XXXV: Paalam

161 7 3
                                    

(Ariella's POV)

Habang hinihintay si papa na dumating, napansin kong umilaw ang perlas ko nang matuluan ito ng luha ko. Matapos niyon, unti-unting naghilom ang mga sugat ko. Iyon lang pala ang kailangan upang maghilom ang sugat ko? Kailangan ko lang itong mapatakan ng luha ko? Naku salamat po Panginoon, ngayo'y makakakilos na ako ng maayos.

Ilang oras na ang nakakaraan, hindi pa rin bumabalik si papa. Nag-aalala na ako. Paano kung pinatay na ng mga bampira si Papa? paano kung abo na rin siya? Paano kung-- argh! Wag ka ngang mag-isip ng ganyan Ariella. Mas lalo ka lang mag-aaalala eh.

Hindi ako tumitigil sa pagdasal hangga't hindi nakakabalik dito si papa kasama si Inay.

Maya-maya pa, bigla akong nakarinig ng ingay sa labas. A-anong nangyayari? Bakit tila isang kaguluhan ang nagaganap? Kinabahan ako para sa mga magulang ko. Nailigtas na kaya ni papa si Inay? Lumapit ako sa pinto at idinikit ko ang aking kaliwang tainga dito. Pinakinggan ko kung ano ang nangyayari sa labas.

"May mga sumusugod sa labas! Kasama si Prinsipe Vlademo!"

Biglang nabuhayan ang puso ko nang marinig iyon mula sa mga bampira. Ililigtas ako ni Vlad. Biglang namuo ang ngiti sa aking mukha. Nagkaroon ako muli ng pag-asa na makakaalis kami dito kasama ang mga magulang ko.

Biglang gumalaw ang hawakan ng pinto at may pilit na nagbubukas nito. S-sino iyan? Kabilin-bilinan sa akin ni papa na 'wag na 'wag ko raw bubuksan ang pinto. Unti-unti akong umatras at lumayo. Binabalot na naman ako ng labis na takot. Nagulat na lang ako nang biglang nawasak ang pinto at tumambad sa akin si Lazarus.

"Nasaan si Noreen?!" Nakakatakot ang kanyang boses. Hindi ako nakapagsalita at sumiksik na lamang sa gilid ng pader.

"Sinabi nang nasaan si Noreen?!" Hiyaw pa niya. Napatingin siya sa abong nakakalat sa lapag. Lumapit siya dito at dumampot ng kaunting abo at tsaka ito inamoy.

"Pinatay mo ang sarili mong tiyahin?" sa sobrang takot ko'y hindi ako nakapagsalita.

"Bilib na talaga ako sa iyo." Tumayo siya at humarap sa akin. Ngumisi siya.

Nanginginig na ako sa labis na takot sa kanya. Kitang-kita ko ang mga ugat sa balat niya at ramdam kong nananalaytay sa katawan niya ang kakaibang lakas na ibinibigay sa kanya ni inay.

"Nagawa mong patayin ang taong nag-alaga sayo?"

"H-hindi--"

"Kaya siguro mahalaga ka sa anak ko, dahil bukod sa maganda ka, may tinatago ka ring angking tapang." Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako ang pumatay kay Tita Noreen pero umuurong ang dila ko sa labis na takot. Paano kung malaman niyang naging bampira si papa? Hindi pwede iyon. Baka hanapin niya ito't patayin.

"Naalala ko noong mas pinili mong magpakagat kay Vlademo para iligtas ang isang bata. Nakakabilib ang iyong tapang hija," Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin.

"Gusto ko ang ugaling ganyan.. matapang.. maganda." Tinitingnan niya ako na tila may gusto siyang gawin sa akin.

"Sa ganyang katangian ko rin nagustuhan si Jamella noon. Tila nakikita ko siya sa iyo.." Ngingiti-ngiti pa niyang wika.

"Sumugod nga pala dito ang anak ko para sa iyo hija." Dagdag pa niya. Unti-unti siyang lumalapit sa akin.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now