XVI: Kundisyon

246 9 0
                                    

(Ariella's POV)

"Bakit parang hindi ka natutuwa na nakita mo na ako? Pangit ba ako?" Tanong pa niya.

"H-hindi.. a-ano kasi.. ahm.. ibig mo bang sabihin ikaw yung laging nag-iiwan ng bulaklak sa pinto? Ikaw yung nagbibigay ng sulat?" Napangiti siya.

"Oo ako nga 'yun. M-masaya ka bang nakita ako?" Napakamot na lang ako sa batok.

"Ano kasi.." hindi ko alam kung paaano ko sasabihin.

"Nadisappoint ka ba sa itsura ko? Pangit ba ako? Pero sabi mo di'ba kahit ano pang itsura ko, tatanggapin mo ako kasi mahal na mahal mo na ako? Bakit parang iba ang nararamdaman ko ngayon?" Ha? Kailan ko yun sinabi? Hindi naman siya pangit. Napakagwapo nga niya eh. Matangkad, matangos ang ilong, mabango pa.

Hindi ko lang alam ang sasabihin ko. Paano ko ipapaliwanag na hindi ako si Jossa? Sa nakikita ko, ako talaga ang tinutukoy niyang nililigawan niya. Buong akala siguro niya ako si Jossa. Parehas silang nagkamali ni Jossa. Parehas silang umiibig sa maling tao.

"Jossa, may mali ba sa akin? Handa akong baguhin yun para sa'yo 'wag mo lang akong iwan. Kung napapangitan ka sa akin, pagbigyan mo akong patunayan sa'yo na higit pa ako sa itsura ko.. kahit pangit ako sa paningin mo, kaya kitang mahalin buong buhay ko." Wika pa niya. Hindi nga ako si Jossa!

"Hindi kasi sa ganun, ano kasi.."

"Nandito na po tayo." Wika ng babae at tumigil na ang sasakyan. Nasa ospital na kami. Dali-dali kaming bumaba at itinakbo sa loob si Jossa.

Hindi ko matingnan ang lalaking ito.  Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nang makapasok kami sa loob, kinausap kami ng isang matandang babae na tinatawag nilang Doc.

"Anong nangyari sa pasyente?" Tanong nito.

"Ano po.. nanginginig po siya tapos.. mainit rin po ang katawan niya." Sagot ko naman.

"What do you mean nanginginig? Nilalamig ba siya?" Tanong pa niya.

"She had seizures, Doc. While we're in the ambulance, we checked her temperature and it was 40 something. She has a high fever." Sagot naman ng lalaking ito na hindi ko pa alam ang pangalan.

"Seizure? May epilepsy ba siya? Sakit na ba niya ito noon?" Tanong pa ng doctor.

"Jossa, may epilepsy ba talaga siya? Matagal na bang nangyayari ito sa kanya?" Bulong niya sa akin.

"N-ngayon lang po siya nanginig ng ganun, doc." Sagot ko naman.

"Okay maybe she had seizures because of high fever. It usually happens to a patient with high fever. By the way, What's the name of the patient?" Tanong ng doctor. Walang nakapagsalita sa amin. English kasi ang tanong niya, hindi ko ito naintindihan.

"Hey guys, what's her name? Hindi niyo ba siya kilala? Anong relasyon niyo sa pasyente?" Tanong muli ng doctor. Ayun may naintindihan ako sa sinabi niya.

"Kapatid ko po siya." Sagot ko.

"Then what's her name?" Tanong pa niya. Hindi ko na naman ito naintindihan kaya hindi ako nakapagsalita. Umiling na lang ako. Napansin kong parang nagtataka ang mukha ni Doc.

"Ano bang nangyayari? Kapatid mo pero di mo kilala? You're so weird. Hey how about you, you know her name? kaano-ano mo naman ang pasyente?" Tanong niya sa lalaking kasama ko.

"Hindi ko po sila kilala doc. I just helped them."

"Oh God. Ikaw, kung kapatid mo ang pasyente bakit hindi mo alam ang pangalan niya? Nagkakalokohan ba tayo dito?" Tanong pa niya sa akin. Ha? Sinong nagsabing hindi ko alam?

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now