XXXVIII: Bagong Reyna

112 8 2
                                    

Napansin ko ang likidong pilit na kumakawala sa mga mata ni Sarina.

"Oh gosh, sorry, naistorbo ba namin kayo?" Nanginginig ang boses na tanong pa niya kahit halata sa kanya na tila apektado siya sa nakita. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang siyang lumabas ng silid at tumakbo.

"Bes!" Tinawag siya ni Franco ngunit nagpatuloy lang ito sa pagtakbo. Ano bang nangyayari? Bakit naluha si Sarina nang makita niya si Franco at Jossa na nagkakainan ng bibig?

"Franco, kausapin mo siya." Wika naman ni Jossa at agad na hinabol ni Franco si Sarina. Naiwan kami ni Jossa sa silid. Isinara ko ang pinto.

"Jossa ano bang nangyayari? Bakit parang umiyak si Sarina nang makita kayong nagkakainan ng bibig?"

"Ah-uhm.. ano.." hindi niya malaman kung ano ang sasabihin.

"Ikaw ah.. Bakit kayo nag kakainan ng bibig? May narinig din ako sa usapan niyo ni Franco." Nagulat si Jossa sa sinabi ko. "Umamin ba siya sa'yo? Parang narinig ko kasi parang mahal ka na daw niya." Tanong ko pa. Pinipigilan niya ang pagngiti.

"Ha? Pinagsasasabi mo? Parang sira 'to." Wika lang niya at pilit na itinatago ang kilig sa katawan.

"Wag mo nang itago yan, alam kong kinikilig ka."

"Waahhhhh Ariella!" Bigla siyang sumigaw nang masigla. "Iiiiiihh! Hindi ko na mapigilan sis! Waaaah." Pinaghahampas niya ako at bigla siyang nagtatalon sa tuwa.

"Actually sis, I felt like— alam mo yun? Parang— ah basta! Ayaw kong maniwala sa kanya pero parang feeling ko, sincere naman siya eh. I saw it in his eyes, parang totoo naman ang sinasabi niya. Sabi niya parang mahal na daw niya ako, nahuhulog na raw siya sa akin, wwaaah punyeta. Sis feeling ko humaba lahat ng buhok ko pati bulbol eh. Isipin mo itong mukhang ito, may magcoconfess na gwapong engineer? Nung una, I don't know if paniniwalaan ko siya, di ko alam kung sincere ba siya.. but when he kissed me, girl.. pot@ngina. Hinalikan niya ako Sis! alam mo ba yun?! At hindi sa pisngi ah, hindi sa noo, hindi sa buhok, hindi sa batok, SA LIPS Dzai! SA LIPS! Waaah!" Ito yung Jossa na nakita ko noong nililigawan siya ni Franco dati. Ganitong-ganito siya noon, masaya at naglulupasay sa kilig. Ang pinagkaiba lang, noon, nagkamali ng pangalang nililigawan si Franco. Pero ngayon, eto na, natupad na ang pangarap niya. Nagkagusto na sa kanya si Franco at masaya ako para sa kanila.

"He made me believe in love again. Aaminin ko, nadala ako sa halik niya, yun yung nagpawala ng doubts ko sa kanya."

"Nakita ko nga, nagkainan kayo ng bibig haha." Wika ko.

"Hoy punyeta ka talaga. How many times do I have to tell you, hindi kainan ang tawag 'dun, kiss o halik ang tamang word para jan. Ang baboy ng word mo." -Siya

"Naalala ko lang yung pinanood natin. Di'ba pinilit halikan nung babae 'yung lalaking gusto niya? Pero ikaw, hindi ikaw yung namilit na halikan siya. Ikaw ang hinalikan! Haha." Wika ko. Sa kdrama na iyon una kong nasilayan ang paghahalikan. Ang nasa isip ko noon, nagkakainan sila ng bibig.

"Iiihh oo nga no? Hahaha. haba ng hair ko! Feeling ko ang ganda-ganda ko."

"Nakakagulat naman ang lahat ng pangyayaring ito. Hindi ko akalain na sa muli nating pagkikita, magbabago ang lahat. Bago ako kuhanin ni Lazarus, halos parang aso't pusa kayo kung mag-away eh. Pero ngayon, akalain mo 'yun, magkakagustuhan pala kayo."

 Blood and WaterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora