamella. Gusto mo ba talaga akong kalabanin? Ikaw na ang nagsabi, halimaw ako. Sa tingin mo, anong kayang gawin ng isang halimaw? Sino ang mas malakas sa atin? Kung ayaw mong pag-pira-pirasuhin ko ang katawan mo, ibigay mo sa akin ang anak ko." Nagsitaasan bigla ang balahibo ko at natakot sa mga sinabi ng lalaki. Ngunit mas nangibabaw sa akin ang pag-aalala kay mama. Kung ako man ang hinahanap ng lalaking yun, kung siya man ang tatay ko, sasama na ako. Ayaw kong mapahamak si mama nang dahil sa akin. Lumabas ako sa ilalim ng kama at tumakbo patungo sa baba.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now