XXX: Noreen

199 13 0
                                    

(Jossa's POV)

Matapos na magpahabol ni Vlad sa mga bampira, agad kaming tumakbo patungo sa sasakyan ni Sarina. Ngunit hindi pa man kami nakakalapit sa sasakyan, isang malakas na hangin ang umihip at sa isang iglap ay sumulpot sa harapan namin si Lazarus. Nakangiti at nakalabas ang matutulis niyang pangil, mahahaba ang kanyang mga kuko't umiilaw ang pula niyang mga mata. Nakakatakot. Mas nakakatakot siya ngayon kesa noong una ko siyang makita.

"Aaaahhhh!" agad kaming tumakbo pabalik ngunit mas mabilis pa sa isang segundo ay agad muli siyang nakaharang sa aming dadaanan.

"Tigilan mo na kami! Gusto na naming malagay sa tahimik!" buong lakas kong hiyaw. Napahalakhak siya't tumingin sa akin.

"Lahat talaga kayo'y malalagay sa tahimik dahil papatayin ko kayo."

"Maawa ka sa amin, Lazarus! Wala kaming ginawang masama sa'yo." Wika naman ni Ariella.

"Wala? Sigurado ka? Nakalimutan mo na 'bang dahil sa'yo, lumakas si Vlad at tinalikuran ako! Marami siyang pinatay na bampira." Sagot naman ni Lazarus sa kanya.

"Hindi na namin kasalanan kung tatanga-tanga kayong kumuha ng virgin na babae! Ang nakuha niyo 'yung magbibigay karma sa inyo! Dapat lang sa inyo 'yan dahil mga salot kayo!" Hiyaw ko naman.

"Gusto mo 'bang wasakin ko ngayon din 'yang bunganga mo?"

"Wag mong sasaktan ang kapatid ko!" Humarang sa harap ko si Ariella.

"Gusto mo silang maligtas, hindi 'ba? Pwes, may kundisyon ako. Pasalamat ka dahil may natitira pang kabutihan sa aking puso, hija. Maliligtas lamang sila, kung sasama ka sa akin."

Kukunin niya ang kapatid ko? No way! Ako naman ang humarang sa harap ni Ariella. Itinago ko siya sa aking likod. Nawalan na ako ng magulang dahil sa mga bampira at hindi na ako papayag na kunin naman nila ang kapatid ko!

"Sisipsipin niyo muna ang nana ng pimples ko sa leeg bago niyo makuha ang kapatid ko!" Matapang kong sigaw. Hindi ako naniniwalang bubuhayin niya kami kapag nakuha niya si Ariella. Hindi tumitibok ang puso ng mga bampira kaya wala siyang puso! Tutal papatayin rin naman niya kami, mas maigi nang mamatay nang matapang. Atleast namatay akong ipinagtatanggol ang kapatid ko. Handa kong isangkalan ang buhay ko para sa kanya. Mahal na mahal ko si Ariella at paninindigan kong kapatid ko siya.

"Matapang kang babae ka.."

Bigla siyang suminghot ng malalim.

"Talaga bang kaya mong isangkalan ang buhay mo at ng anak mo para sa sirenang 'yan?" Naguluhan ako sa sinabi niya. Shuta kailan pa ako nagkaanak? May anak pala ako? Kailan pa? Buti pa siya alam niya.

"Pinagsasasabi mo?! Wala akong anak tanga! Mukha lang akong nanay pero bata pa ako no! Utak mo may pangil."

"Marahil ay hindi mo pa alam.." ngingisi-ngisi pa siya.

"Na ano?" Tanong ko.

"na nagdadalang tao ka." Natawa na lang ako sa sinabi niya. Ako? buntis?

"Bobo ampota. Paano naman ako mabubuntis eh virgin pa ako? Hindi ako buntis tanga! Ano ako, si Virgin Mary? Isa ba sa kapangyarihan niyong mga bampira ay ang mag-ultrasound on the spot? Wow hightech vampires! Bakit hindi niyo na lang gamitin 'yan sa kabutihan para naman makatulong kayo sa taumbayan hindi 'yung namemerwisyo kayo!" Actually hindi na pala ako virgin dahil may nangyari sa amin ni Franco kagabi. Pero imposible naman na mabuntis ako agad di'ba?

"Amoy na amoy ko dalaga, may namumuong bata sa iyong sinapupunan."

"Namumuong tae pwede pa. Tigilan mo nga ako! Sinasabi mo lang 'yan para hindi kita labanan sa pagkuha mo sa kapatid ko!"

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now