XVIII: New Housemate

226 12 0
                                    

(Ariella's POV)

"P-prinsipe?"

"Aaahhh! Ahhhh!"

Bigla siyang nangisay at nagsisigaw ng tumama sa mukha niya ang sikat ng araw dahil sa pagbukas ko ng pinto. Agad ko namang itong isinara.

"Pasensya na! Hindi ko sinasadya! Ayos ka lang ba?" Lumapit ako sa kanya. Bakit kasi doon siya pumwesto? Tumatama talaga ang sikat ng araw doon ng ganitong oras.

Tinitigan niya ako na tila kinikilala kung sino ako. Tinanggal ko ang salamin at facemask ko.

"Ikaw ba yung sirena?" Tanong niya.

"Oo ako nga. Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok dito sa bahay?" Tanong ko naman. Umayos siya sa pagkakaupo.

"Bukas ang pinto nung dumating ako dito kaya pumasok na ako." Naku nakalimutan ko siguro itong isara noong dinala namin sa ospital si Jossa. Napansin ko ang maliit na paso sa pisngi niya.

"M-may sugat ka." Hinawakan niya ang pisngi niya.

"Sandali kukuha ako ng panggamot."

"Hindi na kailangan." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at agad akong tumungo sa kwarto upang hanapin ang lagayan ng gamot ni Jossa. Hinanap ko ang panggamot na ginamit noon ni Jossa sa sugat ko sa paa. Agad akong bumalik sa kanya nang makita ko na ito.

"Nasaan na yung sugat mo?" Nagulat na lang ako nang makita kong wala ng kahit anong sugat sa pisngi niya.

"Sinabi ko naman sayo hindi na kailangan. Mabilis lang maghilom ang sugat ng mga bampira. May kakayahan ang aming katawan na pagalingin agad ang anumang sugat depende sa lalim o laki nito." Wika naman niya.

"Ganun ba?" Umupo ako sa sofa. "Bakit ka nga pala naparito?" Tanong ko na lang.

"Para protektahan ka." Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Uminit din ang pisngi ko at tila may mga paru-parong nagsiliparan sa tiyan ko. Anong ibig niyang sabihin?

"P-protektahan? Bakit?"

"Hinahanap ka ni Lazarus. Gusto ka niyang makuha at kagatin upang magkaroon rin siya ng lakas tulad ng ibinigay mo sa akin. Tiyak na maghahasik lamang siya ng lagim kapag nangyari yun. Kaya kailangan kitang protektahan."

Naghalu-halo na ang nararamdaman ko. Takot, pangamba at siguro "kilig" na rin dahil sa wakas ay nakita ko na siya. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa sinabi niya o matutuwa dahil may isang taong nais akong protektahan.

"Kung ganun kailangan ko bang magpakalayo-layo? Pumunta sa lugar kung saan hindi niya ako mahahanap?" Tanong ko.

"Kahit saan ka pumunta ay mahahanap at mahahanap ka pa rin niya." Wika niya. Mas lalo akong nangamba.

"A-anong gagawin natin? Paano ako makakaiwas sa kanya?" Wika ko.

"Hangga't naririto ako hindi ka niya magagalaw." Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko iyon. Ano bang meron sa pusong ito?!

"Napatay ko lahat ng kawal niya. Mapapatay ko na rin sana siya ngunit mabilis niya akong natakasan. Alam kong gaganti siya. Paghahandaan niya itong mabuti. Sigurado akong ikaw ang pupuntiryahin niya kaya agad kitang pinuntahan dito." Wika pa niya.

 Blood and WaterOnde histórias criam vida. Descubra agora